Chapter 11

149 9 1
                                    

Chapter 11

Napangiwi ako sa harap nilang dalawa. Hindi naman ako nagkamali ng napakinggan 'di ba? Pero naiinis ako sa sarili ko, hindi ko mahal ang babaeng ito pero kung umasta ako ay matagal ko na siyang minahal.

But it really hurts. Inaamin ko

Tiningnan ko si Deanna. Still, she's crying. At hindi ko inakalang sa gitna ng pag-iyak niya ay niyakap siya ni ungas.

Napapikit na lamang ako at napabuntong hininga.

"Lerro. Man. Please, please stop. Don't hurt us." Pinanlisikan ko ng mga mata ang gago. Asawa ko siya! For the f*ck's sake, asawa ko siya! Ako dapat ang gumagawa niyan! Ako---

"Ayoko na Lerro, ayoko na. Tapusin na natin ito." Natigilan ako sa sinabi ni Dea and it struck me... Napakunot noo ko, hindi ko maintindihan. Hindi ko siya maintindihan.

"But... You... You are... You're my wife---" hindi ko na naman natapos ang sinabi ko dahil sinisigawan na niya ako.

"Hindi tayo kasal kaya hindi mo ako asawa! Hindi na kita maintindihan Lerro, why are you like that? Akala ko ba kunwari lang ito? Akala ko ba gagawin lang nating palabas ang lahat? Bakit ngayon ay umaasta ka na parang hindi mo alam ang lahat?!"

Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako. Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya! Lalo na nang marinig ko rin ang salitang Lerro sa bibig niya, parang nagbago ang lahat, sa isang iglap lang.

"And yet you broke the rules. Kung alam ko lang na mahal mo ako ay hindi ko na pinasok ito!"

Napahinga ako ng malalim. Calm down Lerro, marami kang hindi alam sa nangyayari kaya hindi mo maiintindihan ang mga sitwasyon.

"Three years ago, inako ko ang utang ng asawa kong ito just to pay you... Just to pay our debts to you, pero... Ayoko na. Sawa na ako. Pagod na ako. Humanap ka na lang ng iba na pwedeng maging nanay-nanayan ng mga anak mo. Humanap ka na lang ng iba na pwede mong ipresenta na asawa mo. Pagod na ako. Pagod na pagod na."

Bigla niyang hinubad ang suot niyang singsing at initsa iyon sa sahig. Pinanood ko itong gumulong patungo sa ilalim ng counter na matatagpuan sa kusina. Malayo ang narating dahil sa lakas ng pagkakatapon.

Agad siyang tumalikod habang inaalalayan ni... ni Aiko. At sa puntong ito ay wala akong nagawa kun'di ang panoorin silang lumalabas sa bahay na ito, sa bahay na ilang araw ko palang tinitirahan pero sakit na agad ang sumaksak sa puso ko.







--





Nakayuko ako habang naglalakad sa mga baitang ng hagdan. Hindi ko alam, pinipilit kong kumilos ng normal pero siguro, ganito talaga kapag napalapit ka na sa taong kinaayawan mo.

I don't love her. Wala akong nararamdamang iba sa kanya. Ang mahal ko ay si Catarra, siya lang pero... pero bakit ganito? Paulit ulit ko itong tinatanong sa sarili ko pero hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Nasasaktan ako dahil sa mga bagay na hindi ko naman pinapahalagahan.

Nakasalubong ko si Zero kaya agad akong huminto upang kausapin siya. Everybody knows that he's a robot pero magbabakasali lang ako, na baka may nalalaman siya sa pamilyang ito na kailangan kong malaman.

"Zero? Can I talk to you?"

Tumango siya at kasabay ng tangong iyon ang pag-ilaw ng kulay blue na guhit sa kanyang dibdib. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin nun kaya binalewala ko na lang.

"Tara sa kwarto." Pag-aaya ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Nakasunod siya sa aking likod at nang marating ko na ang harap ng kwarto, pinihit ko ang doorknob at tinulak ang pinto.

A Thing That Never Was (Completed)Where stories live. Discover now