Chapter 13. Not Yet Please

853 40 15
                                    

Klairey

-

Thinking that this guy beside me caught me makes me feel more uncomfortable. He seems to be in a very good mood.

Am I thinking overly if I assume that it’s because of him saving me a while ago? Duh? Kaya kong ipaglaban ang sarili ko. I mean iiwas ang sarili ko sa kahit na sino. I don't ask him to do me a favor in the first place so bakit parang may utang na loob ako kanya? 

Ugh! Stop it, Klai. OA ka nga lang. Wala namang sinasabi ‘yong tao.

But still!

Okay, okay. Nandoon na ako. I still have to be grateful. It may be a small thing but it’s a big deal for me na ayaw sa skin ship. I hate it when someone touches me without my consent. Though even if you ask, I will still not give my permission.

Pagdating namin ay nauna na sina Ate Melo sa mismong port. Sinamahan ko naman si Yulian na maghanap ng parking lot. Do I have a choice? Eh, apat lang naman kami.

"Ang pasikat ni Haring Araw!" banggit ni Yulian pag labas nito ng sasakyan.

"Kasing pasikat mo," bulong ko. Tss. 

"May sinasabi po kayo?" 

"Wala! Sabi ko bibili ako ng tubig. Saglit lang." 

Pumunta ako sa malapit na tindahan at bumili ng bottled water. Sumingit naman si Yulian at sinabing dalawa na ang kunin. Akala ko naman ay babayaran niya iyon. 

"Pautang muna, Ma'am. Ay, mali. May utang nga po pala kayo sa akin," sabi nito at nakagat ang ibabang labi sa pagpipigil ng tawa. "Salamat!" 

Klairey, kalma. Kalma. Kalma! 

Palalampasin ko muna ito dahil binilhan niya ako ng tubig kanina. Bawas utang na rin. Oo, tama. Ganoon na nga. 

-

Lahat ng sasakay sa bangka ay kailangan munang magpalista ng pangalan at magbayad ng terminal fee. Nasa bangka na raw sina Ate Melo at hinihintay na lang kami. 

"Pangalan!" mataray na sabi nung ate sa window. Kapag ako nagtaray, baka umuwi 'tong luhaan at duguan.

"Klairey Ramos," malamig na sagot ko. Nakita kong sinulat niya sa logbook nito ang malutong na CLAIRE RAMOS.

Sa lahat pa naman ng ayaw ko ay iyong mami-misspell ang pangalan ko. Hindi lang misspelled kundi misheard pa! Napakaraming beses na iyang nangyari sa akin simula pa noong nag-aaral ako pero hindi ako masanay-sanay.

Mabuti at nagmamadali kami kaya hindi ko na lamang pinansin. Kasunod ko pa si Yulian na may mga bitbit na gamit. Pumunta ako sa gawing gilid at pinagmasdan sila ng nakapamaiwang at nakakunot ang noo.

Sa hindi ko inaasahan ay biglang sumingaw ang mas masilaw pa sa sikat ng araw na ngiti ni ateng nang nginitian ito ni Yulian. Napataas na lamang ang isa kong kilay sa mga ito. Tss.

"Magandang umaga po," bati ni Yulian. Kahit nahihirapan ay nagawa niya pang ngumiti sa teller. Bakit kasi hindi niya ibaba ang mga dala niya?

"Pangalan?" malambing niyang tanong. Ha!? Really, Ate? Lalaki lang pala ang magpapalambot sa iyo?!

"Yulian Rosario." 

Nagsulat naman si ate sa logbook niya. "Ganito ba ang spelling?" Pinakita nito ang logbook at nag-thumbs up naman si Yulian. 

Bakit ang pangalan ko, hindi niya tinanong kung tama ba ang spelling? 

"Contact number... In case of emergency," malambing pa rin nitong sabi. Iaabot na nito ang ballpen kay Yulian ng hinablot ko iyon at sinulat ang number ko sabay hila kay Yulian. 

Deal With Klairey Where stories live. Discover now