Chapter 02

355 15 0
                                    

Chapter 02

Namumutawi pa rin sa isip ko ang kalokohang nangyayari sa aking paligid. Pinilit kong magising na para bang natutulog lang pero hindi ko lubos maisip na ang isang gwapong katulad ko ay lolo na pala.

Palubog na ang araw. Unti unti nang sinasakop ng dilim ang kabukiran ngunit kitang kita ang suot nila na pang astronaut. Sigurado akong mawi-wirduhan ang mga taong makakakita sa kanila. Saang lupalob ba ng mundo nanggaling ang mga bubwit na 'to?

"Can you please shut up and leave me alone?!" Galit kong turan sa mga bata lalo na sa isang batang lalaki na ke-lakas lakas kung umiyak. Ang higpit rin ng yakap niya sa paa ko, para bang ayaw na niya ako pakawalan kahit na magiba man ang mundo. 'Yung isang batang lalaki naman na mukhang mas nakatatanda ay nakikitaan ng ngiti, nang tingnan ko naman ang batang babae ay halos maluha luha ito. Hindi ko lang alam kung masaya ba o malungkot.

Pero ito talagang pinakabata eh. Binibigyan ako ng sakit sa ulo!

"S-sorry po. Akala ko po kasi kilala niyo na kami. But I was wrong. Sigurado akong nagtataka ka kung sino po kami. By the way, I'm Aaron Sinn. Twelve years old."

"I'm Klarisse Sinn. Ten Years old." Wika ng batang babae. I was about to rant them but this little boy hugging my leg suddenly speak.

"Hi kuya Lolo, I'm Clayne Sinn. Six years old.Don't you know me? You used to play with my rocket. At first, I was expecting you in your old version but you are really handsome. Now I know the reason why Lola married you—"

Hindi na natapos pa ng bata ang kanyang sinasabi dahil agad siyang hinila ni Aaron. Muling umiyak ang bata. Iritang irita na ako dito pero hindi ko sila kayang iwan. Nasaan ba kasi ang magulang nila? Bakit hinayaan lang sila dito na gumala kahit gabing gabi na?

"Shh, don't cry like an idiot, Clayne. Lolo will recognize us sooner, don't worry." Maamong wika ni Klarisse. Buti pa nga pangalan nila ay nakakabisado ko na, pero 'yung pinapabili ni Lola ay hindi.

Teka, inutusan pala ako para bumili kay Aling Selya! Bakit ba sinasayang ko ang oras at panahon ko sa mga batang ito? Baka mga scammers ito eh! Tsk.

"Padaan." Hinawi ko sila para mabigyan ako ng daan. Mas lalong umingay ang bata na si Clayne nang gawin ko 'yun. Ang sarap sungalngalin ng kahoy sa bunganga! Hindi ko alam kung ano ano ang mga pinagsasasabi nila! Ang nakakagulat pa roon, halos magkamukha kami ng mga apelyido!

Napalunok ako ng wala sa oras. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad habang tumatango tango. Oo, mga scammer 'to na inutusan ng mga scammer. Mainam na ang sigurado, baka ako pa ang maaagrabyado kapag naawa ako sa mga 'to.

--

"Aling Selya. Pabili." Sabi ko gamit ang normal na tono nang marating ko ang tindahan na kasinglayo ng ibang planeta. Nakakapagod. Para akong kalabaw na maghapong nag-araro.

"Ano 'yun?"

Napakunot ang noo ko habang inaalala ang mga binilin ni Lola kanina. Halos mapikit pa talaga ako habang nagsasalita.

"Isang Magic Sarap, bawang, dalawang sibuyas, patis, luya, kalabasa, patola— ay tae!" Napatalon ako nang biglang sumulpot sa gilid ko ang mga batang astronauts! Pucha! Bigla bigla nalang kasing sumusulpot!
"Lo? Ulyanin ka pa rin kahit binata ka? Hahaha! Saan mo po napulot ang kalabasa at patola? Ayon dito sa hologram ko, walang nabangit na ganun 'yung iyong lola."

Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Oo nga 'no? Bakit ko nga ba nasabi ang mga gulay na 'yun kung panggisa lang ang dahilan ni Lola? Saka ano? Hologram? Mayroon siyang hologram?

Ay sh*t! Paano niya nalaman ang mga binilin sa'kin?

"Aling Selya? Tama po ba yung pangalan niyo na nasabi ko?" Tanong ni Aaron sa tindera. Tumango naman si Aling Selya. "By the way, pinapabili ng isang tasang mantika, dalawang sibuyas, magic sarap, bawang, Tigabunga, toyo, patis at kamatis si Lolo— I mean si Kuya." Dahan-dahang tumango ang matandang tindera at saka gumalaw. Samantalang ako ay nakanganga sa nasaksihan, paano niya nalaman ang mga bagay na iyon?

A Thing That Never Was (Completed)Where stories live. Discover now