Chapter 16

163 11 1
                                    

Chapter 16

Wala ako sa sarili.



Iyan ang masasabi ko nang dumaan ang ilang linggo. Naging mahirap para sa amin ang tumanggap. Lalo na't napakabibilis ng mga pangyayari, hindi ko alam kung makakayanan pa ng puso ko kung may trahedya pang darating. Baka masira na ang pagkatao ko sakaling atakihin ako, baka mawala na ako sa katinuan.

Nagpatuloy pa rin ako sa buhay. Nagtrabaho ako. Nagsikap. May dahilan pa ako para sumabak sa buhay kaya hindi dapat ako sumuko.

Naging pahirapan ang paghahanap kung sino ang salarin sa pagkamatay ni Klarisse at hanggang ngayon ay wala pang report sa mga police. Nais ko talagang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya pero wala kaming nakikitang pag-asa para makuha ito.

Dalawang araw na lang ay recognition day na nila Aaron kaya puspusan ako sa pagta-trabaho ngayon. I-ce-celebrate ko kasi iyon, minsan lang naman sa isang taon kaya sasamantalahin na.

Ngayon ay nandito ako sa palengke para bumili ng mga sahog para sa ulam na lulutuin ko mamaya. Medyo marunong na ako magluto dahil tinuruan ako ng anak ko. Ang dami ko ring natutunan sa kanya.

Nang makabili na ako ay akma na sana akong papara ng tricycle. Ngunit natigilan ako nang makita ang kaguluhang nagaganap sa hindi kalayuan.

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Lalo na nang makita ang dalawang lalaki na nagbubugbugan at pinalilibutan ng mga tao.

Dinala naman ako ng paa ko doon dahil sa kuryosidad. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang nakikipagbugbugan si Nico kay...

Keanne?

"G*go ka!" Singhal ni Nico habang inaawat ng mga kalalakihan. Putok na ang labi niya at nagdurugo na ang kanyang ilong.

"Okay! I admit that! G*go na kung g*go. But look at yourself man, mas g*go ka kung umasta ng ganyan!" Sigaw naman ni Keanne na ngayon ay namamaga na ang ilalim ng mata. Akma na sana akong aawat dahil kilala ko sila. Si Keanne ang anak ni Aiko samantalang si Nico ay dating chef sa mansion namin.

But everything gone into silence when Nico shouted.

"MAS G*GO KA DAHIL IKAW ANG PUMATAY KAY KLARISSE! ANO? HINDI MO AAMININ? HINDI MO AAMININ?!"

Nabitawan ko ang mga hawak ko at nanginig ang aking mga tuhod. Pakiramdam ko ay tumigil sa pag-ikot ang mundo ko. Tama ba si Nico? Si Keanne ang pumatay sa anak ko?

Umaasa ako na tatanggi si Keanne ngunit ngumisi siya, dahilan para mawala ako sa katinuan at ako naman ang lumapit para bugbugin siya.

"P*tang ina ka." Gigil na gigil kong dinuro ang pagmumukha niya. Natigilan ang mga tao at nagulat dahil sa biglang pagsulpot ko pero wala silang magagawa, ako ang ama ng babaeng pinatay ng demonyong ito!

Napatingin siya sa'kin at sa puntong ito, nawala na ang ngisi na ipinakita niya kanina. He was about to speak when I gave another shot to f*ck up his mouth.

"Hindi ko man alam kung ano ang dahilan kung bakit mo ginawa 'yun pero hindi ka manlang ba na-konsensya? P-pinatay mo a-ang anak ko nang walang kalaban laban!"

Isang suntok muli ang binigay ko, ngayon ay napayuko na siya.

"Magkikita tayo sa korte, dela Rosa. Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan dahil sa kademonyohang ginawa mo."









--





Agad kong ikinwento kay Aaron ang mga nangyari kanina pero hindi siya nagsalita, nanatili siyang tahimik at walang kibo.

A Thing That Never Was (Completed)Where stories live. Discover now