03

204 8 0
                                    



Ngayon na yung event at eto ako, nagmamadaling bumaba ng hagdan dahil ilang oras nalang magsisimula na 'yon. Nandito parin sakin yung thought na baka Bts nga yung mag guest kasi kasi kasi!' Si taehyung yung nakita ko nung nakaraan! Siya yun sure ako—

"AHHH!!" Aray.

"Joohyun-ah!" Sigaw ni Jiyeol oppa. Ah jinjja. Siya pa talaga nakakita sakin mahulog sa hagdan? Siya pa talaga ha siya pa. TT___TT

"Aish. Gwaenchanha?" Agad siyang lumapit sakin at tinignan ako. Tumingin ako sa tuhod at hita ko. May mga gasgas at sugad. At ang malupit pa dito, mukang nagkapilay ako.

"Apa.." namamalipit na ko sa sakit kaya binuhat na niya ko at agad dinala sa clinic.

"Aigoo Joohyun-ah. May performance kayo ngayon, diba?" Tanong ni oppa. Tumango ako. Marahan na tumango. Alam kong hindi na ko makakapag perform nyan. Aigo. Ang clumsy kasi Joohyun.

"Doon ka na muna sa dance studio. Doon ka magpahinga. Alam kong ayaw mo dito sa clinic" nakangisi niyang sabi. Hays. Ang pogi niya talaga.

Pagkagamot sa ilang gasgas at sugat ko at paglalagay ng rubber bandage sa paa ko, dinala ako ni Jiyeol oppa sa dance studio kung nasan mga members ko. Nagulat sila ng makita kong puro bandage kaya agad silang lumapit sakin.

"WAE? ANONG NANGYARI UNNIE?" Sabay sabay na tanong nila kaya sabay kaming natawa ni oppa.

"Hindi naman importante 'yon. Basta makapag perform kayo ng maayos ngayon, okay na ko dun. Makakapag perform kayo kahit wala ako, arraji? Hwaiting!" Pag momotivate ko sa kanila. Sila Yerim ayaw pakong iwanan pero sabi kong nandito naman si Jiyeol oppa kaya ayun, nagpunta na sila sa gym since dun gaganapin yung event.

"Joohyun-ah.." tumango ako. May tumawag kasi sa kanya. Kailangan siya sa event since siya president ng Student Council.

"Okay ka lang dito?" Tanong niya. Ngumisi ako saka tumango.

"Okay ako oppa. Gumawo~" ngumiti naman siya saka ginulo buhok ko bago tuluyang umalis. Hays. Edi sana nagpeperform ako ngayon. Tanga tanga kasi Bae Joohyun!

Kim Taehyung's Pov -

After namin magperform, nagperform naman yung dance group ng university. Nakaramdam ako ng hilo dahil narin sa crowded talaga dahil siguro samin kaya nagpaalam ako sa kanila na magpapahangin nalang muna sa labas since lahat naman ng students ay kailangan nandito sa gym para sa event.

Hinayaan ko kung saan ako dadalin ng mga paa ko. At dito, nakarating ako sa pinaka paborito kong lugar dito sa university. Ang dance studio.

Papasok sana ko pero napansin kong nakabukas ito ng bahagya at narinig ko rin na may tugtog na nanggagaling mula sa loob. Aalis na sana ko pero ewan, may nagtulak talaga sakin na tignan kung sino yung nasa loob.

Babae. Babae na puro bandage na pero nagawa paring sumayaw and there, naalala ko sarili ko nung trainee days ko. Ganyan na ganyan ako. Sobra.

"Nice" nakangiting sabi ko. Doon sabay nanlaki mga mata namin ng makita ang isa't isa. Napangisi ako. Mukang pinagtatagpo talaga kami.

"It's you.." bulong ko.

-

Pagkaalis ni Jiyeol oppa, pinilit ko talaga sarili ko na tumayo. Hindi para pumunta dun at magperform. Dito nalang ako sasayaw kahit hindi ko kaya. Ibubuhos ko sa sayaw yung pagkainis ko sa sarili ko. Tssk.

"Nice" hindi ko naramdaman yung sakit na ininda ko kanina nung marinig ko yung malalim na boses na 'yon. Alam ko kung kanino 'yon.

Sabay na nanlaki ang mga mata namin ng makita ang isa't isa.

"It's you.."kahit na ba mahina 'yon, narinig ko parin yung sinabi niya.

"T-taehyung?!" Sigaw ko habang nakaturo pa ang daliri ko sa kanya. Ngumisi siya saka ngumiti.

"I want you.." ang mga katagang binitawan niya para bumagsak ako.

--/

[ It's you ] • ft Bts V & Red Velvet Irene •Where stories live. Discover now