Chapter 04

232 10 0
                                    

Chapter 04



Limang taon pa lang ako noon ay kilala ko na si Jhong. Magkapit bahay kasi kami n'un at parehas din ang interes sa mga bagay bagay. Lagi kaming nagkakasundo kasi hindi siya sumasalungat sa kung ano ang mga gusto ko, pero ngayon?

Iba. Ibang iba sa inakala ko.

"M-mali ka ng pagkakaintindi Jhong, mag-bestfriend din kaya ka-kami! Hahaha!" Nauutal pero natatawang wika ni Deanna habang nakatitig sa kanya si Jhong. His eyes are damn serious, 'yung tipong sasakmalin ka na bigla kung sakaling gumawa ka pa ng isang galaw. Napaisip tuloy ako, galit kaya siya sa'kin?

Tsk! Bakit kasi hindi niya sinabi na may girlfriend na pala siya? Malihim rin 'to ah?

Isa pa, nakakainis rin isipin 'yung palusot na tinuran ng babaeng ito. Bestfriend? Ako? Bestfriend niya? Eh kung ipamukha ko kaya sa kanya 'yung mga nangyari kaninang lunch break? Bestfriend pa niya ako kung ituturing?

May lumot din yata ang utak nito eh.

"Lerro."

Nagitla ako sa seryosong tono ni Jhong. Napatingin ako ng maayos sa mga mata niya na nakikitaan ng hindi maipaliwanag na emosyon.

That emotion. Minsan lang niya 'yan ipinapakita. Magugulat na lang talaga ako dahil ako ang pinakitaan niya ng ganyan. Loko, aba'y malay kong babae niya pala ang pandak na pangit na 'yan? Wala akong ibang dahilan kundi pride lang para gamitin siya kanina.

"Mag-usap tayo. Mamaya."

Tumango ako. Matino naman akong kausap.

Bumalik na siya sa laro nang masabi iyon. Nakasimangot namang naglakad 'yung Deanna patungo sa ibang bench... Malayo sakin!

At dahil sa kaselosan ng mokong na 'yun, talagang nago-over protect. As if naman na ahasin ko siya? Di bale na, mas pipiliin kong mamatay kesa mang-ahas para sa babaeng 'yan.

Habang on going ang practice ay napalingon ako sa gilid. Catarra is smiling— as I always observe. Umiwas na lang ako ng tingin nang lumingon siya sa'kin.





--



"So, girlfriend mo ang pangit na 'yun?"

Bigla niya kong pinanlisikan ng mata kaya pabiro akong tumawa.

"Easy lang! Eto naman 'di mabiro, ang ganda nga niya eh, bagay kayo."

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon samantalang si Jhong naman ay nakasakay sa bisikleta. Medyo tahimik siya ngayon at wala sa mood. Ito 'yung side niya na minsan ko nalang makikita.

"To answer that question. Yeah. I'm inlove with her but she's not my girlfriend. Manliligaw pa lang ako."

"Manliligaw? Hahaha!"

"Why are you laughing?"

"It's just that— Hindi tama. Hindi tama na ganun ang kilos mo, wala ka pang karapatan na maging overprotective kasi manliligaw ka pa lang. At ang isang manliligaw ay hindi pa naaangkin ang karapatan ng nililigawan."

Umiral ang katahimikan nang masabi ko 'yun. I was waiting for his answer pero nakatingin lang siya sa'kin. Maya-maya, huminto siya sa pagba-bike and so I am.

Nagulat na lamang ako sa kanyang sinabi.

"May balak ka bang ligawan si Dea?"

Napa-ubo ako. Seryoso? Baka maglasang ampalaya ang asukal kapag nangyari iyon! Napaka-imposible! Iba ang type ko sa isang babae para magustuhan ko, 'yung mala-Catarra dapat 'yung alindog, hindi 'yung pandak at akala mong grade 6 pa lang.

A Thing That Never Was (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum