25 (WenHope)

101 1 0
                                    



"Wendy unnie tara naaa!" Hinila hila naman ako ng maknae namin na si yeri. Mag siswimming daw kasi eh ayaw ko naman. Nakakatamad.

"Ayaw ko nga maknae. Kayo nalang." Tamad na sabi ko.

"Unnie ang kj mo! Last na kaya natin ngayon." Oo, uwi na kami mamayang madaling araw.

"Sige na susunod ako" sabi ko pero wala naman talaga kong balak sumunod.

"Sige unnie ah. Wait ka namin" saka na siya nagtatakbo palabas ng kwarto namin.

6:30 pm na, and mamaya 1 am yung flight namin pabalik sa seoul. Hindi ako magsiswimming, uupo nalang ako don sa pangpang malapit sa kanila.

Nagsuot ako ng white fit na crop top saka ripped black short tas nagpatong ako ng cardigan saka na bumaba at pumunta sa kanila.

"Wendddddyyy~" eto na naman yung nakakairitang boses ni Jhope. Walang araw na hindi ko siya naririnig. Nakakasawa!

"Hoseok sasapakin kita. Lumayo ka sakin." Masungit na sabi ko habang naglalakad papunta sa kanila. Akala ko ba ako nalang wala dun?

"Bakit ba napaka sungit mo sakin? Inaano ba kita?" Napatingin ako sa kanya. Wow. First time niya yatang mag seryoso ha.

"Inaano mo ba ko? Eh lagi mo kaya akong inaasar!" Sabi ko saka nag pout. Narinig ko naman ang paghalagpak ng tawa niya. Siraulo talaga.

"Cute mo talaga!" Sabi niya saka ako kinarga ng pa bride style saka nagtatakbo papunta sa kanila.

"ILAGLAG MO NA 'YAN HOSEOK!!!" Rinig kong sigaw nila. Mga hayop.

"HOSEEEOOOOK!!! SUBUKAN MO LANG AKO ITAPON SA TUBIG HIHIRAM KA NG MUKHA SA SEAHORSE—!" Ow great.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" tawang tawa naman sila nung bigla akong sinama ni Jhope sa tubig. Hindi naman niya ko hinagis, sinama niya lang talaga ko don.

"Sabi mo wag kang ihagis eh, kaya ganto nalang." Sabi niya saka ko binasa ulit. Nakisali naman yung apat pati 'yung boys sa pagbabasa sakin. Mga bully talaga.

"Napaka sama niyo kay Wendy" sabi ni Yoongi kaya napatingin kami sa kanya.

"Ganun talaga hyung. Deserve niya naman 'yon eh" nakangising sabi ni Jhope kaya hinila ko yung buhok niya saka siya pinagsasabunutan. Kabayo talaga siya.

Ilang oras din kaming nag stay don, at nag kwentuhan as usual. Nauna akong umahon at nag banlaw.

Nagbihis nalang ako ng simpleng croptop saka pants and hoodie. Pupunta nalang ako ulit dun kila Irene unnie—

"Ay kabayo! Ay! Ano ba hoseok!!!" Tili ko habang nakapikit pa pero siya ayun, halos mamatay na kakatawa. Why?! Ginulat lang naman niya ko habang naka suot ng maskara! Kung hindi talaga kulang kulang! Kainis!

"Walangya ka talaga—"

"Wendy!!" Hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari basta ang naramdaman ko lang ay ang pagkayakap sakin ni Jhope bago kami sabay na nalaglag at nagpagulong gulong sa hagdan.

"Damn.." bulong niya.

"Hobi hyung! Wendy noona!" Rinig kong sigaw ni Jungkook. Lumapit siya samin, kitang kita ko na nasasaktan si Jhope. Hindi ako masyadong nasaktan kasi nga yakap yakap niya ko.

"Anong nangyayari?" Nagaalalang lumapit sakin si Irene unnie saka ako inalalayan paupo sa couch. Nakahawak ako sa balakang ko.

"Ano ba kasing nangyari?" Nakapamewang na tanong ni Jin oppa. Tumingin ako kay Hoseok na hanggang ngayon nakahiga parin sa sahig. Shit. Ayaw ko na siyang sisihin.

"A-ako yung may kasalanan oppa. Hindi ko kasi napansin na nasa likod ko lang yung hagdan nung nag uusap kami ni hoseok tapos hinila niya ko saka niyakap and yun, sabay kaming naglaglag sa hagdan." Paliwanag ko. Nakita kong tumingin sakin si Jhope.

"Aigoo!" Tinulungan na ng boys si hobi na tumayo saka na siya dinala sa kwarto. Lumapit sakin yung apat.

"I know you're lying, unnie." Sabi ni Joy.

"Ano talagang nangyari?" Tanong ni seulgi.

"Yung totoo, wendy-ah" seryosong sabi ni Irene unnie.

"Totoo ha unnie ha" taas baba ang kilay ng maknae namin.

"Eh paano kasi, kasalanan naman talaga ni hoseok 'yon. Abe bigla niya kong ginulat while wearing a creepy face mask kaya ayon, syempre inaway ko na naman siya ng inaway and hindi ko naman napansin na nasa likod ko yung hagdan. He pulled me saka ano niyakap and ayon sabay kaming naglaglag sa hagdan." Paliwanag ko habang hawak hawak parin ang balakang ko.

"Naawa ka kay oppa kaya ka nag sinungaling 'no, unnie?" Nakangising tanong sakin ni yeri.

"Tama na yan. Tara na sa taas at hihilutin ko 'yan." Inalalayan naman ako nila Irene unnie paakyat sa kwarto. Uuwi nalang, magkakaganto pa. Dakilang maharot kasi si Hoseok eh! Tssk.

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.
[ It's you ] • ft Bts V & Red Velvet Irene •Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora