Chapter 14

158 8 3
                                    

Chapter 14

Taong 2046...





Napapikit ako dahil sa nakakasilaw na liwanag. Nakaramdam din ako ng matinding hilo kaya muntikan pa akong matumba. Buti na lang at inalalayan ako ni Aaron at napatayo ako ng maayos.

Nang maramdaman ko na ang pagkawala ng liwanag ay dahan dahan akong dumilat. Tamambad sa akin ang malawak na kalsada, ang mga nagtataasang buildings mula sa hindi kalayuan, at mga convenient stores na halos mapuno ng mga tao.

Muli akong pumikit ng mariin at hinilot ang sentido.

"Dad, nahihilo pa po ba kayo?"

Napatingin ako kay Aaron na inaalalayan pa rin ako. Dahan dahan naman akong tumango at lumayo ng kaunti sa kanya.

"A-ayos lang ako."

Tiningnan ko ang sarili ko, ang damit kong barong at slacks na tinernuhan ng black shoes. Humugot ako ng buntong hininga nang ma realize kong matanda na ulit ako. Hindi na ako bata, hindi na ako binata, 45 years old na ako sa panahong ito.

Maya-maya pa'y naglakad na kami. Hindi ko naiwasang tumingin tingin sa paligid lalo na't pinagtitinginan ako dahil sa suot kong ito. Nakakatawa diba? Naglalakad ako dito sa public place suot ang barong na 'to. Para tuloy akong patay na naglalakad.

"Aaron, pakipaliwanag nga sa akin. Limang taon na ba talaga ang lumipas dito?"

Tumango siya.

"Opo. Limang taon na. Limang taon rin po ang ginugol ko para hanapin ka."

Kumunot ang noo ko. "Hinanap mo ako?"

"Hinanap po kita dahil alam kong malikot at nagloloko na talaga ang wormhole. Inaamin ko na minsan na akong naubusan ng pasensiya pero naisip pa rin po kita, dahil kung hindi kita mahahanap, baka habang buhay ka na makukulong sa 2023."

Napayuko ako habang naglalakad. Hindi ko inasahang marinig sa kanya ito. Hindi ko inakala na ibubuhos niya ang oras niya para lang mahanap ako.

"S-salamat.." Mahina kong sambit na mukhang narinig niya.

"Walang anuman po 'yun dad. Tatay pa rin naman po kita kaya ko ginawa 'yun."

Huminga ako ng malalim. Parang lumambot ang puso ko sa batang ito, bagay na hindi ko naisip na mangyayari. Utang na loob ko rin sa kanya 'to.

"Sa ngayon po ay mananatili ka muna dito sa 2046. Huwag po kayong mag-alala, makakabalik ka na sa 2018 kapag naayos ko na talaga ang lagusan. Sadyang wala lang akong tamang panahon para ayusin 'yun."

Maya maya pa'y huminto kami sa isang lote na may tagpi-tagping bahay. Masikip ang bakuran nito at pang-iskwater ang datingan. Ang pangit ng bahay, parang bahay ng isang pulubi.

Pero ganoon na lamang ang gulat ko nang pumasok sa tarangkahan si Aaron. Hindi naman ako sumunod sa kanya.

"Anong gagawin mo diyan?" Nagtataka kong tanong habang nakaturo sa gutay gutay na bahay. Ngumiti naman siya sa akin, 'yung simpleng ngiti na hindi nakikitaan ng lungkot.

"Ito na po ang bahay namin."

Napalunok ako. Iyan? Iyan na ang... Bahay nila? Pero bakit?! Bakit?!

Biglang bumukas ang pinto ng bahay at biglang tumamad ang dalaga na sobrang pamilyar ang mukha sa akin. Nakangiti siya nang makita si Aaron. Hawak hawak niya ang laylayan ng bestida na halos puno ng tagpi. Kung hindi magkakamali...

"Kuya!" Sigaw niya. Napatingin naman siya sa akin nang mapansin akong nakatayo dito sa tarangkahan. "Lolo--- este Dad?"

Siya si... Klarisse!

A Thing That Never Was (Completed)Where stories live. Discover now