30

139 4 0
                                    


Kim Taehyung's Pov -

"Akala ko hindi ka papayag na mag special mc kasi ako yung kapartner mo" nakangising sabi ni jennie. Hindi ako sumagot. Iniisip ko parin si Irene. Tangina. Tanga tanga ko kasi. Good bye stage pala nila ngayon! Tapos hindi ko alam? Tangina talaga. Hindi ko pa naman nasabi sa kanya yung about sa pag mmc ko. At ang malala pa, nakita niya kami ni jennie kanina sa parking lot na ganon ang posisyon.

"Una na ko, jennie-ssi" hindi ko na siya hinintay sumagot at tumakbo na ko papuntang sasakyan ko. Tintext ako ni Jin hyung. Nandun daw sa dorm yung Red velvet para mag celebrate ng 6'th win nila.

Pagkadating ko sa dorm, hindi naman nila ako napansin. I looked at Irene na busy sa phone niya at panay pa ang ngiti. Naisip ko yung kaninang ginawa ni Hoshi sa kanya at hindi ako natuwa doon. Talagang hindi.

"V hyung!" Lahat sila napatingin sakin including Red velvet. Sila Seulgi na masama ang tingin sakin at dahil siguro 'yon sa nakita nila kanina sa parking lot. Ewan ko ba dun kay jennie. Siguro sinasadya niyang maout of balance talaga at sakin pa bumagsak kaya napahawak ako sa may bewang niya. Inalis ko naman agad yun dahil nga ayoko na ng issue pero sure ako na may lalabas na naman na balita nyan at article about samin.

"Congrats, Red velvet" nakangiting bati ko sa kanila. Tinignan lang nila ko habang si Irene hindi manlang tumitingin sakin at busy parin sa phone niya kaya lalo akong nakaramdam ng inis kahit alam kong siya dapat ang mas magalit sakin.

"Uhh.. kain na tayo dun. Nakahanda na yung niluto ni Jin hyung" biglang aya ni Namjoon hyung. Nakahalata narin siguro siya. Inaya nila ang girls, naiwan kami ni Irene dito sa salas. Busy parin siya sa phone niya at hindi parin ako tinitignan.

Tumayo siya but I held her wrist. She looked at me. Napaka lamig ng mga tingin niya. Damn. "What?" I couldn't see any expression in her.

"Hindi ba sabi ko wag na wag kang makikipag interact sa mga boy group lalong lalo na kay hoshi?" Seryoso na ko. Naiinis narin kasi ako. She smirked saka inalis ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Kahit wala akong sinabi, diba dapat alam mo na kung sinong dapat iwasan mo?" Alam ko ang tinutukoy niya. Yayakapin ko na sana siya pero umiwas siya.

"Okay lang mag mc ka, V. Okay lang nga rin na nalaman kong nag Mc ka pero hindi mo sinabi sakin eh. Pero ang hindi okay? Ay yung hindi mo sabihin sakin na si jennie ang makakasama mo. Bakit di mo sinabi sakin? Anong meron sa inyo?" Nag crack na yung boses niya. Paiyak na siya kaya lalo na kong nainis sa sarili ko. Putangina kasi, taehyung!

"Sabi mo V, dapat sayo lang ako maniniwala. Naniniwala naman ako sayo eh. Pero paano 'yan? Kung ikaw mismo nagtatago at nagsisinungaling sakin? Dapat ba kong maniwala sayo pag ganon?" Nakita kong tumulo ang luha niya. Napayukom ang kamao ko. Nasaktan ko si Irene.

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa pinunasan niya ang pisngi niya at lumabas.

Kim Yerim's Pov -

Mukhang nakaramdam na sila oppa kung anong nangyayari kaya bigla kaming inaya ni Namjoon oppa para kumain. Pagdating sa dining area, naupo lang kami at hinintay magusap si V oppa saka si Irene unnie. Hindi ako naiinis kay Oppa. Sure naman akong may dahilan siya kung bakit hindi niya sinabi kay Irene unnie yung about sa Mc saka yung nakita namin kanina sa parking lot. Kasi kung titignan, mas may something 'tong si jennie sumbae kay V oppa. Yung way palang niya mag salita nun sa interview about kay oppa, iba na eh. Babae ako. Alam ko 'yon no.

"Dahil ba yan sa hindi pagsasabi ni V kay Irene na mag mmc siya at si jennie kasama niya?" Tanong samin ni yoongi oppa.

"Hindi lang 'yon, oppa. Nakita kasi namin si V oppa saka si jennie sumbae kanina sa parking lot. Hawak hawak ni V oppa yung bewang ni jennie sumbae. Mukha ngang nakita rin ni Irene unnie." Paliwanag ni joy unnie.

"Hawak ni V yung bewang ni jennie?" Nagtatakakang tanong ni jimin oppa. Tumango kami. Umiling naman 'tong si jungkookie.

"Sure naman akong may dahilan kung bakit nangyari 'yon. Si jennie naman talaga ang may gusto kay V hyung eh. Magaling lang talaga siya gumawa ng istorya at magpaniwala ng mga tao" halata na sa boses niya ang pagkainis. Sabi ko na eh. Si jennie sumbae talaga ang may something kay oppa.

"Siguradong may lalabas na naman na balita or article about sa nangyari kay V at jennie kanina. Sure 'yan" sabi ni Hobi oppa. Aasahan na namin 'yan.

"Kung hindi man nila maayos yan ngayon, sabihin niyo nalang kay Irene yung sinabi namin sa inyo." Tumango naman kami sa sinabi ni Jin oppa.

"Kakausapin namin si V mamaya" sabi rin ni Namjoon oppa na nakatingin kila unnie kaya sabay sabay kaming napatingin sa dalawa. Nakita naming nag walk out na si Irene unnie at lumabas. Nagkatinginan kaming lahat. Sinenyasan na kami nila oppa na sundan na si Irene unnie. Masaya dapat kami ngayong araw eh.

[ It's you ] • ft Bts V & Red Velvet Irene •Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα