Chapter 19

210 11 1
                                    

Chapter 19

Kinaumagahan, hindi pa man tumitilaok ang mga manok ay kusa na akong nagising. Hindi pa gising sina Mom at Lola kaya ako na ang nagsaing. Nag-igib na rin ako ng tubig at nagwalis sa bakuran.

Nasanay kasi ako sa naging buhay ko noong mapadpad ako sa 2046. Ang aga ko kasi magising noon at bugbug sarado pa ang trabaho. Kaya masasabi kong maswerte ang mabuhay sa panahong ito, maswerte ang mga anak na mayroong masipag na magulang.

Gumayak na rin ako pagkatapos ko maglinis. Kumain, naligo, nagsepilyo, at nagbihis. Ngayon lang ako nakaramdam ng excitement sa pag-aaral, hindi ko alam pero kating kati na ang kamay ko para humawak ng ballpen. Gusto ko na mag-aral.

"Oh anak! Ikaw ang gumawa nito?" Nanlaki ang mga mata ni Mom dahil sa nakita. Hindi niya inakala na maabutan niyang malinis ang bahay sa umaga.

"Opo! Ako po ang gumawa ng mga gawaing bahay dito. Nakapagluto na rin po ako ng ulam." Nakangiti kong sambit sabay turo sa sinigang na bangus. Napatakip naman siya sa kanyang bibig na lihim ko namang ikinahagikhik.

"Jusmiyo ka, himala! Kailan ka pa natutong gumamit ng po at opo sa mga salita mo at--- juskong mahabagin! Kailan ka pa natutong magluto?" Mabilis siyang lumapit sa akin at hinimas ang leeg ko't noo. Natawa na lamang ako. "May nakain ka bang hindi maganda anak? O baka nananaginip lang ako?"

Kinuha ko na lang ang bag ko sa upuan at isinukbit ito sa balikat ko. "Sige po Mom, aalis na po ako, baka ma late eh."

"Ano? Alas sais pa lang ah? Ang aga aga mo na anak!"

Parang nanalo sa lotto si mama nang makita ko ang reaksyon niya. Ganito na ba talaga ang ikinalaki ng pinagbago ko?

Bago pa man ako makaalis ay inabutan niya ako ng pera bilang baon. Nasa bag ko na rin ang pang-lunch ko kaya wala na akong nakalimutan.

Ngayon ay naglalakad na ako patungo sa eskwelahan. Hindi ko naman naiwasang madaanan ang bukid kung saan unang beses ko nakita ang mga bata.

Bigla ko silang na-miss, bigla akong nangulila sa mga tawa nila, sa kakulitan, at sa walang humpay na pangungulit na ginagawa nila sa akin. Bigla na naman akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Mananatili na lamang ala-ala ang mga iyon dahil hindi ako pwedeng umibig kay Deanna. Sa paraang iyon ay hindi magaganap ang parusa. Kailangan ko na lamang tanggapin na hindi para sa akin ang mga batang napamahal na sa'kin ng sobra.

Napaluha ako. Ang sakit. Gusto ko na silang yakapin. Gusto ko na sila maging kalaro dito at tatawagin silang "anak". Miss na miss ko na sila. Sobra.

Nang marating ko na ang school ay bumati ako sa guard, lalo na sa mga teachers na nakakasalubong ko. Pagkapasok ko sa room namin ay agad na sumalubong sa akin ang mga ingay ng kaklase ko na iisa lang naman ang pinag-usapan: Nag resign na daw ang adviser namin.

Pagkaupo na pagkaupo ko sa aking upuan ay nagsitinginan sa akin ang mga kaklase, ang sasama ng tingin nila sa akin, animo'y pinapatay na ako sa isip nila. Ngunit hindi ko na lang pinansin, naiintindihan ko naman eh, masyado akong naging bastos para sa pinaka paborito nilang teacher.

Napangiti na lamang ako ng palihim. Kaya pala ganoon na lang ako kung pagalitan niya dahil hindi niya kayang makita ang sarili na nagpapabaya sa pag-aaral. Siguro, tinutulak niya ako maging masipag sa pag-aaral nang sa gayon ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang sarili ko at ang pamilya ko.







--





Tuloy tuloy ang klaseng naganap kaya napagod ang mga kaklase ko. Pero ako? Mukhang kulang pa eh, gustong gusto ko pa matuto.

Kusa akong naglakad kanina patungo sa office ng newspapers' management ng school namin. Babalik na ako sa pagsusulat dahil dito ako nakilala. Dati kasi, magaling akong news writer at naipapanlaban sa ibang school. Pero nang magloko ako ay hindi lang mga skills ang nasayang ko kundi ang dalawang beses na pananatili ko sa Grade 10.

A Thing That Never Was (Completed)Where stories live. Discover now