24

143 6 0
                                    



"Good morning noona! Gisingin mo na si V hyung ha kayo nalang wala sa baba." Si jungkook na naman ang bumungad sakin pagkalabas ko ng kwarto. Tumango ako saka pumunta sa kwarto nila na nasa harapan lang ng kwarto namin. Bago pumasok, napangiti naman ako at iniisip parin kung talaga bang pag mamay-ari ko na si Kim Taehyung ng Bts.

Pagkabukas ko, tumaas palahibo ko. Napaka lamig naman kasi sa kwarto nila! Mukang naka high yung aircon.

Sinara ko yung pinto at nakita ang lalakeng nag mamay-ari ng puso ko na nakahiga parin at balot na balot sa kumot. Ngumisi ako saka dahan-dahang lumapit sa kanya. Naupo ako sa tabi niya and stare at him.

"Are you even real, my love?" Mahinang tanong ko saka hinawi ang ilang buhok na nakaharang sa may bandang mata niya. Napaka pogi talaga ni V. Hays.

"I love you.." bulong ko sa kanya. Nagulat naman ako nang bigla niya kong hinila pahiga kaya nasa ibabaw ko siya. Ngumisi siya saka hinalikan ang noo ko.

"Good morning, joohyun ko. I love you too, babe." Nakangiting sabi niya kaya napangiti ako. Hinawi ko ang buhok niya.

"Mag morning routine ka na tapos—"

"Tapos exercise tayo, babe?" Tanong niya saka nag smirk. Hindi ako slow para hindi magets kung anong ibig niya sabihin 'don kaya kinagat ko ang braso niya na naharang sakin.

"Ang manyak mo! Kakain na tayo kaya alis na dyan." Tinabig ko siya pero di siya umaalis. Nakatingin lang siya sakin.

"Hindi naman ako nananaginip, diba? You're mine, right?" May pag aalala sa mga mata niya. Bakit ba parang siya pa yung hindi makapaniwala sa lahat ng nangyayari? Diba dapat ako 'yon? Kasi fan lang niya ko.

Tinignan ko siya sa mga mata niya. I cupped his face. "Kung nananaginip man tayo V? Ayoko nang gumising." Seryosong sabi ko. Tinignan niya yung labi ko. I smirk at dahan dahan siyang lumapit sakin para halikan ako.

"I love you. So much, bae joohyun. So much." He said with a husky voice between our kiss. Ngumiti ako at kahit hindi ko alam ay nag response ako sa mga halik niya and put my arms around his nape.

"I love you too, taehyung." First time ko siyang tinawag sa pangalan niya kaya napatingin siya sakin. Ngumiti siya at muling hinalikan ang mga labi ko.

"Ang tagal kong hinintay 'to alam mo ba 'yon?" Tanong niya. Hinihingal siya kaya ngumisi ako. Kinilabutan naman ako when he started kissing my jawline down to my neck. Aw shit.

"T-taehyung.." tawag ko sa kanya. Muka namang natauhan siya kaya umalis siya sa ibabaw ko.

"S-sorry, babe. Na-carried away—"

"Shh. There's nothing to be sorry okay?" Sabi ko at tumayo. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya patayo. My baby smiled saka hinalikan ang noo ko.

"I can't believe na nasakin ka na talaga." Seryoso na naman ang boses niya. I couldn't too.

Niyakap ko siya ng mahigpit at bumitaw din naman ako kaagad.

"Mag morning routine ka na, hihintayin na kita." Sabi ko saka na siya tinulak papuntang cr. Ngumisi siya saka na pumunta ng banyo.

"Shh. Wag kang maingay." Sabi ko sa sarili ko habang nakatapat ang usang kamay ko sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng tibok. Only Kim Taehyung could make me feel this way.

"Sorry jin oppa hindi kita natulungan magluto" kasalukuyan na kaming nag-uurong ni Jin oppa ngayon since kakatapos lang namin kumain.

"Okay lang 'yon. Ikaw ang nagluto kahapon kaya ako naman ngayon" napangisi naman ako nung bigla siyang kumindat.

[ It's you ] • ft Bts V & Red Velvet Irene •Where stories live. Discover now