Chapter 20. Rapunzel

573 27 46
                                    

Klairey

-

I blinked a thousand times while catching my breath. What happened to you, Klairey?

'Yong tipong gusto kong sabunutan ang sarili ko at magbasag ng mga bote but I need to retain my calmness. Ang init naman kasi rito. Parang kanina lang, lamig na lamig pa ako, ah?

"K-klai—"

"Shut up. Don't talk," I shrieked, suspending my hands in front of his face. I can't look directly in his eyes. Nahihiya ako! Baka magmukha akong easy to get! Gosh!

"Pasensya ka na," malungkot ang boses nito.

I cut him again. "No need to say that! Don't say that, please? Mas lalo akong hindi mapapakali." I might think that he regretted it. Nangyari na ang nangyari.

"O-okay."

"Let's pretend that nothing happened, okay? Wala lang naman iyon, di ba?" ngumiti ako na parang timang. Ngiting aso na kung ngiting aso.

Napatingin ito sa akin na parang hindi makapaniwala but he remained silent and nodded.

"Hatid na kita sa kwarto n'yo nang makapagpahinga ka na," matipid itong ngumiti at tumayo. Ilalahad sana niya ang kamay sa akin para alalayan akong tumayo pero agad din niyang binawi at kunyari ay nagpagpag na lang sa shorts.

"M-mabuti pa nga."

Niligpit lang namin ang mga bote at pumasok na sa loob. Nauna akong naglakad at sumunod lang siya.

"Uuwi na rin ako. Good night, Klai."

Napahinto ako sa kaseryosohan ng boses niya. Gone was the playful Yulian. He seems really bothered and I worry about it.

"G—"

Biglang bumukas ang pinto at niluwa niyon ang pupungas-pungas na si Crish. "Oh, Klai? Ba't—Yulian?!?" mistulang nakakita ito ng multo nang makita si Yulian. Tinakpan nito ang mukha at mabilis na nagtago sa likod ng pinto. "Wala akong make up!"

"Shh! You might wake a sleeping beauty!" saway ko.

"I'm up!" sigaw ni Haze sa loob.

Guess, there's no need to minimizing our voices then. But the couple in the other room! I almost forgot about them. Kamusta na kaya ang dalawang iyon? Napalingon ako sa nakasarang pinto.

"Inutusan pa nga akong hanapin ka," bulong ni Crish. "Yulian baby? What brought you here? Miss mo ko, no?"

Napangiti si Yulian kahit na hindi naman ito umabot sa mga mata niya at hindi naman siya nakikita ni Crish. "Oo, na-miss kasi kita," he said while looking at me.

"Sabi na, ako talaga bet mo eh! Sorry, can't let you see my bare face!" malandi nitong sabi. Baliw talaga.

"Una na ko."

Tumango ako at pumasok na agad sa kwarto. Hindi ko hahayaan na una siyang tatalikod sa akin. Wala na nga akong mukhang maihaharap, uunahan pa ako sa pagwo-walkout?

Kinaladkad ko na rin papasok si Crisha. She acted like she was left behind and her hand hanging in the air.

Naabutan kong tulog na kaagad si Hazel. Ang bilis naman niyang makatulog? Kung sabagay, ang dami niyang nainom.

Inayos ko na lang ang mga gamit ko at nagbihis na. Pagbalik ko sa kama, nakaupo si Crisha and she's looking at me criticizingly. Nilampasan ko naman siya at humiga na lang.

"Ay te? Ganoon na lang yon? Walang pakwento naman diyan?"

Nagda-doubt ako kung ikukwento ko ba kay Crish because knowing her, ikukwento niya iyon kay Hazel. There's nothing even worth telling. We just... Ugh!

Deal With Klairey Where stories live. Discover now