Chapter 12

146 9 2
                                    

Chapter 12

Limang araw na ang lumipas ngunit walang Dea--- I mean, Dina na umuwi. Siguro, tama nga si Chef Nico sa sinabi niya kahapon sa'kin, pagod na siguro ang babaeng iyon sa pagpapanggap.

Sa totoo lang, hindi ko rin inasahan na malalaman ko ang bagay na iyon, 'yung pagpapanggap ni Dina. Kasi ang galing niya magpanggap, paniwalang paniwala ako na siya talaga ang asawa ko, na siya talaga ang ina ng mga batang mas makulit pa sa pinakamakulit na aso.

Ngunit simula noong hindi na siya bumalik dito ay mas naging malungkot ang tahanan. Naninibago ako dahil wala ng sumisigaw sa akin tuwing umaga at wala na akong nakikitang katabi sa tuwing gumigising ako.

Starting that day, hindi ko na rin sinubukang bumalik sa kompanya. Once is enough, babalik lang ako kapag iba na ang scheduled appointment na kailangang puntahan. Ayoko lang kasi makita ang mukha ng bwisit na ungas na 'yun. Unang kita ko palang sa mukha niya ay kumukulo na agad ang dugo ko sa galit.

Maging ang secretarya ko ay nangungulit pero hinahayaan ko na lang. Sinabi kong on-leave muna ako at 'yung vice president na muna ang mag-asikaso ng mga dapat asikasuhin. Ayoko munang magpa-istorbo, nakakapagod din kasing ma stress lalo na at hindi naman talaga ako tagarito.

Lately, nagkikita rin kami ni Catarra sa isang park. Minsan pumupunta rin kami sa paborito niyang mall para mag shopping. Oo, aware ako na mali itong ginagawa namin pero mahal ko siya. At dito ko lang magagawa ito dahil hindi naman 'kami' sa present. Kaya heto, hindi ko pinapalampas ang pagkakataon. Hangga't willing siyang angkinin ko siya, aba'y bakit naman hindi? Mahal na mahal ko siya to the point na hindi ko na iniisip ang mga background lives namin. Ang mahalaga ay nagmamahalan kami. Ang mahalaga ay masaya kami. At least sa panahong ito ay nagkakaroon din ako ng kasiyahan at tingin ko, ayoko ng matapos pa ang pagkakataong ito.

Kasalukuyan kaming nagde-date ni Catarra, kapwa kami naka-upo sa two-seater table kaharap ang dalawang frappe na inorder namin. Halos limang oras na kaming nagkakasama at naglilibot kaya naka-upo muna.

"Hon, kailan kaya tayo magiging malaya?"

Napatingin ako ng maayos sa kanya habang sinisipsip ko ang frappe ko. Napangiti naman ako sa tanong niya.

"Darating din 'yun, gagawa ako ng paraan." Masaya kong sagot na siyang dahilan ng abot-taingang ngiti niya. Then after that, she touched the back of my hand and stared at it for a while.

Napatitig naman ako sa kanya, sa maamo niyang mukha, sa mala-anghel niyang ganda. Hindi ko alam pero baliw na baliw ako sa kanya.Napakaswerte ng lalaking makakatuluyan niya sa huli.

Nang mapansin ko ang mga luhang pumapatak ay agad nawala ang mga ngiti ko sa labi. Ngayon ay hinawakan ko na ang mga kamay niya.

Napayuko siya.

"H-hey... What's wrong?" Tanong ko na may pag-aalala. I looked at her serenely. "W-why are you... Why are you crying?"

"H-hindi tayo pwede Lerro, hindi na tayo pwede. Hindi na tayo magiging malaya sa mga pamilya natin."

Natigilan ako sa sinabi niya. Bakit biglang nagkaganito? Ang saya saya pa namin kanina ah?

"No." Umiling ako. "That's not true. Look at me Catarra, magagawan natin ito ng paraan. Hangga't pwede pa ay ipaglalaban kita---"

Bigla niyang kinalas ang mga kamay niya sa akin at buong lakas na humarap mula sa pagkakayuko. Wala akong nagawa kung hindi ang panoorin siyang umiiyak sa harapan ko.

"Napag-isip isip ko na Lerro na kahit anong gawin natin ay hindi talaga tayo pwede. May mga anak na tayo at dapat makuntento na tayo sa kanila. Oo, alam kong ako ang nagpasimula nito dahil sa kapusukan ng pagmamahal ko sa'yo pero napag-isip isip kong mali talaga ito. Napag-isip isip ko na kailangan ko na tapusin ang masamang bagay na sinimulan ko..."

A Thing That Never Was (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon