Chapter 27. Cut To The Chase

384 21 71
                                    

Klairey

-

Ilang linggo na rin ang nakalilipas nang mag-usap kami ni Renz. Bumalik kami sa dati, civil lang at hindi ko naman nararamdaman na masama ang loob niya sa akin.

It's awkward sometimes lalo na at inaasar kami ni Kuya Dong pero nasanay na lang din kami at tinatawanan na lang.

We remained friends like what we have talked to. At kagaya nang sinabi ko sa kanya, I'm wishing he'll find someone who can reciprocate his love.

"It's Yulian, right?"

I remembered him asking.

Napalingon akong muli sa window kung saan lagi itong biglang lumilitaw. Ilang linggo na rin na wala akong balita sa kanya.

Kung kailan kailangan ko siya, doon pa siya missing in action. That guy has been out of sight and I didn't know what's happening!

How will I know if I don't even ask? Why bother? Hindi nga ito nagpaparamdam, means he's also unbothered, right? Knowing him, mangungulit ito nang mangungulit just for me to know he exists.

But I haven't heard anything from him so far and I just can't ask anyone kahit pa si Klover.

"Ate, may hinihintay ka ba?" Haze asks as she put the files I am borrowing from her on my table.

"Wala naman." sagot ko at nagkunwari na lamang na abala sa trabaho.

"If you need anything, please let me know." she said like it's double meaning. I need anything? Like a piece of information from a missing guy?

Naging mas busy pa kami nang mag-umpisa na naman ang enrolment. Stressed na stresssed na naman ako pero si Hazel, tuwang tuwa dahil maraming nakakasalamuha. Naiinis lang ito kapag kinukulit siya nung bata niyang manliligaw na ilang beses na niyang binusted pero sige pa rin.

If I know, may gusto kasi siyang iba kaya ayaw pumatol doon sa bata. Besides bata nga kaya ayaw niyang patulan. Sabi niya kasi gusto niya yong lalaking matured na ang pag-iisip. Di na lang nag-drop ng pangalan.

"Next!" sigaw ko sa window. Hinintay ko lang na may maglapag ng registration card sa tapat ko pero ilang segundo na ang nakalilipas ay wala pa rin kaya dudungaw na sana ako. Magka-cut off pa naman na ako.

Imbes na registration card ang bumungad sa akin ay isang kumpol ng rosas ang inaabot sa window.

"Ayiii~" rinig kong sabi ng mga estudyante sa labas.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko at lalong kumabog iyon nang masilayan ko ang mukha ng isang taong matagal ko nang hinihintay at gustong makita.

"Gusto ko lang pong malaman kung pwede akong mag-enrol sa puso n'yo?" Malawak na ngiti ang kasabay niyon at hindi ko alam kung bakit uminit bigla sa loob ng opisina namin.

Ganunpaman ay nilabanan ko ang kung anumang nararamdaman ko at pinilit pa rin na magtaray.

"Sorry, cut off na."

Akala ko ay ordinaryong stressful na araw lang ang mararanasan ko ngayon. Hindi naman ako na-inform na ngayon ko makakaharap ang problema ko.

Literal na kaharap dahil kasabay kong kumain ngayon si Yulian. Iniwan kami nina Hazel para makapag-usap daw kami kahit pinipilit ni Crish na sa cafeteria na lang at samahan kaming kumain.

Sobrang haggard ko pa naman at hindi na ako nakapag-ayos dahil saktong cutoff na nga at gutom na gutom na ako.

Nakakahiya naman sa kanya. Mukha siyang fresh sa bago niyang haircut, stripes shirt at ripped jeans. Samantalang ako, kaunti na lang papasa nang walking eyebags.

Deal With Klairey Where stories live. Discover now