Epilogue

271 9 5
                                    

EPILOGUE

Taong 2023...





Sa bilis ng mga panahong lumipas ay hindi ko inakalang 2023 na pala ngayon. Naging busy na kasi ako sa pag-aaral, lagi na akong tutok sa mga leksyon pero siyempre, balanse pa rin ang oras ko para kay Catarra.

We have made it strong. Pinilit ko ang sarili ko sa kanya kahit medyo nahihirapan ako. Hindi naging madali ngunit kailangan kong tiisin ang lahat para sa hinaharap.

Huminga ako ng malalim nang makita ang sarili ko sa harap ng human-size mirror. Ang gwapo ko pa rin pala kahit 22 na ang edad ko ngayon. Mas gwapo pa pala ako tingnan sa suot kong kulay blue na barong at slacks.

Nang maayos ko na ang sarili ko ay lumabas na ako ng bahay. Dito pa rin naman kami naninirahan sa bukid at medyo kuntento na ako dito, sa tingin ko ay lilipat lang kami sa oras na magiba na ito.

Napatingin ako sa gate at doon nag-aabang ang sasakyan ng pinsan ni Jhong---- si Aiko. Naglakad naman ako patungo doon habang nakapamulsa.

"Kamusta bro?" Nakangiti niyang bati sa akin, nginitian ko rin siya pabalik.

"Ayos lang, ikaw ba?"

Umupo ako sa passenger's seat, katabi niya na siyang magmamaneho.

"Excited haha! Sa wakas, ikakasal na rin ang pinsan ko."

Hindi na ako naka imik nang paandarin na niya ang kotse. Naging tahimik lang ang biyahe habang minamaneho niya ang sasakyan.

Ikakasal na ngayon si Jhong kay Deanna, bagay na matagal ko na pinaghandaan. Masakit pero may parte sa akin na nasisiyahan ako dahil sa paraang ito nakikita kong hindi na mangyayari ang mga trahedya sa future. Sa pamamagitan nito ay wala ng parusa at pagdurusa na magaganap.

Sinimulan ko ang pagbabago sa sarili ilang taon na ang nakalilipas. Kinaibigan ko ang mga taong minsan ko na kinainisan. Pero wala namang mawawala 'di ba? Tulad nito, mas masarap pala maging kaibigan itong si Aiko.

"Nandito na tayo!" Masaya niyang sigaw matapos iparada ang sasakyan sa tabi ng simbahan. Pagkalabas namin ay sumalubong sina Catarra at Dina suot ang magaganda nilang gown.

Agad na lumapit sa akin si Catarra at binigyan ako ng halik sa pisngi.

"Hay, buti naman at nandito ka na, tara na sa loob at magsisimula na ang seremonya."

Pangiti-ngiti akong naglalakad papasok kasama siya. Pagkapasok ay sumalubong sa amin ang mabulaklak na design ng simbahan. May red carpet din sa daanan kaya elegante ang lugar na ito para sa kasalan.

Medyo marami na rin ang tao kaya dumeretso kami sa upuang nakalaan sa amin. Umupo muna kami at naghintay.

"Hindi ko akalain na ikakasal na si Deanna. Ang swerte ni Jhong sa kanya ano?" Bulong sa akin ni Catarra, dahan dahan naman akong tumango bilan tugon.

"O-oo, maswerte talaga si Jhong sa kanya."

"Tayo ba? Kailan natin balak magpakasal?"

Yumuko naman ako at tumingin sa mga engagement ring namin, pilit akong ngumiti. "Siguro pag nakatapos na tayo ng kolehiyo at kapag na promote na ako sa trabaho."

Pagkasabi ko n'un ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya.

Ang ganda niya... Inaamin ko. Marami na ang aming pinagsamahan at pinilit ko siyang gamitin upang ayusin ang puso ko ngunit hanggang ngayon ay si Deanna pa rin ang tinitibok nito.

Napalunok na lamang ako.

Inangat ko ang aking tingin at nakitang naghihintay na sa harap si Jhong. Nakangiti siya at nakatingin lang ng deretso.

A Thing That Never Was (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang