18

139 4 0
                                    



"Unnie tara na!" Aya nila sakin since babalik na kami sa bighit. Tapos na kasi yung recording namin para sa debut stage diba? Saka nag clear ng schedule si manager-nim ngayon, gusto daw kasi kami agad pagpahingahin ni Pd-nim. Oha diba? Alagang-alaga kami.

"Ow shit." Mura ko. Minsan lang naman ako mag mura pagbigyan niyo na ko since lagi ko namang minamahal ang bangtan lalo na si V. Hihi.

"Babalik lang ako sa dressing room. Naiwan ko yung phone ko na nakacharge." Pagpapaalam ko.

"Bilisan mo irene!" Sigaw ni Manager-nim kaya tumango ako. Binilisan ko nalang lakad para makaiwas rin sa interactions with other kpop idols since ang daming nag comeback ngayon. Saka yung mga Mc's puro mga member ng boy group.

"Got ya" mabilis kong tinanggal sa charge yung phone ko at nakitang may text si V. Hala!

From: My 4D alien

Punta kami dyan. Wait me at the parking lot 1.

-

12 mins ago yung text kaya nagmadali na kong lumabas baka kasi nandun na siya. Bakit kaya bigla niyang naisipan pumunta dito—

"Aww shoot. I'm sorry—" pagkalingon namin sa isa't isa ng lalakeng nakabungguan kami, sabay nanlaki mga mata namin. Seventeen Hoshi?!

"You're Irene Bae of Red velvet, right?" Nakangiting tanong niya. Ngumiti ako saka tumango.

"I'm a fan." Nakangiti paring sabi niya. Yumuko ako saka nagpasalamat. Iwas talaga kami sa interactions since rookie palang kami specially with boy groups.

"A-ah, sige sumbaenim. Mauna na ko." Pagpapaalam ko. Tinalikuran ko nalang siya hindi ko alam kung saan ako dumaan ano ba yan.

"Wait!" Liningon ko naman siya saka binigyan ng 'what' look.

"You're beautiful anyways" sasagot pa sana ko nung marinig ko isang malalim na ngisi mula sa likod ko.

"Thankyou for appreciating Red velvet's beauty." Seryosong sabi niya. Ngumisi si Hoshi saka tumingin sakin.

"Her beauty should be appreciated." Kumindat siya sakin saka na nagpaalam samin ni V. Tumingin ako sa kanya na kasalukuyang nakasimangot.

"Tara na baka may makakita sating fans." Seryosong sabi niya. Nag text naman sakin si manager-nim na nauna na sila kaya kay V na ako sumabay. Nag reply naman ako na kasama ko na si V.

"Uhh.. V?" Tawag ko sa kanya. He started the engine, hindi niya manlang ako tinignan or binigyan ng response. Ang sungit. Ano kayang nangyari?

"V, bakit pala kayo nagpunta dito? Saka nasaan yung iba?" Magkasunod na tanong ko pero di parin siya sumagot.

"V, okay ka lang ba—"

"Aniyo. Masama pakiramdam ko, chae. Kaya pwede? Tahimik muna?" Seryosong sabi niya kaya napatahimik ako. Ano ba 'yan. Ang dami ko pa namang gustong ikwento sa kanya. Dapat pala kila manager-nim na ko sumabay. Kesa dito kay V, di pala ko pwedeng dumaldal.

Mabilis naman kaming nakadating sa bighit. As usual, ako nauunang lumabas ng sasakyan niya. Imbis na sa dance studio namin pumunta, dun ako pumunta sa dance studio ng bangtan since alam kong nandun sila at tama talaga ako as always. Nandun sila.

"V hyung, bakit nakasimangot ka dyan?" Napatingin naman ako sa likod ko nung biglang magtanong si kookie. Hindi rin siya sinagot ni V. Kinuha niya yung gamit niya. Uuwi na siya?

"Uwi na ko. Masama pakiramdam ko eh." Sabi niya. Ni hindi manlang kami tinignan nung elyen na 'yon.

"Luh. Anyare dun?" Tanong ni Jimin.

"Bakit samin mo tinatanong eh nandito lang kami. Si Irene huli niyang kasama bakit hindi siya tanungin mo?" Napaka sungit talaga nitong si Jin oppa. Parang laging may dalaw.

Sabay sabay naman silang napatingin sakin. "Oh bakit? Wala naman akong ginawa kay V." Seryosong sabi ko.

"Sinabi ba naming may ginawa ka unnie?" Nakangising sabi ni seulgi na parang iba pa gusto niyang ipalabas. Inirapan ko siya. Hindi ko naman pwedeng gawin kay V 'yun no. Saka na pag kasal na kami hihi.

"Okay naman siya bago umalis eh" sabi ni hoseok.

"Ano bang nangyari pag dating niya, unnie?" Tanong ni wendy. Hmm ano ba?

"Wala. Nag usap lang kami ni Hoshi sumbaenim." Ayun lang naman talaga.

"Nakita niya kayo?" Tanong ni yeri. Tumango ako.

"He even called me beautiful—"

"Kaya naman pala!" Sigaw ni jin oppa kaya nagulat kaming lahat. Hinampas naman siya ni yoongi dahil nagulat nga siya.

"Nagseselos yun" mahinang sabi ni hoseok pero siniko siya ni jimin. Napakunot naman noo ko pati narin noo nung apat.

"Ano, hoseok? Nag aano?" Tanong ni wendy. Lumapit sa kanya si hoseok saka siya pinitik sa noo.

"Wala, chismosa ka" nakasimangot na sabi niya kaya sumimangot si wendy saka umirap.

"Yedura!" Napatingin naman kami sa pintuan ng studio. Nandun ang manager namin at manager nila.

"Pack your things. Aalis kayo bukas." Nakangiting sabi ni manager-nim.

"Wae?" Magkasabay pang tanong ng maknaes.

"Good bye seoul muna kay for 1 week. Hello, Nami Island!" Walang nag react samin.

"Kasama ang bangtan sa vacation ng Red velvet." Ayun nagets na namin kaya nagkatinginan kaming lahat saka nagtatalon.

"WAAAAAH!!!" Omg! Nakakaexcite!!!

-////

[ It's you ] • ft Bts V & Red Velvet Irene •Where stories live. Discover now