Chapter 06

203 13 4
                                    

Chapter 06

Still to this moment, I don't know what went on. Mahirap paniwalaan pero nandito na. Nangyari na.

Hindi ko alam kung paano na ang susunod. Ano na? Ano na ang gagawin ko? Ano na ang susunod kong gagawin ngayong matanda na ako, ngayong nasa panahon ako na hindi ko naman lugar.

This sucking time travel only happens in the movies but now, for an unexpected run of time, I really came into it. Suddenly.

Napasapo ako sa mukha ko at dismayadong lumabas sa kwarto ni Aaron. What kind of life is this?! Ang tanga ko! Pinagsisihan ko na sumama pa rito para lang sa walang kwentang misyon na dapat ay ibinaon ko na sa nakaraan! Nakakabaliw! Daig ko pa ang naka hilera sa death row at life imprisonment! Akalo ko magiging madali lang ang lahat, 'yung tipong hindi na ako dadaan pa sa mga bagay na ayaw na ayaw kong mangyari ngunit ito?

Napatigil na lang ako dito sa lobby dahil sa hindi inaasahang makita ng aking mga mata. Standing in front of me, her simple curve of facial features makes her look gorgeous. Suot pa rin naman niya ang kulay blue niyang nighties. Ang pinagkaiba lang sa nakita ko kanina ay ang galit niyang expreson sa mukha. Kanina namumungay 'yan na para bang nag-aalala sa'kin pero ngayon para akong sasakmalin ng mala-ahas niyang tingin.

If this is the old Deanna, hindi ako makapaniwala. Dahil bukod na sa mortal na kaaway ko siya sa nakaraan ay ayaw na ayaw ko sa kanya!

Pinagpatuloy niya ang paglalakad at nilagpasan ako na para bang hindi ako nakikita. Napahimas nalang ako sa aking balbas dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan, nag-iinarte ba siya?

Lumingon ako sa aking likuran upang bigyan siya ng sulyap, gusto ko kasing makasiguro kung siya nga si Deanna dahil ibang iba siya kung ikukumpara sa nakilala ko sa present. Hindi halatang may anak na siya, mahaba na 'yung buhok niya, mas pumuti siya at tumangkad. Mas matangkad pa rin naman ako pero iba talaga eh. Ayaw ko mang i-admit pero hanep, kahit sino siguro ay magkakandarapa para habulin siya.

Nagulat ako nang huminto siya at lumingon din sa akin. Nang mahuli niya ako ay namungay na naman ang mga mata niya. 'Yung mga mata na para bang nang-aakit ako at sinasabi sa'yo na, 'Hagkan mo ako'.

What the hell? Bakit ba ako nagkakaganito?!

Binalik ko ang tingin sa aking harapan at nagpatuloy sa paglakad. Pinilit kong ayusin ang aking sarili at inisip na wala akong nakita but I even heard her calling my name. Napahinga naman ako nang maluwag dahil hindi ako huminto at napalayo ako sa lugar na 'yun.

Fantastic. Wala akong masabi sa uri ng bahay na 'to. This house has warm interior colors and country chic furniture pieces. Ang living area ay may malaking clerestory windows sa gilid at may garden-inspired kinds of design na nakapatong sa maliit na mesa. Ibang klase din 'yung dining area na natanaw ko sa gawing kaliwa, kahit madaling araw pa lang kasi ay maliwanag na. May natanaw akong mga katulong na naglilinis, may chef na gumagalaw sa kusina, robot na gumagala sa paligid (Zero), at may chicks sa harapan ko---

Woah! Ang ganda niya!

"Is that you?" Tanong niya. Napatulala naman ako sa ganda niya ,pamilyar siya pero bakit siya nandito?

"Oh! Andyan na pala si Sir!" Rinig kong sigaw ng mga tao sa kusina kaya napalingon din ako doon, nagkatinginan kaming lahat pero ako na ang unang umiwas para bigyang pansin ang napakagandang chix na 'to.

She's wearing a black dress at mukhang may foundation sa mukha. I like the way she bounce her hair, yung kahit na steady lang sa kinatatayuan pero sa paningin ko ay inaanod ng hangin. Mukhang nakapaligid din 'yung mga heart emoji sa paligid ko!

Walang kaduda duda. Siya si Catarra!

"A-ako nga 'to...si Lerro." Nauutal kong sagot saka napayuko. Hindi ako mapakali dahil sa presensiya niya. Or maybe, baka dahil siya pa rin ang tinitibok nitong puso ko.

A Thing That Never Was (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon