26

110 3 0
                                    



"Manager-nim, ano pong schedule namin ngayon?" Inaantok na tanong ni Wendy. 2 weeks narin since nakauwi kami galing Nami Island. Pagkauwing pagkauwi namin, tambak agad ng sched yung bangtan kaya di na namin sila gaano nakikita sa ent. Minsan nalang pero mabilis at sandali pa.

"Practice lang kayo today, girls. Next week may performance kayo sa Music bank. Good bye stage niyo na 'yon." Good bye stage na namin agad sa DumbDumb. Naka 5 wins naman and not bad para samin na rookie.

At ayon, sinabi na ni Manager-nim yung magiging schedule namin bukas. Puro photoshoot at guesting. May tv show kaming pag ge-guest-an bukas, kasama namin sila Black pink sumbae. Omg!

"Mag-ayos na kayo girls. Pupunta na tayong Bighit." Sabi ni manager-nim kaya tumango na kami saka nagkanya-kanyan ayos na ng sarili at ng gamit.

"Unnie kailan daw balik ng bangtan?" Tanong ni Seulgi out of nowhere kaya napatingin ako sa kanya habang nakangiti ng nakakaloko.

"Wae? May namimiss ka ba?" Syempre, si jimin lang naman ang tinutukoy ko. Wala kasing nangungulit sa kanya this past few days. Nakasanayan kaya hinahanap na tuloy.

Umiling siya pero kita ko ang pamumula ng pisngi niya, "bakit ka namumula unnie?" Pangaasar sa kanya ng maknae line. Hinampas niya yung dalawa kaya kami tawa lang ng tawa.

"Busy pa daw sila eh. Hindi pa alam kung kailan sila babalik dito sa seoul." Sabi ni Wendy. Nasa japan kasi sila for some matters. May mga kumukuha narin kasi sa kanila para mag endorse. Hays nakakaproud.

"Bakit mo naman alam yan ha, wendy-ah?" Paano naman niya nalaman eh si V nga hindi nasasabi sakin 'yon eh.

"Si Jhope na madaldal, unnie. Sino pa ba?" Speaking of Jhope, hindi siya agad nakabalik non dahil sa pagkakalaglag nila ni Wendy sa hagdan. But days after naman, nakasama na siya sa schedule and okay naman na siya.

"Tara na mga unnie ang daldal niyo" sabi ng maknae namin kaya inakbayan na namin siya saka na dumiresto sa sasakyan.

Nakatingin lang ako sa phone ko. Break time namin since malapit narin naman mag lunch at nag order na si Manager-nim ng kakainin namin.

"Hindi pa nagtetext si V oppa?" Napatingin ako kay yeri. Tumango ako.

"Baka nagpapamiss lang unnie" sabi ni Joy. Well, effective yung pagpapamiss niya ha. Hindi ko na nga siya nakikita, di pa man niya ko magawang itext manlang or call. :(

"Speaking of V, unnie. Kailan mo sasabihin kay manager-nim yung about sa inyo ni V?" Tanong Wendy.

"Sabihin ang alin, Irene-ah?" Eto na nga ba ang sinasabi ko.

Kim Taehyung's Pov -

"V tara na!" Aya sakin ni Jin hyung. Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit, pabalik na kasi kami sa korea after ng sandamakmak na shoot namin para sa napaka raming endorsement. At sa wakas, makikita ko na si Irene.

"V, halika nga muna dito." Sabi ni manager-nim kaya lumapit ako. Paalis narin naman kami.

"Next week, mag special mc ka sa Music Bank. Kapartner mo si Jennie ng Black pink." Great. Bakit si jennie pa?

Nakita kong nakatingin na sakin yung anim. "B-bakit ako pa, manager-nim? Pwede po bang wag na ako kuhanin niyo?" Ayokong maissue na naman kay jennie. Lalo na ngayon na nandyan na si Irene. Ayokong nagseselos siya.

"Bakit naman hindi ikaw? Saka bakit ayaw mo, V? Alam mo namang hindi tayo pwedeng tumanggi sa mga ganyan, hindi ba?" Oo, hindi kami pwedeng tumanggi since para samin rin naman 'yon.

Kakausapin ko nalang muna si Irene.

"Pag-iisipan ko nalang po muna, manager-nim." Sabi ko kaya tumango siya at inaya na kami palabas ng hotel na pinag stay-an namin.

Umakbay sakin si jimin hyung saka si maknae. "Paano yan?" Sabay nilang tanong. Nagkibit balikat ako.

-

Late narin nang makauwi kami at makabalik. Pag uwi namin, nagpaalam ako na may pupuntahan lang. alam ng members ko kung saan ako pupunta. Iisang babae lang naman ang inuuwian ko.

"V" bungad sakin ni noona pagkadating ko sa dorm ng red velvet. Pinapasok niya ko saka pinaupo sa sofa.

"Gusto sana kitang makausap" seryosong sabi niya.

"About sayo, sa inyo ni Irene" pagpapatuloy niya. Napalunok naman ako ng wala sa oras. Alam na kaya ni noona?

"Irene told me about your relationship and.."

"Wala naman akong karapatan na bawalan kayo diba? Kasi, puso niyo 'yan. I already talk to her about this kaya ikaw naman ang kakausapin ko. Please, as soon as possible sabihin mo yan sa manager mo. Mag iingat ka, mag iingat kayo ni Irene lalo na ngayong mainit ang mata sa kanila ng mga tao because rookie palang sila." Ngumiti ako saka tumango.

"Oo naman noona. Mag iingat ako. Iingatan ko si Irene para sa career naming dalawa." Nakangiting sabi ko. Ngumiti siya and tapped my shoulder.

"Nandoon siya sa kwarto niya. Kanina ka pa hinihintay non, hindi naman niya alam na ngayon ang balik niyo." Nakangising sabi niya.

Nagpaalam ako at umakyat para puntahan siya.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto niya and there, nakita ko siyang nakahiga sa kama at nakatalikod mula sakin. Busy sa phone. Naglakad ako ng marahan papunta sa kanya. Nakita kong nagaabang siya ng message mula sakin. Ngumisi ako ng tahimik.

"I missed you, baby." Bulong ko sa tenga niya and hugged her from the back. Kahit hindi ko nakita, alam at ramdam kong nagulat siya. Hinarap ko siya sakin.

"Bakit hindi ka manlang—" malungkot ang boses niya, ayokong naririnig na malungkot siya kaya i gave her smack on her lips and hugged her so tight.

"I'm sorry. Gusto kasi kitang isurprise eh. And eto na, i'm here. Surprise baby." Nakangising sabi ko. Narinig ko naman na tumawa siya kaya humarap ako sa kanya.

"Sorry ha? Sobrang busy talaga, hindi kita masyadong natetext or call. Babawi nalang ako, babe. I love you." Seryosong sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya. She smiled at niyakap ako. Naisip ko tuloy yung sa mc. Sasabihin ko ba sa kanya 'yon?

"I love you, taehyung." Bulong niya. Ayokong sirain yung moment namin kaya mas pinili kong manahimik. Lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.

"I'm sleepy" bulong niya. I kissed her forehead.

"Go and sleep. Dito lang ako." Tumingin siya sakin.

"Diba dapat matulog ka narin at magpahinga? Pagod ka hindi ba?" Tanong niya. I smiled.

"Wala na yung pagod ko. Nakita na kita eh." Nakangiting sabi ko. Hinampas naman niya ko kaya natawa ako.

"Sleep with me tonight, taehyung." She said out of the blue. Hindi ako sumagot. Kasi kahit hindi niya sabihin, ay gagawin ko parin.

-

Nakakakilig na fake convo ng Vrene is in the multi media! :)) Credits to the owner! Kinilig ako and sana kiligin rin kayo :---)

[ It's you ] • ft Bts V & Red Velvet Irene •Where stories live. Discover now