13

155 4 1
                                    



"Saan tayo /yawn/ pupunta V?" Napatingin ako sa right side ko kung saan nakaupo si Jooh— ni Irene. Gusto ko pa sana siyang dalhin sa favorite kong lugar dito sa seoul pero mukhang pagod na pagod na siya at antok narin. May Mv shooting pa nga pala sila bukas.

"Hmm ikaw? Saan mo ba gustong pumunta? Or ihatid na kita?" Naghintay ako ng sagot pero wala akong natanggap. Pagtingin ko sa kanya, ayun natutulog na kaya napag desisyonan kong mag roadtrip nalang muna kahit tulog siya. Atleast kahit dito sakin makabawi siya ng tulog. Nagsisimula nang maging busy schedule nila. Gusto ko siyang makasama pa.

Nag drive thru ako saka bumili ng pagkain na makakain niya pag gising niya.

Huminto ako sa gilid ng kalsada. Pinatay ko engine ng sasakyan ko saka tumingin sa babaeng natutulog sa tabi ko. 3 years ago since the very first time I saw her and fell inlove with her. Tinde ko no? Ang daming beses naming nagkita pero nito ko lang natanong pangalan niya. Ang botcha ko kasi. Saka pag kaharap ko na siya, wala na kong ibang naiisip kasi nasa harapan ko naman na yung dapat iniisip ko.

I want to be with her kaya ko siya kinuha as bighit's new trainee. Pero I didn't know na masasama siya at pati narin mga kaibigan niya at mag dedebut under bighit entertainment with me as their producer. Too impossible right? Pero it happend.

"Ngayong nandito ka na sakin, hindi na kita hahayang mawala ulit at makuha ng iba." Inayos ko yung buhok na humaharang sa mukha niya. Hindi naman nakakasawang mahulog sa kanya everyday. Kasi everyday niya rin naman akong binibigyan ng reason para mahulog and that's okay.

Gustong gusto ko nang umamin sa kanya pero hindi pwede. Kakasimula palang ng career niya at sino ako para sirain 'yon? Idol niya lang ako. Producer lang nila ko. Si V lang ako. Ako lang 'to at hinding hindi ko naman hahayaang masira lahat ng pangarap niya ng dahil sakin lang kaya hanggang kaya ko, isasantabi ko feelings ko para sa kanya basta nakakasama ko siya okay na ko dun.

"V?" Napaayos ako ng upo ng bigla niya kong tawagin. Akala ko gising na siya pero she's still sleeping.

"Sleep talk?" Nakangising tanong ko na para bang sasagot siya.

"V.. b-bakit ba kasi ang pogi pogi mo? N-nakakainis ka pa eh.." napangiti ako ng marinig ko yung sinabi niya.

"Alam ko 'yon, irene." Sabi ko. I started the engine and magdadrive na sana pero biglang tumawa 'tong si Irene.

"Yah! Nakakagulat ka!" Sigaw ko habang tumawa. Para kaming ewan na tumatawa eh wala namang dahilan.

"Wae? Wae?" Sunod na sunod kong tanong. Bigla naman siyang lumapit sakin habang tumawa. Natigil ako sa pag tawa dahil narin sa malapit yung mukha niya sakin. B-bakit ba napaka ganda mo?

Muka namang narealized niya 'yon kaya napatigil siya sa pag tawa saka tumingin sa mata ko.

"E-eh ikaw kasi eh" she laughed awkwardly saka umayos ng upo. Ganun rin ginawa ko.

"Uhm.. gusto mo na bang umuwi sa dorm niyo? Hatid na kita?" Tanong ko. Umiling naman siya.

"Gutom ako, V. Kain muna tayo? Tapos roadtrip?" Ngumiti ako saka kinuha yung pagkain na binili ko kanina saka inabot ko 'yon sa kanya.

"Ay, ready. K-kamsahamnida" she started eating. Pinanuod ko siyang kumain. Watching her makes me happy.

"Say ahhhh~" syempre dahil mahal ko ang babaeng 'to, sinubo ko yung fries na hawak hawak niya. Ngumisi siya saka pinunasan yung labi ko.

"Dungis eh" nakangiting sabi niya after niya punasan labi ko. Pa-fall.

I spent one hour para libutin 'tong seoul kasama siya. After that, hinatid ko na siya sa dorm nila since 1 am na.

"Salamat, V ha? Nawala pagod ko. Promise!" Napangiti naman ako sa sinabi niya. Tumango ako kay nagpaalam na siya sakin.

"Sige na magpahinga ka na ha?" Hindi ko alam kung anong pumasok sakin pero hinila ko siya sa bewang saka siya hinalikan sa noo.

"It's you and will always be you.." nakangiting sabi ko sa kanya.

-----/

[ It's you ] • ft Bts V & Red Velvet Irene •On viuen les histories. Descobreix ara