Chapter 31. Push and Pull

472 15 57
                                    

Klairey

-

They said, "you are in this lifetime for a purpose".

Noon, naiisip ko lang, siguro ang purpose ko sa buhay ay para buhayin lang ang baboy kong kapatid, magbayad ng utang na loob sa mga nagpalaki sa akin at magsilbi sa libu-libong tao sa pinagtatrabahuhan ko.

Let's face it. This world is the reality. And it's undeniably unpredictable.

Akalain mong sa liit ng mundong ginagalawan ko noon, madadagdagan pa rin pala ng rason kung bakit ako nasa mundong ito ngayon.

I made friends. Which I didn't expect at all. Never kong in-attach ang sarili ko sa iba sa ilang taon dahil naisip kong sa huli ay iiwanan pa rin naman ako.

Sa buhay na ito, wala kang ibang maasahan kundi sarili mo. Iyan ang nakatatak sa utak ko. Kaya ayokong umasa sa iba lalo na kung kasiyahan ko ang pinag-uusapan.

Happiness is a choice. Work hard. Enjoy the fruits of your labor then you can be happy. Simple. Never mong iasa sa iba ang happiness mo.

But it sucks knowing that one day, upon waking up, may mga tao kang naiisip na gusto mong maging parte ng buhay mo. Nang pang-habangbuhay.

Na hindi mo namalayan, ah, gusto ko silang makasama. Gusto kong maging masaya kasama sila. Gusto kong maging parte ako ng buhay nila at maging masaya sila dahil nariyan ako. Na naa-appreciate nila ako. Na gusto rin nilang masaya ako kagaya ng pakiramdam ko tuwing kasama ko sila.

Akalain mo? Umabot ako sa puntong iyon.

Tapos, pagsisisihan ko lang pala ulit ngayon.

I should have known.

Tama ang paniniwala ko sa mahabang panahon.

I've learned how to be genuinely happy for other people aside from my family. I've given chances to people who wants to climb the wall I built just to be with me.

Above all, I learned how to love again.

Pero masakit man, I have to let them go for me to not hurt myself more. I'm way too far from being selfless. I only think of myself. And I don't consider being selfish as a weakness. Being selfish is self-preservation. At least, I don't need to blame others for my mistakes.

After that trip with Ate Melody, bumalik ako sa trabaho ko. Nasagi man sa isip ko ang mag-resign at magpakalayo-layo, pinigilan ko ang sarili ko. What I also don't want to feel? Guilt.

Never nila akong kinakausap maliban kung related sa work. Ganito naman talaga kami dati. Dapat sanay na ako pero minsan, hindi ko maintindihan kung bakit nasasaktan ako.

The good side? Naging mas matatag ako. I have to give credit to myself for being stronger.

"Let's go, guys?" Ate Celine said nang pumatak ang alas singko. Nagkatinginan silang lahat at nahuli ko pa sina Kuya Dong na sumulyap sa akin.

"Bibisitahin namin si Renz sa ospital. Baka gusto mong sumabay. Dala namin—"

I cut Kuya Dong off. "Pakikumusta na lang po ako, Kuya."

Nagulat na lang kami nang binagsak ni Crisha ang bag sa table nito sabay bulong na halos dinig naman ng lahat. "Ang kapal ng mukha," she said sarcastically.

I glanced at her emotionlessly bago sinalampak na lang lahat ng gamit ko sa bag at lumabas na ng office.

I don't want to talk to anyone as much as I don't want to disappoint other people.

This is so not me but fuck this! I badly want to cry at this very moment!

I wanted to run. I wanted to shout!

Deal With Klairey Where stories live. Discover now