07

166 5 1
                                    



Medyo maayos na yung paa ko and thanks God kasi ngayon na yung araw na magpeperform kami sa harapan ni Mr. Bang at ng Bts. At dahil alam naming mahal ng Bangtan ang Twice, Ohh-ahh yung kinuha naming kanta nila since alam naman na namin yung steps nun. Kasalukuyan kaming nasa dance studio ng Bts. Ewan ko, nasanay na kami na dito pumunta at dito rin kasi kami pinapadiretso nila oppa.

"Noona, sila yung mga bagong trainee na aayusan niyo." Narinig ko si V kaya napatingin kami sa pinto at sakto, pumasok siya na may kasamang mga stylist.

"Arraso, taehyung-ah" ngumiti sa kanya yung isang stylist at hinawakan pa siya sa braso niya. Tssk. Hindi ba alam nitong sakin lang si V? Nakasimangot tuloy ako hanggang sa makalapit sakin yung mag aayos sakin.

"A-annyeonghaseyo" bati ko kay stylist unnie. Mabuti nalang at hindi yung isa yung mag aayos sakin.

"Kagandang bata" puri niya kaya ngumisi ako at yumuko.

"K-kamsahamnida, unnie" unnie kase syempre halata namang mas matanda siya sakin. Ngumiti siya saka ako simulang ayusan. Grabe, parang dati pangarap ko lang makapunta ng Bighit para mag audition pero ngayon nandito na ko. Inaayusan as Bighit's new trainee.

Tumingin ako sa apat na mukang hindi rin makapaniwala sa nangyayari. Trainee palang kami pero sobra na kami magpasalamat kase may chance na kami mag debut at mag perform sa stage kagaya ng pinapangarap namin noon. Napagusapan nga namin na kahit hindi kami magkakasama mag debut, ayos lang. Mag sstay kaming magkakaibigan.

"Kamusta pilay mo, Bae Joohyun?" Napatalon naman ako sa gulat kaya nakalat yung mascara na nilalagay ni unnie. Tumawa ng malakas ang nag iisang Kim Taehyung kaya natawa rin si unnie saka inayos yung mata ko.

"A-ayos naman na V. Hehe" nakita kong nakatingin yung stylist na kung makalingkis sa elyen ko kanina wagas at guess what? Nakataas kilay niya. Selos?

"Glad to hear that. Anyways, good luck mamaya sa performance niyo ha? Don't break your leg again." Paalala niya sakin saka ginulo yung buhok ko. Ang sama na ng tingin sakin nung stylist anubayan. Nakita ko naman yung apat na nakangiti ng nakakaloko sakin. Para silang ewan. Inaasar nila ko kay V eh alam naman nilang bias ko 'to at normal lang na kiligin ako sa kanya! Diba?

"SEULGI-AH~" eto na naman si Jimin kaya matic nang sumimangot si Seulgi pagkapasok ni Jimin at ng Bts. Hahahaha. Binati namin sila sa yumuko, ganun din naman ginawa nila.

"Good luck mamaya ah?" Sabi ni Hobii kaya ngumiti kami at nagpasalamat.

"Excited na kong makita kayong magperform lalo na yung crush ni Bw—" agad namang tinakpan ni V yung bibig ni Jin oppa. Mwoyah?

"Hehe" ngumiti ng parectangle si V saka pinaghahampas si Jin oppa. Kyeptaa~

"Napaka dali nilang ayusan no, stylist noona?" Tanong ng maknae na si Jungkook. Sabay sabay tumango sila unnie.

"Magaganda na kasi eh" sabi ni kookie habang nakatingin kay.. syempre. Maknae namin ang punterya nyan. Para parehas maknae hahahahahahahhahah!

"Hoy maknae 'yang mata mo sasaksakin ko yan!" Sigaw ni Hobi na mukang napansin din yung pagtingin ni jungkookie kay Yerim.

"Ano ba hyung epal ka naman eh!" At ayon na nga, nagsimula na silang mag asaran dalawa. Aigoo. Habang eto namang si Jimin busy sa pang aasar kay Seulgi. Si V at Jin oppa hindi parin tapos sa pag aasaran. Si Yoongi naman busy sa pag phone habang si Namjoonieee ayun kumakain. Mga mahal kong Bangtan.

"Next na kayo, joohyun-ah" sabi ng isang staff kaya tumango ako. Hinawakan ko yung kamay nilang apat. Tumingin kami sa isa't isa, eto na 'yon. Mapapakita na namin kung anong meron kami.

"Fighting!" V mouthed. Ngumiti ako saka tumango.

* starts playing Ohh-ahh by Twice *

Kim Taehyung's Pov -


After magperform nila Joohyun, halatang humanga sila hyung, yung staffs, yung ibang trainees at si Bang-pd. To vocals, rappers, and dancers and even visuals! Grabe! Complete package na sila. Daebak!

"Hyung pinapatawag tayo ni Bang-pd tara na!" Nandito kasi kami sa dance studio namin. Tumango ako saka tumayo mula sa pagkakaupo ko.

"Boys, maupo kayo" ayan agad ang sinabi niya pagkapasok namin sa office niya kami naman umupo syempre.

"I want to release a new group." Nagkatinginan kami. Sure ba siyang gusto niya ulit nag release ng boy group? Ayaw ba ni bang-pd sa babae? Hays.

"Girl group to be exact." Tumingin sakin si Pd-nim.

"Bukas magkakaron ng photoshoot yung mga napili kong trainees para irelease at ipakilala bilang bagong trainee ng Bighit at yung mga mapipili ko, ay sila rin ang mga posibleng magiging member ng bagong girl group na irerelease natin. Red velvet" ngumiti samin si Pd-nim. Hindi kaya?

"Yung mga trainees na kinuha niyo, kasama sila sa mga gusto kong irelease at ipakilalang mga bagong trainee since I saw potential on them to vocals, rappers, dancers and even visuals. Minsan lang ako makakita ng ganun and sure akong may kukuha pa sa kanilang entertainment since naging viral na yung video na nilabas natin habang nagpeperform sila and I don't want that to happen so that, I want them to know that the five girls are mine. They'll debut under this Entertainment." Paliwanag niya. Yes, she's mine.

"And V.." napatingin ako kay Pd-nim. Bakit bigla akong kinabahan?

"I want you to be the producer of our new girl group, Red velvet. Is that okay with you and with other members?" Tumingin si Pd-nim kila hyung. Sila hyung naman todo tango lalong lalo na si jimin hyung saka si jungkook. Is that okay with me?



-///

[ It's you ] • ft Bts V & Red Velvet Irene •Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt