06

163 7 1
                                    



"Annyeonghaseyo, i'm Kang Seulgi—" kasalukuyan kaming nasa practice studio ng Bts. Dinala nila kaming lima dito kasi official trainee na daw kami ng Bighit. Hindi ko alam kung paano at bakit pero nagpapasalamat talaga kami ng marami. Lalo na kay V.

"Seulgi? Woa. Bagay na bagay talaga tayo no, Seulgi? Seulgi and jimin? Seulmin!" At kanina parin inaasar ni Jimin 'tong si Seulgi. Hahahahhahahahahahha

"Tss hangin" pikon narin si Seulgi. Hindi naman siya Army. Basta gusto niya lang Bts pero ayaw niya talaga kay Jimin. Hahaha.

"Alam mo pandak hindi sila makakapagpakilala kung hindi ka mananahimik dyan! Ano?!" Aamba na ng suntok si Namjooniee pero tumakbo na si jimin. That's why I adore them so much. Hihi.

"I'm Kim Yerim. N-nice to meet you, Bts oppa" nakangiting bati ni Yerim. Aigo ang cute talaga ng maknae namin.

"I'm Son Seungwan." Woa. Ayan na naman yung mga english ni Seungwan. Hihi.

"Park Sooyoung" eto na naman yung cute na ngiti ni Sooyoung-ah~

"B-bae Joohyun hehe" kinakabahan ako kase naman! Nandito ako sa harapan ng mga Idol ko! Sinong hindi kakabahan?! Sino?

"EHEM V EHEM!" Napakunot naman yung noo ko nung bigla nilang asarin 'tong si V.

"Shh! Manahimik nga kayo! Yah!" Saway niya sa members niya kaya nagtawanan kaming lima.

"Welcome to Bighit, our new trainees" nakangiting sabi samin ni Namjoonie. Ngumiti din kami at paulit ulit na nagpasalamat sa kanilang pito.

"Yah, Joohyun!" Tawag sakin ni Yoongi kaya napatingin ako sa kanya.

"Pagalingin mo na yan, arraso? Gusto namin kayo makitang magperform" sabi niya kaya ngumiti ako at tumango.

"Ne, yoongiiiee" nakangiti kong sabi. Gusto ko rin ipakita sa kanila na deserve namin 'to, yung binigay nila saming opportunity. Ipapakita ko 'yon, namin.

Kim Taehyung's Pov -

Dahil may sched kami ngayon, kailangan namin umalis para sa photoshoot ng bago naming ine-endorse. Ayoko sanang umalis since ngayong day na official nagstart mag training yung mga bagong trainee na nakuha ng Bighit. Kasama sila Joohyun dun. Hindi pa nga siya dapat mag training dahil narin sa pilay niya at magaling naman na siya pero gusto niya parin. Gusto daw nilang ipakita na deserve nilang maging trainee at mag debut as one team at nakikita ko. Matutupad nilang lima 'yon.

"V, tawag ka ni Pd-nim" iniabot sakin ni Manager-nin yung phone ko. Tumingin ako kila hyung at nagkibit balikat lang sila.

"Taehyung-ah?" Tawag sa kabilang linya.

"Ne, pd-nim. Annyeonghaseyo" bati ko sa kanya. Umupo ako malayo sa kanila since napakaingay nila as always. Mga budoy 'yon kaya wala ng bago dun. Maingay sila, kami.

"I heard na may kinuha kayong mga bagong trainee?" Tanong niya.

"Ah ne, pd-nim. Meron nga po. Waeyo?" Sumenyas na sila hyung na ako na daw yung kukuhanan.

"I wanna see their performance next week. Arraso?" Next week? Agad?

"A-ahh arraso, Pd-nim" ni-hang up na niya yung tawag kaya nagmadali na kong pumunta since ako na yung kukuhanan.

"Hyung, gustong makita ni Pd-nim magperform sila Joohyun next week." Sabi ko pagkaupo ko sa tabi ni Namjoon hyung na busy sa cellphone niya.

"Then, let them perform. Para makita din namin sila magperform" sabi niya saka ngumiti. Tumango nalang ako.

After ng photoshoot buong araw, dumiretso kami sa Bighit kasi ayun yung gusto ko. At gusto ko rin ipaalam sa kanila na gusto silang makitang magperform ni Pd-nim.

"V oppa, annyeong!" Bati agad sakin ni Yerim pagkapasok ko ng dance studio. Ngumiti ako saka kumaway. Ako nalang pala yung bumaba at pinauna na sila, alam kong pagod na yung mga budoy. Kanina pa nagrereklamo si Jin hyung na gutom na daw siya kahit siya na nakaubos ng lunch namin kanina. Tss timawa.

"Gusto kayong makita magperform ni pd-nim next week. Be ready, arraso?" Sabi ko. Tumango naman sila at mukang hindi kinakabahan. Hahahahhahaha kyeopta.

"Hindi pa ba kayo uuwi nyan? Late narin." Sabi ko saka chineck yung phone ko. 11:30 pm na.

"Hindi pa, oppa. Pero etong si Joohyun unnie, uuwi na siya." Sabi ni Sooyoung kaya napatingin ako kay Joohyun na busy na sa pag aayos ng gamit niya.

"Joohyun, hatid na kita?" Napatingin lahat sila sakin. Ngumiti sakin si Joohyun. Nyemas.

"Hindi na, V. Salamat nalang." Ngumiti na naman siya saka tumingin sa apat na nakangiti habang nakatingin sakin.

"Wae?" Nakatawang tanong ko kaya tumawa din sila. Kinuha ko yung gamit ni Joohyunie saka nagsimulang maglakad para wala na siyang magawa.

"V!!" Nakita kong tinakpan niya yung bibig niya pagkasigaw niya. Hahahahhahahahahahaha napaka cute talaga ng babaeng 'to.

-///

[ It's you ] • ft Bts V & Red Velvet Irene •Where stories live. Discover now