Chapter Two

60K 1.2K 6
                                    


ALAS-KUWATRO na nang hapon nang makabalik siya sa showroom nila sa Makati mula sa bahay ng isang kliyente sa Forbes Park. Hindi pa siya halos nakakaupo sa swivel chair nang tanggapin niya ang long distance call ni Jaime.

"So you're in at last," nasa tinig nito ang iritasyon, ang kawalan ng pasensiya. "I've been trying to reach you since this morning pero hindi kita mahagilap. Ang CP mo'y iisa ang sinasabi. The usual shit ng computerized voice."

"To whom do I owe this call, Jaime?" putol niya sa sinasabi nito. Sinikap niyang huwag ipahalata ang garalgal sa tinig nang makilala ang may-ari ng boses sa kabilang linya. Malalim at buong-buo. Jaime would have made money as a DJ. Bukod sa magandang tinig ay alam niyang ang personalidad nito'y sapat na upang kabaliwan ng kahit na sinong babae.

Sa nakalipas na tatlong taon ay ngayon lang niya muling narinig ang tinig ng lalaki. Ang kanang kamay at pinagkakatiwalaan ng papa niya. Ang manager at one-man army ng Hacienda Aurora.

"Your father died in his sleep, Lara," sa pagkakataong iyon ay banayad ang tinig nito. Tila ba magagawa noong pagaanin ang sakit na dulot ng nakabibiglang balita. Mahabang katahimikan ang namagitan. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa telepono. Ni hindi niya alam kung ano ang sasabihin at iisipin. She probably have stopped breathing for a while.

"Lara," ani Jaime sa kabilang linya. Ang gentleness sa tinig nito'y sapat na upang umiyak siya. Subalit nanatiling tuyo ang mga mata ng dalaga. "Lara, are you still there?" may halong pag-aalalang tanong nito.

"A-alam na ba ng... ng Lola?" she croaked.

"Tinawagan ko siya kaninang umaga. Sinabi ko sa kanyang ako na ang tatawag at magsasabi sa iyo," naroon ang simpatya sa tinig nito, saka idinagdag: "Are you all right?"

"I... I will be," sinikap niyang lumunok dahil may pakiramdam siyang nagbabara ang lalamunan niya. "Thank you, Jaime," at banayad na ibinalik sa cradle ang telepono.

May ilang sandaling nakatitig sa kawalan si Lara. Gusto niyang humagulhol ng iyak sa matinding sama ng loob at kapaitang nadarama. Namatay ang papa niya na ang huling pag-uusap nila'y dalawang buwan nang mahigit. Hindi niya alam kung kanino ibubunton ang sisi na hindi man lang niya ito naalagaan. Sa papa niya mismo o kay Jaime. O higit ang sarili niya dahil hindi man lang siya umuwi kahit minsan sa loob ng tatlong taon.

Nagsimulang manghina ang katawan ng papa niya nang mamatay ang mama niya, si Aurora. Dinamdam nito ng labis ang pagkamatay ng asawa. Siya man ay ganoon din subalit pilit niyang sinikil ang damdamin dahil naroon ang lihim na galit niya sa ina. At hinanakit sa ama sa magkaibang dahilan.

Malimit siyang dalawin ni Roberto sa Maynila tuwing nagpapatingin ito sa Heart Center. Lumalala ang sakit sa puso ng ama niya. Gasino nang mag-usap sila. Gusto niyang sabihin ditong aalagaan niya ito subalit ni hindi siya hinimok man lang nitong bumalik ng asyenda.

"You're doing fine here, Lara," wika pa nito. "At huwag mo akong alalahanin sa atin, naroon si Jaime. Hindi niya ako pababayaan."

Nagsisikip ang dibdib niya. Wala na ang papa niya. Ni hindi sila nagkausap. Si Jaime ang naging kasa-kasama sa mga huling araw. Hindi siya gayong siya itong anak.

"Something's wrong?" si Mira, ang assistant niya at nagsasalubong ang mga kilay sa pagkakatitig sa kanya.

Bahagya pa siyang napapitlag doon. Tumingala at isinandal ang ulo sa headrest. "W-wala na ang... Papa, Mira," she said brokenly.

Lumatay ang pagkabigla sa mukha ng kaibigan. Pagkatapos ay ang simpatya. "I'm sorry, Lara," sinserong wika nito. Alam nitong may sakit sa puso ang ama ng kaibigan at lalong alam nito ang malaking hinanakit ni Lara sa ama.

Isang banayad na tango ang isinagot niya, pagkatapos ay suminghot. "Ikaw na muna ang bahala dito, Mira, uuwi ako ng San Isidro."

"Sure," mabilis na sagot ni Mira. "Take yourtime, Lara, at nakikiramay ako."       

Sweetheart 5 - All My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now