27

114 5 0
                                    



Nahiga ulit ako sa kama after kong gawin yung morning routine ko, at nakatitig kay Taehyung. Oo, dito talaga siya natulog kagabi. Akala ko nga hindi siya matutulog dito since hindi naman siya sumagot nung sinabi kong matulog siya dito. Ano ba yan ang dami kong sinabi.

Ang sarap gumising sa umaga tapos siya yung bubungad.

Ayoko siyang gisingin dahil alam ko namang pagod siya. Sobra.

"I love you" bulong ko saka siya hinalikan sa noo at bumaba. Naabutan ko ang members kong nag aalmusal na, tumingin sila sakin saka ngumiti ng nakakaloko. Eto na naman sila.

"Dito daw natulog si V, sabi ni manager-nim" nakangising sabi ni seulgi. Tinaasan ko siya ng kilay.

"So? Gusto mo sa kwarto mo ko patulugin ni jimin?" Masungit na sabi ko.

"Wag ka ngang masungit unnie. Maganda gising mo, diba?" Taas baba ang kilay ni sooyoung na parang may ibang pinaparating sakin. Hinampas ko siya.

"Walang nangyari. Mga bugok ba kayo?" Tanong ko at mukha naman nadisappoint sila sa sinabi ko.

"Ay wala ba? Akala ko naman unnie meron! Blooming ka kasi— aw! Unnie naman eh!" Reklamo ni yeri nung hinampas ko rin siya.

"Syempre wala! Jusko ang dudumi ng isip niyo. Epekto ba yan ng pagkamiss sa bangtan?" Nakangising tanong ko.

"Yo people!" Speaking of bangtan, nandito na sila.

"May hinahanap kasi kaming 4D alien na nag-ngangalang Kim taehyung. Baka naligaw sa kwarto mo, Bae Joohyun?" Nakangising tanong sakin ni jimin. Sasagot pa sana ko pero ayon, lumapit na siya kay Seulgi.

"Bahala kayo dyan manunuod nalang ako dito." Rinig kong sabi ni yoongi. Si jin oppa naman ayun umupo na at nagsimulang kumain. Kapal ng face.

"Luh hyung lipat mo! Pangit kaya ng spongebob!" Rinig kong reklamo ni kookie after niyang kulitin ang maknae namin.

"Pangit daw. Ikaw pangit." Simpleng sagot ni yoongi.

"Ih basta lipat mo. Naiinis ako dyan hyung! Bilis na!" Sigaw naman ng sigaw 'tong si kookie. Ang ingay! Buti nalang at wala pa dito si manager-nim.

"Naiinis ka kasi magkasing laki yung ilong mo saka ni squidward?" Nakangising tanong ni yoongi kaya halagpak sa tawa yung apat, kaming lahat i mean.

"Baby binubully nila kooo" mangiyak ngiyak siyang lumapit kay yeri.

"Malaki naman talaga ilong mo" masungit na sabi ni yeri saka umirap kay jungkook.

"Ingay" sabay sabay kaming napatingin sa hagdan kung saan nakatayo si V at busy parin sa pagkusot ng mga mata niya. Kahit messy hair ang pogii parin oh. Aigooo~ ang cute cute ng baby ko :'))

"Good morning, taehyung koo~" bati ko sa kanya. He looked at me and smiled saka siya lumapit sakin at binigyan ako ng morning kiss and hug.

"Landi" sabay na sabi ni hoseok at wendy na ngayon magkatabi na naman.

"Matutulog ka pala dito hindi mo manlang ako sinama. Elyen ka talaga" sabi ni jimin sa kanya. Nag smirk si taehyung sa kanya.

"Wala ka namang tutulugan dito. Hindi rin kita papatulugin sa kwarto ko no. Asa ka pa." Biglang sabi ni seulgi kaya napatingin kami sa kanya. Ngumisi si jimin saka siya tinignan.

[ It's you ] • ft Bts V & Red Velvet Irene •Where stories live. Discover now