Chapter 19. Yulian's POV

632 32 41
                                    

Yulian

-

Nandito kami ngayon sa pa-party ng barkada ni Sir Jim para sa kanya. Baste, o bache-basta parang ganoon na party. Hindi naman ako naka-attend pa ng ganito sa buong buhay ko.

Sa amin, kapag ikakasal ng ang isa sa barkada, inuman lang sa labas ng bahay. Walang ganito na parang may costume pa. Pang haloween lang ang mga ganito, di ba?

Invited kasi ang lahat ng lalaking staff ng SN dito at sa kabila naman na party ang mga babae. Yong tinatawag ng Maam ko na shower. Hindi ba talaga sila mababasa roon? Iniisip ko, may swimming pool tapos magbabasaan sila.

Pinapatulong lang naman kami ni Ms. M dito para mag-serve ng drinks pero hindi naman kagaya nang ginagawa namin sa bar. Basta, magre-refill lang naman kami kapag ubos na at sila na ang bahala na kumuha sa counter.

Nandito rin ang mga kaopisina ni Sir Jim. Sina Sir Dong at si Renz na napakatalim ng tingin sa akin. Kung hindi ko lang ito kilala, baka naisip ko pang paminta siya. Ano na naman kaya ang problema niya ngayon?

Nalalaman ko kaagad yong mga paminta dahil (hindi naman sa pagmamayabang pero mayabang talaga ako minsan) sa dami ba naman ng nagkagusto sa aking paminta noong freshman college palang ako, ramdam ko na yon. Dito nga sa loob ng club na ito, marami akong naaamoy eh. Yong isa, pinsan ni Sir Jim at yong isa pa nitong kasama na laging tumitingin ng maligkit kay Sir Jim.

Naku nahahatsing ako!

Inakbayan ako ni Klover lover boy, my future brother-in-law. May hawak itong bote ng beer. "Mister Yu! Mag-enjoy ka naman!"

Tamang masid lang sa dilim at may hawak na patalim ang asta ko rito. Syempre, biro lang yong patalim, hindi ako si kamatayan. Hindi lang kasi ako sanay sa mga ganitong ganap. Mas gusto ko pa ang makipag-inuman sa kanto o di kaya ay tumambay sa perya, kaysa sa ganitong pangsosyal na party.

"Sige lang, Klover lover boy! Marami akong ginagawa, eh." Totoo naman. Kalahati ng rason, hindi ko ma-enjoy. Mas iniisip ko ang party ng Maam ko kaysa dito. Hindi na lang kasi niya tinanggap ang alok ko na magma-macho dancer ako sa shower nila. Mas masaya yata roon kaysa rito.

"Daming chix dito, oh! Ang se-sexy at sobrang ganda! Spread that wings and fly away, dude!"

Nilingon ko ito. Medyo lasing na si bayaw at dapat ay alalayan ko ito. Utos ng bossing na huwag ko itong pabayaan.

Oo, marami ngang nagkalat na chix. Kanina nga ay may umaaligid sa akin, lalaki lang ako. Natutukso rin. Kaya, kinanta ko na lang sa isip ang "oh tukso, layuan mo ako".

Nakakatawa lang yong pinsan ni Sir Jim

Nagpapanggap pang nag-e-enjoy sa babae pero umiiral ang pagkapaminta dahil kita mong diring diri naman habang gumigiling ang babae sa kandungan niya.

Hindi naman uubra tong mga to sa akin. Kung dati, baka pa. Ngayon kasi, isa lang ang gusto kong makita na chix. Ang bakla ko. Ang sweet corn ko talaga!

Inlab na yata ako sa kanya.

Naalala ko na naman noong niyaya ko siyang uminom ng milktea. Sabi kasi ni Hazel, mahilig ang Maam ko sa milktea, kaya niyaya ko siya. Mukhang hindi naman pala kaya hindi na kami bumalik doon. Mag-iisip na lang ako ng sarili kong diskarte. Kapag aasa ako sa iba, baka pumalya pa ako.

Deal With Klairey Where stories live. Discover now