Chapter 05

196 11 1
                                    

Chapter 05



Naalimpungatan ako dahil sa lamig na bumabalot sa katawan ko. Pumipikit pikit pa ako dahil medyo nahilo ako sa nangyari. Ngunit sa kabila n'un, parang masarap pa rin ang pakiramdam ko. Nakahiga kasi ako, malambot ang hinihigaan, natanaw ko rin ang magandang chandelier sa kisame, at halos masilaw ako sa bukas na ilaw na akala mong araw sa sobrang liwanag.

Napakamot ako sa noo ko, nasaan na ba ako?

Inunat ko ang aking braso at nag stretching. Bakit ganito? Hindi naman ako natulog pero para akong bagong gising. At isa pa, para akong nasa magandang bahay na hindi ko naman pagmamay-ari—

Natigilan na lamang ako sa pag-iisip nang mapagtanto ang mga pangyayari. Napamura ako ng malakas at mabilis na bumangon.

Nasaan ako?! Bakit wala ang mga bubwit na kasama ko? Ang pagkakatanda ko kasi ay pumasok ako sa nakakasilaw na wormhole at sabay sabay kaming hinigop nito. Then the next thing I knew, wala na. Napagtanto ko na lamang na nandito na ako.

"Nasaan ba kasi ako?!" Sigaw ko habang nagwawala. And just like that, because of my aggressiveness, may kung ano akong nasagi sa tabi ko. What the actual fudge? Nasa kama pala ako?

"A-aray—"

Nagpanting ang tainga ko sa boses na 'yun. Who's that human behind that voice? Babae siya at mukhang katabi ko... katabi ko na hindi ko sinasadyang matulak dahil sa pagwawala at biglang nahulog mula sa kamang ito!

Mabilis kong inalis ang comforter na nakabalot sa'kin. Tumalon ako sa sahig at inayos ang aking suot. Ganito pa rin naman, itim na sando ang aking pang-itaas at pang-basketball shorts ang pang-ibaba. Ang pinagkaiba lang, napansin kong medyo sumikip ito.

"W-who are you?" Nag-aalangan kong tanong. I'm right, babae nga siya. Isang babae na magulo ang buhok at natatapkan nito ang mukha. Naka-nighties rin siya at mukhang nasa mid-30's na ang edad. Sino ba siya?

Hinimas himas niya ang likod na bahagi ng ulo at dahan dahang tumayo. While she's doing that, she murmurs things that I can't even understand. Maya maya'y umayos na talaga siya ng tayo at inayos ang magulong buhok. Nanliit na lamang ang mga mata ko nang makita ang kanyang mukha na para bang pamilyar.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Bigla siyang ngumiti nang pagkalawak lawak at para bang namungay ang paningin. Akala ko sa mga kilos lang niya ako magugulat dahil nang magsambit siya ng mga salita ay parang gumuho ang mundo ko. "Lolo? Honey? Is that you? I-is that y-you?"

Nanggalaiti ang pangangatawan ko dahil tinawag niya ako sa ganoong pangalan. Lolo? Bakit hanggang dito ay lolo ang tawag sa akin? Sino siya para tawagin ako ng ganyan? I don't want this!

"W-who are you?" Inulit ako ang tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot. Sa halip ay tumakbo siya patungo sa akin at niyakap ako nang sobrang higpit.

"W-where have you been? I've been waiting for you for almost six months. Hindi ko akalain na babalik ka rin pala. Miss na miss na kitaaa..." Nabasag ang boses niya dahil nagsimula na siyang umiyak. Napapikit na lamang ako at tinulak siya palayo.

"W-who are y-you? Bakit ayaw mong sagutin ang t-tanong ko ah? Who are you to hug me like that?" Inis na inis kong sumbat. I could sense na natigilan siya base sa kanyang mukha na nakikitaan ng malungkot na ekspresyon. Napatitig siya sa akin at nawala ang matatamis na ngiti na kanina'y pinakita sa'kin.

"K-kinalimutan mo n-na ako?"

Napangiwi ako sa sagot niya. I couldn't understand. Hindi ko siya kilala, that's what all I know. Kahit kayo, alam niyo 'yan!

A Thing That Never Was (Completed)Where stories live. Discover now