16

114 4 0
                                    


"Unnie~~" nagising naman ako agad nung marinig ko ang paghikbi ni Yeri. Dahan dahan kong minulat yung mata ko. Puti agad nakita ko kaya alam kong nasa ospital ako. Naalala ko yung nangyari kanina.

"Fainting is usually caused by a lack of oxygen in the brain. She fainted because of dehydration, low blood pressure, and tiredness. Let her rest, feed her healthy foods specially she's a Idol." Paliwanag ng Doctor. Yumuko at nagpasalamat sila sa kanya.

"Wag ka na umiyak maknae. Okay naman na ko eh." Pinunasan ko pisngi ni Yeri na basang basa dahil sa luha. Yung tatlo naman nasa kabilang side ko na halatang alalang alala.

"Okay na ko." Ngumiti ako sa kanila tas eto naman, niyakap ako.

"Irene-ah, kamusta pakiramdam mo" nanlaki naman agad mata ko ng makita ang Bts sa harapan ko. Hindi ko kasi sila agad napansin kanina.

"Oppa, bakit nandito kayo? Diba busy kayo?" Tanong ko. Lumapit naman sakin si V.

"Kamusta pakiramdam mo? Nahihilo ka parin ba?" Halata sa mata niya ang pag-aalala. Tumango ako saka ngumiti.

"Okay na nga ako, V. Salamat." Sagot ko. Nakatingin parin siya sakin na parang ayaw maniwala sa sinabi ko.

"Nabigla kayo sa naging busy schedule niyo. Hindi sanay ang katawan niyo sa biglaang pagod kaya ganun. At napag desisyunan ni Bang-pd na after ng debut ng Red velvet, pag bakasyunin sila agad." Sabi ni Manager-nim.

"Talaga Manager-nim?" Nagningning naman bigla ang mata nung apat. Ngumisi si Manager-nim saka tumango kaya nagtatalon yung apat.

"Saan daw yun noona?" Tanong ni Jungkook.

"Nami Island. Sagot ng Bighit yung expenses." Waaah omg!! Bakasyon na libre? Seryosooo?

"SASAMA KAMI" sabay sabay na sabi ng Bangtan. Napatingin naman si Manager-nim sa kanila.

"Wag niyo sakin sabihan yan, boys. Sa manager niyo dapat saka kay Pd-nim." Sabi niya saka lumabas ng kwarto. Tumingin naman ako kay V nung bigla niyang hawakan yung kamay ko.

"Nagugutom ka ba? Kahit naman hindi ka nagugutom kailangan mo parin kumain. Eto, bumili kami ng pagkain. Kumain ka na." Tinitignan ko lang siya.

"Ehem!" Mukang natauhan si V at narealized na kasama namin ang members ko at members niya.

"Producer ka pa ba nyan, oppa?" Pang aasar ni yeri sa kanya.

"Selos ka naman. Hays eto na yeri ko kain ka narin oh. Binilhan din kita syempre ikaw pa ba." Sabi ni kookie saka kinuha yung pagkain para ibigay kay yeri. Napangisi naman kami ni V sa kinilos ni Jungkook. Mukhang nakaka move on na siya kay IU sumbae ah?

"Ayaw ko nga sabi eh! Kulit mong pandak ka no!" Ayun na nga. Nag aaway na naman si jimin saka si seulgi.

"Seulgiii ko naman ehh! Kain ka na!" Malay ko ba dyan kay jimin kung seryoso or trip lang si seulgi. May Momo siya hindi ba? Twice sumbae. Remember?

"Makulit ka pa sa makulit! Ayaw ko sabiii! Umalis ka nga sa harapan ko at naaalibadbaran ako sa pagmumuka mo!" Nilayuan siya ni seulgi pero si jimin ayon, parang buntot na sunod ng sunod kay seulgi hahahahhahahaha!

"Hindi ako naiingit, hoseok. Umalis ka nga dyan!" Isa pa 'tong si Wendy saka si Hoseok. Eto kasing si Hoseok magaling lang mang-asar eh!

"Hindi ka naiinggit? Saka choosy ka pa pogi saka talented na lumalapit sayo!" Sabi ni hoseok.

"Talented lang, bugok!" Si Yoongi yan na mukhang irita narin sa pagmumuka ni Hoseok hahahahhaha!

"Hyung naman! Pogi ako diba pogi ako? Hyungieee~" and he even started doing aegyo sa harapan ni Yoongi kaya hinampas siya ng empty bottle ni oppa kaya kami, halagpak ng tawa.

Bigla naman kaming natahimik at tumingin kay yeri, jungkook, namjoonie saka joy na busy na sa pagkain.

"Para kay Irene talaga yan mga bata. Mga timawa kayo. Wag kayo mag-alala, magluluto ako mamaya at sabay sabay tayong kakain dito ha." Sabi ni jin oppa kaya natawa ko.

"Okay lang oppa. Hindi naman kasi ako gutom—"

"Say ahhh~" napangitin ako kay V na may hawak ng piece ng mansanas. Naalala ko nung sinubuan ko siya ng fries na kahit mukhanh ayaw niya eh sinubo niya parin kaya ganun din ginawa ko.

"That's my girl" nasamid naman ako sa sinabi niya habang silang lahat, ayon busy na sa kakaasar dahil sa sinabi ni V. Hay! Ano ba naman kasi yan!

"Mukang may magaganap dito ha" sabay sabay nila sabi. Tssk. Mga buang!

-///

[ It's you ] • ft Bts V & Red Velvet Irene •Where stories live. Discover now