56

161 5 0
                                    



"Irene unnie tara na!" I smiled saka tumango kay maknae na excited nang umalis papuntang airport.

After ko magpakita kay taehyung non, nagpunta kami sa Bighit. Sobrang natuwa yung staffs nang makita ako ulit, tuwang tuwa sila kay Taejun kasi kamukang kamuka nga daw ni Taehyung. Kinausap ko si bang-pd and asked him kung pwede pa akong bumalik. And guess what? Nakabalik na koo! They want me to be the leader again pero ayoko since gusto ni seulgi 'yon pero pinaubaya niya sakin ulit ang pagiging leader kaya pumayag na ko.

Our fans are happy too since finally, I came back. Sobrang naover-whelmed ako sa pag tanggap nila sakin ulit. They still don't know about Taejun na sabi ni bang-pd is okay lang since bata pa siya, ayaw nilang bigyan si Taejun ng attention na galing sa fans na ayaw ko rin naman.

Sa ngayon, papunta kaming airport since ngayon yung flight namin papuntang japan dahil mag dedebut na kami with Japanese album! Nakakatuwa diba? Kahit napaka dami ng issue na naganap samin this past few years, napaka rami paring opportunity para saming lahat, lalong lalo na sa bangtan na worldwide na talaga yung kasikatan.

Napatingin ako sa mag-ama ko na busy parin sa pag tulog. Nakahiga si taehyung sa couch habang si Taejunie nasa dibdib niya. Gusto nga nilang sumama pero hindi ko pinasama since walang magbabantay kay Taejun at ayoko siyang dalhin sa japan kasi baka makahalata yung fans namin at magkaroon na naman ng bagong issue.

Napangiti ako. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na nandito na naman ako, nasakin ulit si Taehyung, na masaya kami ulit kasama yung bagong dahilan para mas maging matibay kami. May dapat pa ba kong hilingin kung lahat ng bagay na pinapangarap at iniisip ko noon na makuha ay nasakin na ngayon? Morethan pa nga dun ang nangyari. Parang dati, gusto ko lang makilala si taehyung, gusto ko lang makilala niya ko kahit fan niya lang ako. Pero I debuted under my Idols entertainment, had a chance to know them more and loved by the guy named Kim Taehyung. Mahalin at makasama ko siya araw araw ay sobra na sakin, pero ang magkaroon ng anak, bumuo ng pamilya kasama si Taehyung, may mahihiling pa ba ko? I'm beyond blessed to have everything that I have now.

"Love, I'm leaving.." bulong ko kay Taehyung. Agad naman siyang nagising. He looked at me and looked at Taejun saka niya hinalikan sa noo.

"Can't move, babe." Bulong niya. Napangisi naman ako saka tumango. Tumingin ako kay Taejun. Isang linggo din kami sa japan, isang linggo ko ding hindi makikita or mahahawakan si Taejun. I kissed his forehead.

"Ako ba wala?" Malungkot na tanong ni V. Napangisi naman ako saka siya mabilis na hinalikan sa labi.

"Isa pa" he command kaya i kissed him again.

"Another" i rolled my eyes saka siya hinalikan ulit.

"Aga—"

"V naman magigising si Taejun!" Pabulong kong sigaw. Tumawa siya ng may hangin saka na ako tinanguan. Napatingin naman ako sa pinto, nandun yung members ko na nakapamewang na kaya tumawa ako.

"Alis na ko ha. Iingatan mo si Taejun okay? Nandyan naman si jin oppa, sanay na sanay na mag alaga yun." Kumaway kaway na ko sa kanya saka na tuluyang lumabas ng dorm. At sakto dumating yung Bts, kaya yung apat na members ko ayun nakakawit na sa mga jowa nila.

"Tara na girls tama na yan malelate na tayo sa flight niyo!" Tawag samin ni manager-nim kaya napagpaalam na kami sa kanila.

"Oppa si Taejun ha!" Bilin ko kay jin oppa. Tumango siya saka nag okay sign kaya tuluyan na kaming umalis.

Mabilis lang naman ang byahe since nakaeroplano naman kami. Pagdating sa venue ng debut showcase, agad kaming inayusan saka kami inabutan ng isa-isang mic na pink coral pastel ang kulay since yun na daw yung official fandom color namin.

Ready na kami.

Nag fighting sign kami sa isa't isa bago tuluyang pumunta sa stage. I held my mic tightly. Ito kasi yung unang pagkakataon na magpepeform ako ulit kasama ang members ko na never kong naisip na pwede pa palang mangyari.

Bago bumukas ang ilaw, kaming lima ang nagulat dahil sa biglaang pagbukas ng mga lightsticks nilang lahat. Damn. Napaka ganda ng coral pastel ocean namin.

"Our first coral pastel ocean"

Our song Dumb dumb japanese ver started playing kaya there, we started slaying again

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




Our song Dumb dumb japanese ver started playing kaya there, we started slaying again.

"Forever, we'll sing for youu~" wendy said out of the blue kaya medyo naluha ako.

[ It's you ] • ft Bts V & Red Velvet Irene •Where stories live. Discover now