Check this out!

216 7 0
                                    

Ano ang gagawin mo kung bigla na lang susulpot sa harap mo ang isang lalaki at sasabihin sa'yong nagmula siya sa taong 1458?

Iyan ngayon ang pino-problema ni Rizelkei Lapuz na hindi na magkanda-gaga-gaga sa pagkanda-ugaga dahil sa lalaking gumugulo sa kanya na nagmula sa sinaunang panahon. Maging ang ugali nito ay sadyang maginoo na lubhang napag-iiwanan na talaga ng pagbabago, maging ang paraan nito ng pakikipag-usap na hindi matatawaran dahil sa pagiging magalang.

Hopeless romantic kung ilarawan ang dalagitang si Rizelkei na sa edad na labing walo ay wala pa ni isang lalaki na nagpakita ng motibo sa kanya. Kaya ganoon na lamang ang gulat niya nang sabihin ng sinaunang lalaki ang mga katagang tila nagpatigil sa pag-ikot ng kanyang mundo.

"Binibini, ikaw ang matagal ko ng hinahanap. Ang aking hinintay sa loob ng mahabang panahon. Kaya kung iyong mamarapatin ay nais kong kunin ang iyong puso at sasabihing matagal na kitang minamahal..."

Ngunit sa paglipas ng panahon, ang kanilang kwento ay muling mag-aalab mula sa pinagmulan nito at sa hindi inaasahang pagkakataon, mabubunyag ang isang masakit na katotohanan na matagal ng ikinubli ng nakaraan.

**



A/N: Posted na po siya, salamat sa magbabasa :)

A Thing That Never Was (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن