Chapter 03

314 14 2
                                    

Chapter 03

Alas singko palang ng umaga ay kusa akong nagising dahil sa ingay na likha ng sigaw ni Mom. As always, ginigising na naman ako nito.

Gumayak ako tulad ng lagi kong ginagawa. Ginamit ko ang halos kalahating oras para maisagawa ito, bagay na muli na namang ikinaputok ng butsi ni Mom.

Mom. Mom. Mom. Mortal na kaaway na yata ang turing ko sa kanya. Hindi kami magkasundo sa isang bagay kapag pinapairal ko ang katamaran ko. I hate school! I hate studying! I hate hearing my teachers' lectures! I hate reading and writing! Everything!

Ang gusto ko? Wala. Sapat na sa'kin 'yung mabuhay, ang maging masaya. I don't care about principles that they say we must use to achieve happiness because that's too odd. I don't care for everything, as long as I am happy.

Pero ito? Ang magising sa umaga para lang pumasok sa walang kwentang school? Sarcificing everything just to learn new things? 'Wag na lang.

Nang maayos ko na ang sarili ko, inabot sa'kin ni Lola ang lunch box na siya ko namang kinuha at sinilid sa bag. "Oh ito, bente pesos, baon mo. May tanghalian ka na kaya pang recess mo nalang 'yang pera. Huwag na huwag kang magka-cutting ha? 'Wag mong sayangin 'yung mga perang sana'y dagdag ulam rin natin."

Kinuha ko rin ang benteng papel na halos mapunit na sa lukot. Twenty? Twenty pesos? Anong mabibili ko sa twenty pesos na ito? Hindi pa yata ako matitinga nito eh! Kainis naman.

Padabog akong lumabas. This kind of life is not my type. Ayoko maging mahirap! Napakahirap maging mahirap. Dati, hindi naman kami lunod sa ganito. In fact, lunod pa kami nun sa yaman. Ewan ko ba, bigla na lang naglaho ang lahat. Natalo ang pamilya ko sa kaso kaya ang perang dapat na ipamana sa amin ay napunta sa ibang tao.
Walang trabaho si Mom kaya hindi niya natulungan ang pamilya. May sakit rin si Lola sa dugo kaya dagdag gastos. Napadpad lang kami sa liblib na lugar na ito dahil ito nalang ang lupang hindi pa naibebenta. Nag resign si Mom sa trabaho niya dahil sa patong patong job problem sa kompanya. Kaya noong nauwi kami rito, nakikitanim siya ng palay para matustusan ang pangangailangan namin.

Starting that day, my life turned into ruins. Everything turned to nothing. My personality changed, everything in my life changed.

Bigla kong naalala ang mga bata nang makita ko ang daang maputik. Right there, doon ko sila nakita kagabi. Sa sobrang kulit nila ay hindi ko inakalang susundin nila ang mga sinabi ko. Nasaan na kaya sila ngayon? Nakita na ba sila ng mga magulang nila?





--



"Okay students, you are going to draw the schematic diagram of AM Radio Receiver."

Electronics time. Ang pinaka-ayaw ko. Dahil bukod na sa mahirap ang subject, nakakainis din ang teacher. Sa lahat ba naman kasi ng magtuturo dito, siya lang 'yung laging sumisita sa akin. Nakiki-cooperate naman ako sa mga pinapagawa niya ah? Ang hirap kasi sa kanya, masyado siyang perfectionist.

"Mr. Sinn." Tumaas ang kilay ko nang marinig ang aking pangalan. Here, kumikilos na ako para kumiha ng oslo paper and pencil. Ano bang kailangan niya?

"Why?" Gusto ko sanang dagdagan ng 'bungal', pero nakakatamad. May ganitong times rin pala, na kahit nais mong gumawa ng kalokohan ay mababalewala kapag nadapuan ng katamaran.

"Let's talk for a while."

Kumibit balikat nalang ako. Edi okay. Baka sandali lang niya ako kausapin.

Tumayo ako at sinundan si Bungal sa labas. Naabutan ko siyang naka-cross arms at nakatayo sa pader ng classroom namin. Kung nais niyong malaman, kwarenta anyos na siya, kulang ng isang ngipin sa itaas na bahagi kaya bungal ang palayaw.

A Thing That Never Was (Completed)Where stories live. Discover now