39

111 4 0
                                    



Nagdalawang isip ako kung susundan ko ba siya o hahayaan ko nalang muna tutal parehas kaming galit ngayon. Kaya sa huli, napagpasyahan ko nalang na umuwi ng dorm. Nag-iisip parin ako kung saan at paano niya nalaman na nagkita kami ni Nayeon that day. May dahilan naman talaga ang pagkikita namin na 'yon.

Flashback

Busy sa pagpapractice ang Rv habang kami, busy sa pagpapahinga. Rest day namin ngayon pero nandito kami sa Bighit. Gusto kong nandito kahit rest day namin dahil nandito si Irene. Gusto ko siyang nakikita lagi.

"V, malapit na kayo mag anniversary ah? Anong plano mo?" Tanong ni hobi hyung. Napatingin ako sa kanya.

"Wala pa nga akong plano hyung eh. Ano bang magandang gawin?" Wala naman akong alam dyan eh.

"Ano bang alam namin sa ganyan eh kita mong kahit yung surprise nila maknae hindi pa natin alam kung paano gagawin" sabi ni yoongi hyung. Tss bakit ba kasi napaka hopeless romantic ng mga 'to eh.

"Bakit hindi ka magpatulong sa mga may experience na?" Nakangising tanong ni Namjoon hyung.

"Eh wala ngang may experience satin hyung. Kulit ng nuno mo ah" pang-aasar ni jimin hyung sa kanya.

"Nuno kita eh edi makulit ka?" Pangbabara sa kanya ni hyung kaya napasimangot siya. Pandak talaga.

"Ang ibig sabihin kasi ni Namjoonie is magpatulong ka kay Nayeon-ssi" nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni jin hyung.

"Bakit naman sa ex pa ni hyung?" Nagtatakang tanong ni maknae. Tumango ako saka si Yoongi hyung.

"Bakit naman kay nayeon agad? Pwede naman tayong mag-isip nalang" seryosong sabi ni Yoongi hyung.

"Eh hindi ba dapat susurprise ka ni Nayeon noon pero iniwa—" tssk.

"Hindi naman siya iiwan ni V hyung kung hindi siya nag cheat, hyung! Ang kulit ng labi mo!" Sigaw sa kanya ni maknae. Natawa naman ako. Nag cheat din kasi sa kanya si Tzuyu na kamember naman ni Nayeon.

Yes, ex ko si Nayeon ng Twice. Pero trainee palang ako noon. Trainee palang rin siya nung mga panahong nagdedate kami at nakikipag kita sa isa't isa. Kaya lang naman ako nakipag break sa kanya eh kasi nalaman ko sa mga co-trainee niya noon na nakikipag date siya sa isang trainee din. Hindi ako naniwala noon pero ako na mismo nakakita. Kaya to hurt her too, nakipag break ako sa kanya nung day na may surprise event siya para sakin.

Nung nag debut ako, natigil siya sa pangungulit sakin since nag iba ako ng number. Then nung nag debut siya, syempre nakikita namin ang isa't isa and dun na siya ulit nagsimula sa pangungulit sakin. Hindi ko siya iniiwasan dahil nga gusto kong ipakita kung sino sinayang niya not until joohyun came. Iniwasan ko lahat ng babae na nashiship at nagkakagusto sakin.

I need to work with her noon for Mc. Nagkasama kami noon palabas ng Kbs, saktong umulan kaya pinasakay ko nalang muna siya sa sasakyan ko. People thought na kami ni Nayeon dahil doon kaya umiwas ako then akala nila nag break kami. Right after that news about break thingy, sumunod na issue yung kay jennie na inaaya ko nga daw ng date. Nakakaurat minsan maging Idol eh. Lahat hinahanapan ng mali.

"Eh bakit nga ayaw mo kay Nayeon magpatulong? Affected parin?" Tanong ni Hoseok hyung.

"Para naman maipakita mo narin sa kanya na may mahal ka nang iba. Edi titigil siya sa pangungulit sayo hindi ba?" Sabat pa ni jimin hyung.

Kaya wala na kong nagawa. Kay nayeon na ko hihingi ng tulong para sa anni—

Nayeon's calling..

[ It's you ] • ft Bts V & Red Velvet Irene •Where stories live. Discover now