Chapter 13

156 7 2
                                    

Chapter 13

Naalimpungatan ako dahil sa sakit na biglang dumapo sa aking pisngi. Dinilat ko ang mga mata ko at biglang tumambad sa aking paningin si Mom na parang strict teacher at may hawak hawak na tsinelas!

What the--- don't tell me na hinampas niya ako ng tsinelas na iyan sa mukha?!

Agad akong bumangon at nagkamot ng batok. "Mom! Ang sarap ng tulog ko eh!" Reklamo ko at parang batang inagawan ng candy kung ngumawa. Binaba na lamang niya ang hawak at sinuot.

"Aba'y anong oras na?! Isang oras ka ng late ah?!"

"Late sa?" Nagtataka kong tanong pero sinapok niya ako sa ulo. Ang sakit naman! Ang aga aga niyan para saktan ako ah?!

"Late ka na sa klase mo bugok!"

Nanlaki ang mga mata ko at parang timang na natigilan. Holy sh*t! Nandito na pala ako sa 2018 at buhay-estudyante ako dito! Bakit hindi ko agad naisip ito?!

Mabilis akong bumangon at gumayak. Natataranta ako, paano ba naman kasi, halos hatinggabi na ako nakatulog kagabi, ninanamnam ko kasi 'yung panahong ito at hindi ko inakala na nagbabalik na ako sa pinanggalingan ko... Sa panahong ito.

Nagtaka rin talaga ako noong mamalayan kong nakabalik na ako dito. The last time I check ay gabi na nung umalis ako't sinundo ng mga bata dati pero bumalik ako na parang wala namang nangyari. Ibig sabihin ay wala akong nalampasan na oras? Huminto ang oras noong wala ako dito? Astig!

Isa pa, nagulat sila Mom at Lola nang makita ang mamahalin kong kasuotan na casual t-shirt and pants na halatang imported sa ganda. Yeah! Nagsinungaling ako noong tanungin nila kung saan nanggaling ang elegante kong damit. Ang sabi ko naman, hiniram ko lang ito sa kaklase ko para sa presentation sa school--- na hindi naman totoo. Isa rin sa mga pinagtaka nila ang mga dugo ko sa kanang kamay na dulot ng medyo malaking sugat. Ito 'yung nasugatan dahil sa mga bubog ng nabasag kong frame. Ginamot ko naman kagabi at binalutan ng puting tela kaya medyo okay na 'to. Sinabi ko na lang kay Lola na nadapa lang ako na hindi ko alam kung nakalusot dahil kaduda duda naman talaga ang sagot ko.

Bumalik na rin sa normal ang itsura ko, yung tangkad ko at ang... ang ari ko. Naging binata na ulit ako at masaya na nanumbalik na ako sa dati.

Nang makaligo na ako at makabihis, natataranta kong tinali ang sintas ng aking sapatos. May nakabalot pa ring tela sa kamay ko na nasugatan kaya may kabagalan nang inayos ko ang sintas. Tumungo ako sa lamesa para kumain at napangiwi na lamang ako nang makitang sinangag at tuyo ang nakahain.

Nakakapanibago naman. Ang sarap sarap ng mga kinakain ko sa future tapos dito? Tuyo lang ulam na?

"Oh? Anong tinutunga-tunganga mo? Kumain ka na! Bilisan mo!" Sigaw ng pinakamagaling kong ina na ngayon ay inaayos ang suot na salakot at balot ng jacket ang katawan. Siguro magtatanim na naman siya ng palay.

Binilisan ko na lang ang kain at nang matapos ko ito ay agad din akong nag-toothbrush.

Naging mabilis ang ginawa kong student's daily routine kaya kasalukuyan na akong naglalakad patungo sa eskwelahan. Naninibago talaga ako sa tuwing iniikot ko ang tingin sa bukid na dinadaanan ko, sinong mag-aakala na magiging pangit pala ang hinaharap nito? Ito 'yung mukhang dumpsite na nakita ko sa future at kung pagmamasdan ko ito sa kasalukuyan at ikukumpara, sobrang laki... sobrang laki ng ipagbabago.







--







"Oops, I.D." Pinigilan ako ng security guard nang marating ko na ang gate. Buti na lang at naitago ko 'to sa bag ko.

Pinasuot niya ito sa akin matapos kong ipakita. Tumakbo agad ako dahil sobrang late na talaga ako! At saktong sa time pa ni Bungal ako makakaabot!

Nang marating ko na ang room namin ay para akong aso na dumaan sa pinto at umupo sa bakante kong upuan. Eh sa ayokong magsalita ng 'sir, I'm sorry, I'm late.' Gross! It's too cliche to hear, alam kong naririndi na ang mga ear wax ni Bungal sa kakarinig ng phrase na 'yan. Nakakasawa 'di ba?

A Thing That Never Was (Completed)Where stories live. Discover now