20

126 4 0
                                    



"Hello, heaven!!" Magkasabay na sigaw ni namjoonie saka ni wendy pagkadating namin sa private resort kasi naman! Mukhang heaven talaga sa sobrang ganda! Omoo!

"Six rooms ang available. Kayo ng bahala kung sino gusto niyong makasama sa kwarto pero girls for girls and boys for boys." Paliwanag ng nagiisang leader ng bts na si namjoon. Magkaroom kami ni Seulgi habang yung tatlo ang magkakaroom. Ewan ko sa boys kung anong set up ginawa nila.

"Unnie tara na baba na tayo. Nagluluto na si jin oppa tulungan mo na para makakakin na tayo agad." Hinila naman ako agad ni seulgi pababa. Tss isa pa 'tong timawa eh.

Pagkababa, naabutan namin dun ang members ko pati narin ang members ng Bts except kay Jin oppa na nagluluto na nga pala sa kusina kaya pinuntahan ko siya saka tinulungan.

After namin kumain, nagpasya kami sa magpahinga na agad dahil bukas sure akong pagod na pagod kami.

-

"Good morning, noona! Gising na ba si yeri?" Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto namin ni seulmin, maknae ng bangtan ang bumungad sakin.

"Hindi siya dito nakaroom" nakasimangot kong sabi.

"Eh saan pala noona?" Tinignan ko siya. Mukha namang hindi trip netong si kookie ang maknae namin kaya tinuro ko kwarto nila yeri. Bakit ba kasi sakin lagi hinahanap members ko porket ako leader?

Wala pang gising bukod sakin at kay jungkook na hinahanap agad ang maknae namin. Dahil bored ako, nag decide ako na ako nalang ulit ang magluluto ng breakfast namin. Simpleng bacon, egg, ham, hotdog saka fried rice lang ginawa ko. Nagbukas rin ako ng home made kimchi na pinadala samin ni Manager-nim saka tinimpla ng gatas ang members ko.

"Ikaw ulit mag luluto?" Napatalon ako sa gulat nung biglang marinig ko ang malalim na boses na 'yon.

"Gising ka na pala, V" sabi ko. Ngumisi siya saka umupo sa harapan ng counter table.

"Wait na natin sila ha? Magigising narin yung mga 'yon." Pagpapatuloy ko habang inaayos yung lamesang pagkakainan namin. Hindi naman nasagot si V kaya napatingin ako sa kanya na busy pala sa pagtitig sakin. Agad akong napaiwas ng tingin. B-bakit ba kasi ganun mga kilos niya?

"Mine" bulong niya pero sapat na para marinig ko. Ngumisi siya saka kumindat sakin. Naeelyen na naman ba 'tong si V? Pero sabagay, lagi naman kaya wala ng bago 'don.

"Wow hotdog!" Sabi ni Wendy pagkadating nila sa harapan ng dining table. Rinig ko ang pag ngisi ni Hoseok. Aasarin na naman nyan si Wendy sure ako.

"So mahilig ka pala sa hotdog?" Husky yung boses ni hoseok. Kay V siguro bagay 'yung mga ganyan pero jusmiyo hoseok.

Tinignan siya ng masama ni wendy,"Oo, mahilig ako sa hotdog. And if you're gonna ask me kung want ko ba nyang hotdog mo, no way. Meat hotdogs lang ang hilig ko, not chicken hotdogs." Seryosong sabi sa kanya ni Wendy. Humalagpak naman sa pagtawa ang maknae line ng bts. Hindi ko gets. Nagets niyo?

"Slow" nakangising sabi ni jimin. Napailing nalang ako.

"Jungkook tawagin mo na sila jin oppa para makakain na tayo" utos ko kay jungkook. Hindi naman siya sumagot saka na dumiretso sa taas. Nandito na sila bukod kay Jin oppa saka yoongi.

"Hindi mo ko ginising. Natulungan sana kita" bungad ni jin oppa habang kinukusot pa ang mga mata niya. Umiling ako.

"Okay na 'yon oppa. Kumain na tayo" sabi ko. Napuno ng kwentuhan at tawanan ang breakfast time namin. Napaka saya talaga nilang kasama.

"So anong balak natin ngayong araw?" Inaantok na tanong ni yoongi. Nandito kaming lahat sa salas maliban kay wendy, hoseok, jin oppa saka joy na nag uurong ng pinagkainan namin. Maluwag at malawak ang rest house kaya naman enjoy na enjoy namin.

"Pwede bang magpahinga nalang muna tayo whole day tapos bukas na swimming?" Tanong ni namjoon. Pumayag naman kaming lahat since ayun naman talaga ang pinunta namin dito, pahinga.

"Mag movie marathon tayo" sabi ni jimin saka tumingin ng pwedeng mapanuod namin.

"Yung maayos jimin hyung. Hindi porn" pangre-realtalk sa kanya ni V. Lahat kami natawa.

"Horror nalang para may thrill" nakangising sabi niya. Wala namang umangal kahit takot ako.

Para daw mas may thrill, binaba ng boys ang kurtina na siyang nagbibigay ng liwanag sa buong rest house. Nagpatay din sila ng mga ilaw kaya tanging ilaw mula sa tv ang liwanag namin ngayon. Kanya kanyang pwesto ang boys habang ako, nasa tabi ni V.

"Hobi hyung kuha ka munang pagkain, please?" Rinig kong pakiusap ng maknae nila. Binalibag naman siya ng unan ni hoseok. Duwag.

Nasa kalagitnaan kami ng panunuod nung biglang may kumatok sa pintuan. Nagulat kaming mga girls kaya yung pito tawa ng tawa. Tssk. Dahil malapit ako sa may pintuan, ako na ang tumayo para buksan 'yon.

"Sino—" napataas ang kilay ko ng makita siya sa harapan ko. Ano namang ginagawa niya dito? Hanggang dito ba naman?

"Surprise, bae" nakangising sabi niya saka kumindat. Pag si V ang kumikindat sakin, kinikilig ako. Pero kapag etong kapatid niya, walang epekto sakin. Nakakadiri pa.

----/

[ It's you ] • ft Bts V & Red Velvet Irene •Where stories live. Discover now