Chapter 07

195 9 2
                                    

Chapter 07

Catarra married to my bestfriend? Hindi ko inakala.

Tinanggap ko ang katotohanan kahit masakit. Ganito naman lagi ang sinasabi natin kapag nasasaktan tayo hindi ba? Minsan mas pinipili nating magpakatanga kahit alam nating hindi madaling tumanggap ng isang bagay na masakit.

So what I am trying to voice out is something violent. Ang masakit kong ending kay Catarra.

Siya na lang lagi, bakit nga ba? Bakit nga ba siya na lang lagi ang iniisip ko? Ang laman ng bawat tibok ng puso ko? Tama nga sila, may patibong ang pag-ibig, hahamakin ang lahat mabiktima ka lang ng mga madilim na bunga nito.

Kung kaya ko lang pigilan ang puso ko, aba'y bakit hindi? Love has proven everything even those bad things. Kayo na bahala umalam kung ano ang mga 'yun.

Ngayon ay mag-isa akong naka-upo sa lamesang ito. Hinatid kasi ni Deanna ang mga bata sa school service nila na nasa labas. Hindi naman ako interesadong makita kung paano sila umalis kaya nakatulala na lang ako sa harap ng madaming pagkain na nandirito.

Nang hinigop ko ang kape ko ay biglang may yumakap mula sa aking likuran, dahilan kung bakit dali-dali kong nilapag ang baso.

"Lolo, hindi ko na aalamin pa kung saan ka nanggaling. Basta ang malaman kong bumalik ka para sa amin ay masaya na ako."

Gusto kong ma-ubo sa sinabi niya pero hindi ko nagawa. Kaya kusa na lamang gumapang ang kamay ko paitaas para baklasin ang yakap niya sa akin.

"Ayoko, yayakapin muna kita ng matagal." She said, napapikit naman ako ng marahan. Bakit patay na patay siya sa'kin? Hindi naman siguro ako gumamit ng gayuma.

Tumagal ng halos kalahating minuto ang yakap niya kaya pakiramdam ko'y para akong nasasakal. Buti naman at hindi nagtagal, bagay na bahagya kong pinasasalamatan.



--





8:32 ng umaga nang biglang mag ring ang telepono malapit sa headboard ng kama. Inaantok pa kasi ako pero wala akong magagawa, istorbo talaga 'tong tawag.

"Hello?"

"Hi! This is Secretary Wong from El Sinn Company, may I ask Mr. Lerro M. Sinn if he's available for the important scheduled appointment this morning?"

Mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa kong pagbangon. This is totally sh*t! Ito yata ang kailangan akong asikasuhin sa ngayon. But how? Wala akong alam sa pagma-mando ng kompanyang hindi ko naman sinimulan!

Ayun, sinabi ko na ako ang hinahanap niya at pupunta sa sinasabing appointment. But since hindi ko alam kung nasaan 'yun, patay malisya akong nagpa-drive sa driver na nandito at sinabing dalhin ako sa El Sinn Company.

Ngayon ay inaayos ko na ang aking kurbata at tuxedo na nakita ko sa kabinet. Siguro naman tama ang corporate attire ko ngayon. No doubt, business 'to na pangarap ko rin naman noong nasa present ako. Ito lang din yata ang masayang nalaman ko dito: na nakuha ko ang pangarap ko.

Iniutos ko sa driver na buksan ang bintana ng kotse dahil hindi ako komportable sa aircon na naaamoy ko dito. Nakita ko sa salamin kung paano kumurba ang kilay niya dahil sa pagtataka pero sinunod niya pa rin ako.

Ganu'n na lamang ang pag-ubo ko nang malakas nang maamoy ko ang mabahong amoy sa labas. Agad naman nagsarado ang bintana na siyang pinasalamatan ko.

"Kaya nga nagtataka ako sa iyo Sir, walang matinong hangin sa lugar na 'to pero pinabukas mo pa ang bintana."

Nag-thumbs ako bilang tugon saka nagsalita. "It's okay, I was just—" Natigilan ako nang makita ang view sa hindi kalayuan. Malapit sa bukid, sa pinagtatayuan ng school ko sa present. Mausok, makalat, marumi, at kahit mata mo lang ang ginagamit ay maaamoy mo na ang masangsang na amoy nito. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Ang daming mga bata na naghuhukay, mga matatandang gumagamit ng piko para maghanap ng yaman sa lupa.

A Thing That Never Was (Completed)Where stories live. Discover now