54

117 5 0
                                    


"Happy birthday, Taehyungiee~" pansamantalang nawala ang lungkot na nararamdaman ko nang sinalubong ako ng anim na lalakeng ilang taon ko ng kasama para icelebrate 'tong araw na 'to. Matagal na at maraming beses na pero palagi parin nila kong napapasaya kahit may dahilan para hindi maging masaya.

Today, I chose to be happy for them. Kahit ngayong araw lang, ipaparamdam ko sa kanilang okay ako kahit hindi. Alam kong sobrang naapektuhan sila kahit ang Rv sa kinikilos ko.

"Happy birthday to you~ happy birthday to you~ happy birthday our love taehyungieee~ happy birthday to you~" pag kanta nila habang pumapalakpak. May hawak hawak din na cake si Jin hyung.

"Wish muna bago mag blow~" pag papaalala sakin ni joonie hyung. Ngumisi ako bago ipikit ang mga mata ko.

"Please, let me see Irene again. Please, let me hold my child kahit sandali lang.." I held back my tears sa naisip ko na 'yon. I blow that candles kaya todo palakpak na naman sila.

"Dahil mamayang gabi na ang concert, dun tayo sa dome mag cecelebrate ng birthday mo V kaya mag bihis na kayo." Sabi ni yoongi hyung.

Agad naman akong naligo at nag bihis. Tangina kahit pilitin kong maging okay, hindi ko kaya. Bakit ang tamlay tamlay ko parin? Damn ayokong ipakita sa fans namin na ganto ako. Ayokong ipakita sa kanila na malungkot ako sa special na araw na 'to.

Pagkadating namin, as usual may mga fans na sa labas. Sa likod kami dumaan para hindi nila kami makita at pagkaguluhan. Pagkapasok namin, natawa ako. Talagang dinala nila dito yung party. Nandito rin pala ang Rv, kulang lang sila ng isang bibe. Ang tagal ko na siyang hinihintay, hinahanap. Kailan ba siya babalik?

"Taehyung-ah, bakit ka umiiyak?" Hindi ko alam kung inaasar ba ko netong si jimin hyung o ano.

"Aww~" rinig kong pang gagatong ng girls. Narinig ko ang pag tawa ni Hoseok hyung bago nila ako yakapin.

How I wish siya ang yumayakap sakin

"Happy birthday taehyungiee~" bati sakin ng Rv kaya nagpasalamat ako. Lahat ng tao na nandito binati ako kaya nag Mic na ko at nagpasalamat sa kanila. Abe naman kung iisa-isahin ko pa 'to baka mawalan na ko ng boses. Concert pa naman namin mamaya.

"Kainan na!!" Sigaw ni Jin hyung. Ang pinaka favorite niyang part pag may birthday party. Kainan.

"Boys wag masyadong kumain, concert niyo mamaya" paalala samin ni manager-nim kaya napatigil si jin hyung sa pagkain. Natawa naman kami.

"I'm happy seeing you smile, taehyung" napatingin ako kay Wendy. I smiled saka tumango.

"It's been awhile narin since nung last na nakita naming 'yang ngiti na yan oppa" napatingin ako kay yeri, akala ko iiyak na siya pero babahing lang pala. Humalagpak naman sa tawa si kookie kaya pinaghahampas siya ni yeri. Aigo, hindi parin sila nagbabago.

"You will be happy starting today" sabi nilang lahat. Kahit naguluhan ako, ngumiti nalang ako saka nagpatuloy sa pagkain ko.

After kumain, we spent the whole day practicing. Puro rehearsal ang ginawa namin and 3 hrs bago ang concert, nagpahinga na kami at umuwi ang Rv kasi magbibihis daw sila.

Napatingin ako sa bigscreen kung saan nandun ang picture naming lahat. Napangiti ako.

"Hindi ka dapat umalis, V. Hindi mo sila dapat iwanan." Sabi ko sa sarili ko. Tagal kong pinangarap tumayo sa stage, ipakita sa maraming tao kung anong meron ako, ang daming nagmamahal sakin, samin, ang dami pa naming pangarap na dapat matupad ng magkakasama, ang dami pa naming balak gawin as a group, bakit ko naisipang umalis? Will I be happy kung iwan ko 'to? I know hindi.

"I will stay.." bulong ko. Bigla naman akong may naramdaman na mabigat sa likod ko. Ayun si maknae at jimin hyung, nakasabit na sakin. Sabay na yumakap sakin ang ibang members ko.

"We started seven, we'll die seven" sabi ni hoseok hyung kaya medyo naluha ako. Nilahad ni Namjoon hyung yung kamay niya kaya pinatong ni jin hyung yung kamay niya, sumunod si maknae, si hoseok hyung, si jimin hyung, si yoongi hyung. Nakatingin silang lahat sakin kaya ngumisi ako bago ipatong ang kamay ko dun.

"1!2!3! Bangtan!" Sigaw namin bago tuluyang mag group hug.

I went here many years ago, I spent holidays with myself and thought I was alone but then I've learned we are seven, wearing shoes called Bangtan.

[ It's you ] • ft Bts V & Red Velvet Irene •Where stories live. Discover now