52

99 5 0
                                    



"Nayeon.. nayeon-ssi" hindi ko alam kung ano bang dapat kong ireact. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko.

She looked at taejun and she smiled.

"Kim talaga" nakangising sabi niya. Pinapasok ko siya, ganun ako kabait. Winter kasi ngayon dito sa Japan kaya syempre, malamig. Kung pwede ko nga lang siyang patayin sa lamig, gagawin ko eh. Hakhak charot lang.

Binati niya ang parents ko, iniwan naman nila kami dito sa salas since mukhang may sasabihin sakin 'to.

"It's been awhile, Irene-ssi" napakunot ang noo ko and I forced myself not to react. Why she talk to me like nothing happend?

"Since that day, I badly want to talk to you and.." she looked into my eyes.

"And I want you to know what really happend between me and taehyung." Agad akong umiwas ng tingin sa kanya. I don't know. Gustong gusto kong malaman yung totoo pero may part sakin na ayaw nang malaman 'yon. Ayoko na kasi baka.. baka masira lang ako ulit.

"Nayeon, If you dont mind. Ayokong pag usa—"

"Walang nangyari samin ni V. I just slept with him. Pinalabas kong may nangyari samin para masira kayo kasi I want him back. Pinilit ko 'yon because I still love him. Pero hindi ko alam na buntis ka pala non. Kaya pala ayaw sumama sakin ni taehyung nung gabi na 'yon, kaya din pala may gusto siyang sabihin sakin bago ko siya painumin ng sleeping pills. I-im sorry.. sorry. Please, kasalanan ko 'yon. Wag mong parusahan si Taehyung sa kasalanan na hindi niya ginawa."

Nakatingin lang ako sa kanya habang yung mga luha ko patuloy parin sa pag tulo. I wanna get mad to her dahil sa ginawa niya pero she went here at hinarap ako para umamin sa kasalanan niya at sabihin na hindi kasalanan ni Taehyung 'yon at walang nangyari sa kanila

"Alam kong hindi magagawa sayo ni taehyung 'yon, baby" kinuha ni appa si Taejun sakin saka ako hinalikan sa noo.

"Matagal na namin alam ang totoo, joohyun. Ilang beses din namin pinilit sabihin sayo yung totoo but you don't really wanna hear anything about that. Kaya I'm glad, Nayeon came here." Nakangiting sabi ni eomma. I looked at Nayeon. Hindi ko alam pero nayakap ko siya. She hugged me back.

"Please, love taehyung morethan I could." Bulong niya sakin. She love him enough to let him go.

"Thank you" ayun nalang ang tanging nasabi ko sa kanya saka nagpatuloy umiyak.

-

"Kamusta naman si V oppa, baby?" Biglang nawala yung pagod na nararamdaman ko nang makita ko si Yeri. Napangiti ako saka agad siyang hinalikan sa noo.

"Ayun, kinakaya naman niya. Pero may times talaga na lagi niyang binabanggit si Irene noona. Baka nga mabaliw na si V hyung kaya kailangan na talaga natin mahanap si noona." Seryosong sabi ko. Tumango naman siya. Haha ang cute talaga ng baby yeri koo~

Napatingin ako kay V hyung na nasa gitna ng stage at nakahiga. Kasalukuyan kasi kaming nag rereheare para sa concert namin bukas ng gabi.

"Kain na guys!" Nagdala ng pagkain si manager-nim saka si noona. Inaya nila si V hyung pero nanatili siyang nakahiga 'don.

"May balita na ba kayo kay Irene?" Tanong ni Manager-nim. Sabay sabay kaming umiling since wala pa talaga kaming balita or kahit ano mula sa kanya. Hindi namin siya mahanap.

Tumingin sila kay V hyung.

"Umiiyak na naman 'yon" sabi ni jimin hyung. Napailing nalang kami.

"Birthday na nyan bukas, anong balak natin?" Tanong ni Namjoon hyung. Shit oo nga pala!

"Kahit naman anong balakin natin, sasaya ba siya?" Prangkang tanong ni yoongi hyung. Tssk. Totoo naman.

"Si Irene lang naman kailangan natin para mabalik si Taehyung sa dati." Sabi ni Jin hyung.

Napatingin kami kay Wendy noona ng biglang mag ring yung phone niya. Tumingin sa kanya si hoseok hyung.

"Pinapamigay mo ba number mo ha?! Bat unknown yan??" Sigaw sa kanya ni hyung. Binatukan siya ni noona kaya tumawa kaming lahat.

"Ne, yeobeose— omo" nanlaki naman agad yung mga mata niya. Kinabahan ako.

"IRENE UNNIE?" Pabulong na sigaw niya. Nag shh sign siya saka tumingin kay V hyung na nakahiga parin. Tangina si Irene noona? Sheeeet!

Agad kaming lumapit kay Wendy noona, pinipilit isiksik mga sarili namin sa kanya para marinig si Irene noona.

"Aray ko naman hyung!" Reklamo ko ng bigla akong tulak ni hoseok hyung. Arte kala naman chachansingan ko si noona eh may yeri na ko.

"N-ne unnie" ayun ang huling sinabi ni Wendy noona bago niya ibaba yung call and she started crying.

"W-wae?" Sabay sabay na tanong namin sa kanya.

"N-nandito na sa seoul si Irene unnie, kasama niya si Taejun. Basta, she wants to talk to us. Mamaya sa dorm and wag nalang daw muna sabihin kay V." After sabihin ni Wendy noona 'yon, agad kaming nag ayos since tapos naman na rehearsal.

"Hyung tara na!" Kahit di siya dapat isama, inaya ko si V hyung para hindi kami mahalata. Nag bigay naman siya ng sign na mauna na daw kami. Tumango si manager-nim.

"Ako ng bahala kay V. Para makausap niyo ng maayos si Irene." Bulong niya. Ngumisi ako. Nagpaalam na kami sa mga staffs pati narin kay manager-nim saka kay V hyung. Tangina gustong gusto ko nang makita si taejun since hindi naman namin siya nakita bago sila umalis ni noona.

--//

[ It's you ] • ft Bts V & Red Velvet Irene •Where stories live. Discover now