Chapter 10

162 7 4
                                    

Chapter 10

Nakakatawa isipin.



Dea and Jhong had an affair while Lerro and Catarra have. Minsan talaga hindi mo rin maiintindihan ang mundo. Bakit mapaglaro ang tadhana sa mga taong ito?

I admit, nakaramdam ako ng inis. Hindi dahil nakiki-affair 'tong si Deanna pero 'yung mga anak kasi, paano 'yung mga bata? Wala silang kamalay malay na ang mga magulang nila ay nakikipag-relasyon sa ibang tao--- bagay na hindi tama.

As usual, normal lang ang naging reaction ko. Who am I to react violent? Hindi ko siya mahal at wala akong ka-alam alam na ganoon pala ang mga nangyari. Kahit pa magkaroon sila ng affair ni Jhong ngayon ay wala akong pakialam, hindi ko nga alam kung alam niyang may ugnayan din ako kay Catarra ngayon... sa puntong ito, mukhang siya talaga ang may karapatang magalit sa akin.

"Hindi ka naman siguro sasama sa dela Rosa na 'yun 'di ba?" Tanong ko out of nowhere. Pabalik na sana siya sa venue para sunduin ang mga bata pero pinigilan ko siya.

Tumango siya, dahilan kung bakit bahagya akong nairita. Okay lang naman sa ibang tao pero... Sa lalaking 'yun pa? Seriously? Bakit kasi 'yun pa ang naging boss niya?

"Crucial ang mga errors na na-encounter ng mga editors sa manuscript ko kaya wala akong choice. Huwag kang mag-alala, uuwi din naman ako pagtapos."

Aalukin ko sana siya na ako na lang ang maghatid kung saan man sila pupunta pero naalala kong hindi pala ako marunong mag-drive. Nakakainis naman.

Tumalikod ako at naglakad. Bahala siya, kung ganyan pala siya ka seryoso sa trabaho niya ay bakit kailangan kong makialam? Kahit asawa niya ako sa panahong ito, aware naman ako na may limit ako--- may limit ako sa panghihimasok ko sa buhay niya.

Napahinto na lamang ako dahil naramdaman kong may pumigil sa aking mga kamay. Nang tingnan ko nang maigi ay ang nagmamakaawang Dea ang tumambad sa'king paningin. "Lolo, 'wag ka na magtampo sa'kin... Promise, trabaho lang 'to, walang personalan."

Kumunot ang kilay ko bilang tugon. Wala naman akong sinasabing nagtatampo ako ah? "I'm not pissed."

"Then don't overthink. Lalo tumatanda 'yang mukha mo eh, haha."

Ewan ko, bigla akong nadala sa tawa niya. Ang cute lang tingnan lalo na kapag tititigan ng mabuti. Bakit nga ba ngayon lang sumagi sa isip ko na may tinatago rin siyang--- What the, bakit ganito ang iniisip ko?!

No! Wala 'to, naninibago lang ako sa tawa niya. Tama, naninibago lang ako.

--

Humiga ako ng maayos sa kama matapos kong magpalit ng damit. Naririnig ko pang nagrereklamo sa labas ang mga bata at nagmamakdol dahil maaga kami unuwi. Eh anong magagawa ko? Gusto ko lang naman humupa ang tension. Besides, welcome party 'yun at hindi 'raw' ako welcome doon. Sa yabang ba naman ng Jhong na 'yun tingin niya lalaban ako? The hell! Kaya kong makipagpatayan para lang mapangalagaan ang pride ko. But since gusto ko ring alagaan ang dignidad ko bilang tao ay hindi na ako nagpalobo pa ng gulo. Nasa katinuan pa naman ako kahit naka-inom ng kaunti.

At masasabi kong first time, first time kong uminom at matamaan ng alak.

Ganito pala talaga ang pakiramdam, wala ka ng ibang mararamdaman kun'di pagkahilo, nasusuka rin ako ng kaunti, dahilan kung bakit dumapa ako at sinubsob ang mukha sa pinakamalambot na unan na nandirito.

Dala na rin siguro ng antok ay kusang pumikit ang aking mga mata, then that was it, natapos ang araw na may tama ako ng alak at galit sa mga naganap involving two idiots : Aiko and Jhong.









A Thing That Never Was (Completed)Where stories live. Discover now