Chapter 08

168 7 3
                                    

Chapter 08

Napatulala ako sa ngiti niya na unti unting bumabalot sa aking sistema. Gusto kong umatras at magtago dahil hindi ako mapakali, bakit biglaan kasi siyang pumunta rito? Hindi ako handa.

Napakamot ako sa aking batok at pilit na ngumiti sa kanya. Ano na bang sasabihin ko? Baka isipin niyang wirdo rin ako dahil hindi ko siya nakilala. Namumukhaan ko naman talaga siya pero hindi ako sigurado. At kung hindi niya sinabi ang pangalan niya, baka mapagkamalan ko siyang ibang tao 'di ba?

"Ah, it's you Ca-Catarra, k-kamusta?" Umupo ako sa tapat niya suot pa rin ang ngiti sa'king mukha. Ngunit biglang nagbago ang ekspresyon niya, para siyang natigilan at hindi ko maintindihan kung bakit. Anong meron?

Dahan dahan niyang tinakip ang mukha niya at inangat ang kamay para ituro ako. Kunot noo naman akong nagtataka sa inaasta niya.

"Bakit?"

"Ngumiti ka..." She said, as if whispering but I still manage to hear.

Napatakip ako sa aking bibig at nanlaki ang mga mata. "Bakit? Anong meron sa ngiti ko? May mali ba?" Natataranta kong tanong pero dahan daan siyang umiling.

"N-no, I was just shocked. Hindi ko akalain na after what I did these years, nagawa mo pa akong ngitian. Was it ironic? O baka sarcastic ka lang?"

Napaisip ako bigla. Baka naman may something na nangyari dati na hindi ko alam kaya—

What the hell! Baka mailap 'yung totoong Lerro Sinn kay Catarra sa panahong ito dahil naipakasal siya sa ibang lalaki! Iyon kaya ang dahilan?!

Dahil sa naisip ko ay hindi na ako ngumiti. Tiningnan ko na lamang siya nang seryoso at nag cross arms. Ito ba dapat? Ito ba dapat ang ginagawa ko? Ang magpaka sungit?

Ano ba ang bago. Masungit naman talaga ako.

"Huh? What's that expression? Bakit ang seryoso mo naman?"

Actually gusto kong ngumiti dahil sa mapang-akit niyang tinig, ang bilis ng dagundong ng puso ko! Para akong pinagsasakluban ng paraiso at langit, kulang na lang ang mga bituin at ibang shiny heavenly bodies para masabing exaggerated ang pagkabaliw ko sa simpleng ginagawa niya. Palihim na lamang akong napangisi.

Ganito kami kiligin, ganito kiligin ang mga lalaki.

"Nga pala..." Wika niya saka nagpaka-busy sa paghahalungkat sa kanyang dalang bag. Nang yumuko siya ay nangalumbaba ako at tumitig sa nakayuko niyang ulo.

Hays, gusto sana kitang halikan Catarra pero may iba nang nagmamay-ari sa'yo. I don't want to invade someone's property dahil iyon ang ayaw kong gawin sa sarili ko. Just being fair right?

Nang may kinuha siyang envelope saka inabot sakin. I was about to read this when she spoke.

"Anyway, pakibigay 'yan kay Dea, invation 'yan para makapasok kayo sa venue mamaya."

Napatikhim na lang ako at huminga ng maayos, nilapag ko rin ito sa gilid. Knowing this invitation, naalala ko na naman ang kaibigan kong para na ding nagtaksil sa'kin.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan matapos iyon. Kapwa kami nakatingin sa isa't isa at para bang walang gusto magsalita.

"Catarra."

"Lerro."

That awkward feeling na sabay naming sinambit ang pangalan ng isa't isa. Too awkward!

"Ah, ikaw muna." Nakangiti niyang sabi pero umiling ako.

"Wala namang kwenta 'yung sasabihin ko kaya ikaw na."

Bumuntong hininga muna siya at tiningnan ako nang mabuti. Tungkol saan kaya 'yung sasabihin niya? Kinakabahan naman ako d'yan.

A Thing That Never Was (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt