Chapter 01

814 16 8
                                    

Chapter 01

"Lerro Sinn!"

I heard him shouting again— my name. And you know what? Alam mo 'yung feeling na para kang masisiraan ng ulo?

"Lerro Sinn! Again? Are you insane? Why did you—"

Napatayo ako sa aking kinauupuan. Everything's fine. Typical. Simple. Pero sa ginagawa niya'y nagiging isyu. Mapapatawag pa kaya ulit ang lola ko nang dahil dito?

"Hoy bungal, kung makasumbat ka. Ikaw ba 'tong babagsak kung makakakuha ako ng 0 out of 50? That's awful sir, I know. But I don't like your bullshit questionnaires and that cliche sermons."

Tahimik. Walang nakapagsalita matapos kong sabihin ang mga salitang iyon. Everything turned into statue like I was an angel who made their eyes amazed. Or a demon who tried to speak in devilish accent.

But this is who I am. Wala silang magagawa.

Napabuntong hininga si Bungal. I heard him. Again. Napayuko siya sa test paper ko na may malaking bilog— zero. Meaning, hindi ako nakapasa sa kalokohan niyang test. Paano ba naman kasi, grade 10 palang ako pero ang hirap hirap na ng mga tanong na ginagawa niya! Besides, I don't like Electronics, hindi ako mabubuhay ng subject na 'yan.

"Okay." Wika niya. "Kung 'yan ang gusto mo. Ang akin lang, concern ako sa kalagayan ng pamilya mo at sa magiging kinabukasan mo. I once idolized you Lerro because of your talent in writing pero sinasayang mo nang dahil sa—"

Umupo nalang ako at hindi na pinakinggan ang sumunod niyang sinabi. Paulit ulit nalang eh, nakakasawa. Sa tuwing pinapaalala nila sa akin ang bagay na iyon ay nakakaramdam ako ng inis at hindi maipaliwanag na galit.

Walang reaksyon ang mga kaklase ko. Sanay naman kasi sila sa sitwasyong ito. Kilalang kilala na ako dahil naging suki na ang pangyayaring ito araw araw.

Nagsalita pa siya ng mga walang ka kwenta kwenta kaya nairita na ako. "You know what this means Mr. Sinn. Hindi ka na naman makakatuntong ng senior high. Your family is expecting a good performance from you but you still make things easier. Ginagawa mong katatawanan ang mga bagay na dapat ay sineseryoso mo!"

I cursed. Heto na naman. Ano na naman ba ang gusto niyang palabasin? Na balik Grade 10 ako for almost 2 years?

I didn't want to hear his nonsense words anymore so I brought up my things and walked out.

Cliché. I know this is cliché. A moment that everybody can encounter in movies or stories. But believe me, this happens in reality. In a world full of sins and never ending cries. Matino akong tao pero ayokong natatapakan ang pride ko. Pride is something that I treasure in my life, ang masama dito, maraming beses na itong natapakan, hahayaan ko lang ba ulit matapakan ito ng ibang tao?

Ayaw kong mapahiya. Mapahiya sa harap ng madaming mata. But getting that low score is just my choice. Choice ko 'yun pero bakit pinapakailaman ng walang kwentang teacher na iyon? Ah! Para magpakabayani? Para ipakita sa mga estudyante na isa siyang ilaw at gabay ng mga taong naliligaw sa buhay?
Paulit ulit. Nakakasawa. Wala bang teacher na hahayaan ka nalang kung ano ang gusto mo? Na hahayaan ka sa mga bagay na nais mong mangyari?

Dumeretso ako sa kantina. Napamura ako dahil sa siksikang populasyon ng mga nasa loob. Ang dami nila, makakahinga kaya ako 'pag sumingit ako?

"Nandito siya...." Bulong ng isang estudyante sa bandang kaliwa ko. Nakita ko sa pamamagitan ng peripheral vision kung paano niya ako itinuro, natigilan naman ang iba na animo nakakita ng multo.

Nagsitahimik ang iba at napahinto sa paglalakad. Itinaas ko na lamang ang kilay ko at hindi sila pinansin. Siguro, kumalat na naman ang iskandalo kanina, bakit kailangang maging judgemental ang mga ito sa akin? Bakit pagdating sa akin, mabilis. Mga hurado ba sila sa korte? O sadyang uhaw sa balita ang pipitsugin nilang tainga? Baka naman hindi pa sila awat sa mga isyu ko sa nakaraan?

A Thing That Never Was (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon