Chapter 7. It's Been A While

1.3K 75 24
                                    

Klairey

-

Nagising ako dahil sa kakaibang naaamoy ko. Kadalasan ay hindi ako nagigising sa kahit na anong klase ng ingay pero kapag amoy na lalo at unpleasant, that's a different kind of story.

Bumangon ako agad, at muntik pang matumba nang maramdaman ko ang sakit ng ulo ko, upang i-check ang kusina namin but there's no sign of Klover playing around. I checked his room at mahimbing pa ang tulog ng baboy. I would really kick his ass out kung sakaling siya man iyon! Magkalat na lang siya, ayos lang.

And I get it. Wala talagang puso itong mga kapitbahay ko, eh. Amoy pritong isda na sobrang langsa pa sa malangsa na may kasama pang usok at nanunuot na sa nostrils ko ang amoy niyon!

Sa bwisit ko ay sinara ko lahat ng pwedeng pasukan ng amoy ngunit balewala na iyon dahil na-invade na talaga kami ng kabahuan nila! Nag-spray ako ng air freshener upang kahit pa paano ay mabawasan ang amoy.

Napasabunot ako sa sobrang inis. Masama pa naman ang timpla ko ngayon! Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref at ini-straight iyon. Humanda lang talaga sila sa akin. Huh!

Naligo na lang ako upang kahit pa paano na rin ay mawala ang hangover ko. Kaunti lang naman ang ininom ko pero may tama pa rin, eh. Nagbabad muna ako sa loob ng banyo at hindi ko maiwasan na isipin ang mga nangyari kagabi.

The engaged couple took their sweetness to the next level. Dala ng espirito ng alak ay napasigaw ako ng 'get a room' sa kanilang dalawa. Nagsitawanan naman silang lahat samantalang seryoso na seryoso ako no'ng time na iyon. Yes, I remember it clearly. Hindi ako 'yong tipo na nakakalimot kapag nalalasing. And I think, it's a curse.

Though I can still pretend that I couldn't remember a thing. They wouldn't know.

Never ko talagang na-imagine na magkakaroon ng relationship sina Ate Melo at Sir Jim and now they're going to be married! I wonder how they feel ngayong malapit na silang ikasal? Kung gaano ba kasaya ang pakiramdam? Kung masaya nga ba talaga.

Kasi kung iisipin ko ngayon: una, gastos lang 'yan, pangalawa, wala ka nang freedom at pangatlo, sa part ni Ate Melo, syempre, magbubuntis iyan. Ang sakit kaya no'n! Isa pa, ayoko sa mga bata! Ang lilikot at ang iingay nila! Good luck na lang talaga sa kanilang dalawa basta ako, chill lang muna.

Noong nagtatrabaho pa si Ate Melo sa office ay minsan lang sila kung mag-usap ni Sir Jim. Walang sign na may something sa kanila noon. Napaka-civil lang nila sa isa't isa.

Magaling lang siguro silang magtago ng feelings. Sa pagkakaalam ko kasi ay bawal ang relationships sa office. It's either one of you will be transferred to other department or magre-resign ang isa.

OMG! Could it be the reason why Ate left? Dahil baka malaman na may relasyon sila ni Sir Jim? Hindi naman siguro. Ang alam ko talaga ay magtatrabaho si Ate sa ibang bansa, which is really true. Malaman ko lang na dahil talaga iyon kay Sir Jim, hindi ko siya mapapatawad. Dahil sa kanya, naiwan ako nang mag-isa!

Hindi naman kasi nagkukwento si Ate Melo tungkol sa lovelife niya at hindi rin naman ako nagtatanong. Kahit close kami ni Ate, awkward pa rin na magtanong tungkol doon. I personally don't want to ask questions na alam ko na pwedeng bumalik ang tanong sa akin. That's why I prefer being silent the whole time.

Tiningnan ko silang dalawa ng saglit and I almost see them kissing! Napa-tss na lang ako bago umiwas ng tingin. Palibhasa, iniwan na kami ng iba. The others went down to dance sa harap mismo ng live na tugtog. Humindi na ako kasi medyo nahihilo na ako no'ng mga time na iyon. Though Renzo stayed with me plus the love birds.

"Parehong kaliwa ang mga paa ko, eh," he said, half smiling habang nakatingin sa ibaba.

"So 'yong binibili mong sapatos, puro kaliwa lang?" I don't know where that stupid question came from but Renzo considered it as a joke. Namula na ito sa katatawa. "Now you lost your eyes. Paano ka na makakakita niyan?" I added.

Deal With Klairey Onde histórias criam vida. Descubra agora