Chapter 15

159 8 1
                                    

Chapter 15

Isang buwan na ang mabilis na lumipas at hindi biro kung paano kami nabuhay sa loob ng isang buwang ito.

Naging mahirap para sa amin kung paano namatay si Clayne. Pinagsama pa ang perang naipon nina Aaron at Klarisse para sa pamburol at panglibing. Tanging sina Nico at Jhoara lang ang bumisita sa amin, dalawang araw lang ang burol at agad ding naipalibing kahit labag sa loob namin.

Sinubukan kong magtrabaho bilang isang construction worker. Noong una, para akong butiking nagbubuhat ng bato ngunit kalaunan ay nasanay din. Ako ang pumalit kay Aaron upang makapag-aral naman siya.

Si Klarisse naman ay katulong pa rin, sinubukan kong kausapin ang amo niya na kung hangga't maaari ay pag-aralin muna pero ayaw pumayag. Malaki raw ang utang nito sa kanya dahil sa kakabili ng mga gamot para kay Clayne noon. Wala naman akong nagawa kung hindi ang hayaang naghihirap si Klarisse sa kamay ng masungit niyang amo.

Tuwing gabi ako umuuwi at sa gabing iyon ay lagi kong naabutan si Aaron na nag-aaral. Wala sa sarili naman akong napapangiti dahil hindi ko akalain na ganito pala siya ka- sipag. At bilang isang magulang na nagpapa-aral sa kanyang anak, saya ang naidudulot sa akin kapag nakikita kong tutok ito sa pag-aaral.

Naisip ko tuloy si Mom na nasa 2018, now I know. Alam ko na ang pakiramdam niya sa tuwing pinipilit niya akong mag-aral ng mabuti.

Naging mahirap para sa amin kung paano nawala si Clayne pero iniisip na lamang namin na nasa mabuti na siyang kalagayan. Lumipat din kami ng tirahan, nangupahan kami sa isang apartment na kakasya sa aming tatlo. At least dito hindi marumi, kaysa naman 'yung doon sa dati na parang tambakan ng mga basura.

Pinilit kong maging masaya kahit nahihirapan na ako. Pero sapat naman na sa'kin na makita ang mga anak ko na masaya sa piling ko. Ewan ko ba. Pakiramdam ko nga ang laki ng pinagbago ko. Hindi naman ako ganito dati pero simula noong namatay si Clayne, doon ko na nakita kung gaano sila kahalaga.

Kasalukuyan akong nagpapahinga ngayon, nakahiga sa kama samantalang si Aaron ay nasa study table niya at nag-aaral. Grade 11 student na siya at mukhang nagre review para sa finals nila.

Si Klarisse naman ay nasa trabaho. Maya maya pa ang balik niya, siguro mga alas otso ng gabi.

Biglang may kumatok sa pinto kaya kapwa kami napalingon doon. Ako na ang nag-insist na bumukas kaya hinayaan na lang ako ni Aaron.

Pagkabukas na pagkabukas ko ay tumambad sa akin si Dina. Nakayuko siya at may hawak na kahon. Hindi ko alam kung ano 'yun pero may kutob ako na pagkain iyon.

"L-lerro..."

"Bakit ka naparito?"

Sa totoo lang, malaki ang galit ko sa kanya. Tiyahin siya! Tiyahin siya ng mga batang kasama ko pero bakit tinaboy niya ito noong humingi sila ng tulong sa kanya?

"I-ibibigay ko lang sana ito."

Inabot niya sa akin ang kahon pero hindi ko iyon kinuha. Sa halip ay suminghal ako sa kawalan at galit na tumingin sa kanya.

"Alam mo kung bakit namatay ang isa mong pamangkin? Kung bakit nawala ang lahat sa kanila? Kung bakit nasira ang kinabukasan nila? Ang pangarap nila? Inaamin kong ako ang dahilan kung bakit nangyari iyon pero... Ikaw, bilang tita nila na minsan ng naging nanay sa kanila, hindi mo rin ba naisip na ikaw sana ang sasandalan nila para mabuhay sila ng maayos habang wala ako? Hindi ko alam kung tita ka ba nila o hindi---"

"Palibhasa namatayan ka na kaya ganyan mo ako kung sumbatan." Bigla niyang hinagis sa sahig ang box dahilan para kumalat ang laman nitong strawberry cake. "Ikaw! Hindi ba't ama ka nila? Ikaw ang AMA! Pero ang nakakapagtaka kasi sa'yo ay biglang kang nawawala, iniiwan mo ang mga bata sa ere habang naghahanap kung nasaan ka. Ayun! Sa sobrang gala mo, napabayaan mo sila, pati na ang kompanya na sabay niyong binuo ng kapatid ko!"

A Thing That Never Was (Completed)Where stories live. Discover now