34 (SeulMin 2)

94 1 0
                                    


Kang Seulgi's Pov -

"Kapagod" napaupo na nga ako sa sobrang pagod kakasayaw. Nasa university ako since wala naman kaming schedule ngayon kaya pumasok nalang ako, saka si yeri. Habang si Wendy, Joy saka si Irene unnie nagpuntang Bighit sa di ko malamang dahilan.

"Seulgi unnie, annyeong!" May ilang students na pumasok sa dance studio. Ngumiti ako saka kumaway. Mukang fans sila, nagpapicture eh. Kaya ako naman kahit pagod at mukang losyang, nakipag picture ako sa kanila.

"Unnie may comeback kayo diba?" Excited na tanong ng isa sa kanila. Ngumiti muna ako bago tumango.

"Waah unnie excited na ko! Ang ganda nga ng concept niyo ngayon eh. Ang cutie niyo lalo na si yeri!" Ayan na, fangirl mode na sila omg.

Sasagot pa sana ko nang biglang may pumasok na isang student, hinihingal siya. Bigla akong kinabahan.

"S-seulgi unnie, si y-yeri kasi eh.." lalo naman akong kinabahan. Lumapit ako sa kanya.

"W-wae? Ano nangyari?" Agad naman akong lumabas ng dance studio at tumakbo papuntang gym since sabi niya nasa gym si yeri, nahulog daw sa stage. Napilayan at puro sugat. Aigooo yerimm-ah bakit kasi hindi ka nag iinga— eh? Bakit ang dilim? Akala ko ba nandito si yeri?

Napatalon naman ako nang biglang bumukas ang ilaw dito sa gym. Ano ba naman 'yan.

"Seulgi unnie!" Napatingin naman ako sa likod ko, si joy. Lumapit siya sakin habang nakatago ang mga braso niya sa likod, may hawak yata at mukhang ayaw ipakita sakin.

"Anong ginagawa mo dito? Diba nasa bighit ka? Nasan si Irene unnie—"

"Shh! Dami mo namang hanash, unnie. Baka mamaya pag kaharap mo na siya wala ka nang masabi ha?" Nakangising sabi niya. Napakunot naman ang noo ko.

"Teka nga, hinahanap ko pala si yeri. Oo si yeri kaya ako pumunta dito. Nalaglag daw sa stage si maknae nakita niyo na ba—" bastos naman ni joy.

"Unnie, sakay ka nalang ha." Nakangisi parin siya at tinakpan yung mata ko ng blindfold. Ano bang pakulo 'to?

"Joy ano bang pinag gagagawa mo ha? Si yeri kako—"

"Shh! Seulgi unnie grabe ang daldal mo. Okay lang si yeri! Buhay na buhay. Makulit parin saka mabigat parin kamay kaya shh ka na" eto, naglalakad na kami papunta sa hindi ko alam kung saan. Ano ba kasing nangyayari?

"Saan ba kasi tayo pupunta, joy?" Tanong ko pero mukang di na need ng sagot kasi feel ko na yung mga damo eh. Hoseok hahahahahahhahahaha.

Hindi kumikibo si joy pero ramdam kong nagsasalita siya pero walang boses na lumalabas sa bibig niya. At kahit na ba ang tahimik, alam kong may mga tao dito sa field kasi rinig ko ang mahihina nilang pagsasalita. Dami eh kaya umiingay.

"Anong meron girl?"

"Si Kang Seulgi saka si Joy yan ng Red velvet diba? Yung bagong girlgroup ng Bighit?"

"Tara sundan natin sila!"

So, hindi din nila alam kung anong nangyayari? Lalo naman ako.

Huminto na kami sa paglalakad ni Joy. Mukang wala na siya sa likod ko kaya ako nalang yung nag tanggal ng blindfold sa mga mata ko. Blurred man, kita kong maraming tao dito sa field. Nasa gitna nila ako, nakatayo mag-isa at kahit sila nagtataka kung nangyayari. Ano nga ba kasi?

"Mic test, mic test" halos lahat kaming nandito sa field, napatingin sa likod namin nang marinig ko si Wendy. Naka mic pa si gaga habang may hawak hawak na isang piraso ng Sun flower.

[ It's you ] • ft Bts V & Red Velvet Irene •Where stories live. Discover now