Chapter 18

182 8 0
                                    

Chapter 18





Dahan dahan akong umupo sa sahig ng kulungang ito nang umalis na ang mga pulis.



Napakapit ako sa mga rehas. Sa likod ng mga rehas na hindi ko inakalang kalalagyan ko. Mahirap pala talaga, hindi pa ako nagtatagal dito ay alam ko na mahirap ang mabuhay sa lugar na ito. Sa lugar na limitado lang ang kaya kong gawin, hindi malaya, nakapiit, kontrolado, at nakapailalim sa kamay ng iba...

Napatulala ako sa kawalan. Naalala ko na naman ang mga nangyari kanina. All this time ay matagal kong inasam na hanapin kung sino ang pumatay sa Dad ko dahil nasira ang pangarap ko, lagi akong malungkot noon dahil wala ng nakikipaglaro sa'kin, at walang tatay na sumusubaybay sa paglaki ko.

Hanggang sa nalaman ko na lang na ako pala talaga ang kontrabida sa kwento ng buhay ko. Sarili ko lang rin pala ang sumira sa pangarap ko. Ako lang rin pala.

Unti unti kong pinikit ang mga mata ko dahil sa sakit na nararamdaman ng puso ko. Napakasama kong tao... Napakasama ko... Ang sama- sama ko.

Siguro, nararapat lang ako makulong at mabulok dito, tulad ng sinabi sa akin ng anak ko. Tama naman siya, sinira ko ang pamilya, sinira ko ang lahat sa kanila.

Kung hindi lang ako nadaig ng pagmamahal ko noon kay Catarra ay hindi ko sana pinagpilitan na bumalik sa 2018. Kaso ang tanga ko, hindi ko naisip na sa akin din pala nakasalalay ang buhay nila, ang buhay ng pamilya na nagtapos sa malungkot na katapusan.

"Ano ang pakiramdam? Masakit 'di ba?"

Inangat ko ang tingin upang tingnan ang nagsalita n'un, napalunok ako nang makita ang galit na emosyong nakaguhit sa mukha ni Aaron. Nakikita sa mga mata niya ang poot niya sa akin. Ramdam na ramdam ko.

"P-patawad...patawad anak---"

"Ano sa tingin mo? Mabubura ng paghingi mo ng tawad ang sakit na binigay mo sa pamilya natin Dad?"

Napayuko ako dahil sa sinabi niyang iyon. Tama naman siya, hindi mabubura ng patawad ang trahedyang idinulot ko sa kanila.

"D-dad, sinubukan kong patawarin ka pero hindi ko kaya. After all those heartaches and tragic pains that we'e experienced? Maisip ko palang kung sino ang may pakana n'un ay sobrang sakit na sa akin... My grandfather, mother, Clayne, and Klarisse... THEY ALL DIED AND IT'S BECAUSE OF YOU! Lagi kong pinangako sa sarili ko na hahanapin ko kung sino ang nagpasimuno ng gulo na ito pero ang sakit eh, bakit sa lahat ng tao ay ikaw pa? Ikaw pa na tatay ko?"

Umagos hanggang sa leeg ko ang aking mga luha. Unti-unting sinasaksak ng mga matatalim niyang salita ang puso ko. Paano ko ba maiiwasan iyon? Paano ko ba maiiwasan ang katotohanan na sinira ko?

I know, and these heartaches are all my fault. Hindi ko ito ginusto at walang may gusto nito. Pero nangyari na, wasak na ang lahat. Wasak na ang hinaharap na ito...

"Dad, I'm sorry to say this but I will never forgive you. Hinding hindi kita mapapatawad.









--







Dalawang taon ang lumipas.

Sa dalawang taon na ito ay wala man lamang bumisita sa akin. Lagi kong inaabangan ang anak ko habang nakakapit sa mga matitigas na rehas na ito. Lagi kong iniisip na darating siya at patawarin ako pero wala... Walang nagpakita sa akin kun'di ang mga pulis upang hatiran ako ng pagkain.

Ngayon ay nakasalampak ako sa maruming sahig dito, nakayakap sa mga binti at nakatingala sa liwanag na nagmumula sa maliit na siwang ng bintana.

Ito na ba talaga ang kapalaran ko? Ang manatili dito? Ang mabulok dito habang buhay? Ang tumanda dito? Ang mamatay dito?

A Thing That Never Was (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt