Chapter 28

99.4K 1.9K 219
                                    



"ILANG kaing hong mangga ang naani ninyo ngayon, Mang Senyo?" tanong ni Jaime sa katiwala sa manggahan.

"Kulang dalawang libo po, Sir Jaime," sagot ng matanda na ipinagpatuloy ang pagtatali sa kaing ng mangga. "Subalit hindi pa po tapos ang pamimitas. May ilang puno pa sa kanluran na naghihintay pang mapitas."

Si Lalie na nasa di-kalayuan ay lumapit sa binata at ikinawit ang braso sa baywang nito. "Matagal pa ba iyan? Tayo na," malambing nitong yaya.

"Sandali na lang," nginitian niya ang dalaga. "May ipagbibilin ako kay Mang Senyo," nilapitan ni Jaime ang katiwala at may sinabi. Si Lalie ay nauna na sa kabayo nito. Hindi nagtagal ay sumunod na rin si Jaime.

"Where to?" Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Lalie.

"Sa bahay."

"Sa bahay?" Nagsalubong ang mga kilay niya. "You promised me na buong maghapon mo'y akin."

"O, hindi ba? Iyo ako sa buong maghapon," amused nitong sagot. "Tara sa Villa."

Nawala ang ngiti sa labi ng dalaga. "Naman, Jaime. I wouldn't let you use me again like the way you did the last time."

"And how was it?" amused nitong tanong, banayad na pinatakbo ang kabayo.

"I hate quickie," nakasimangot nitong sabi. "Just as I hate the hays."

Natawa nang malakas ang binata. "Iyon naman ang gusto mo, 'di ba? Masarap ang tinapay na kinakain ng lihim, Lalie," he quoted from the bible. At pinatakbo na nito ng mabilis ang stallion. Walang nagawa si Lalie kundi ang sumunod.

Malayo pa lang sila'y natanaw na ni Jaime ang kotse ni Lara. Nawala ang ngiti sa mukha ng binata at nagsalubong ang mga kilay.

"May bisita ka ba?" si Lalie.

Nagkibit siya ng mga balikat. Nang malapit na sa Villa ay bumaba ng kabayo. Si Lalie ay akmang ganoon din ang gagawin nang mula sa loob ay lumabas sa may portico si Lara.

"Don't bother to get off the horse, Lalie," wika niya. May warning sa tinig. "May importante akong ipakikipag-usap kay Jaime at natitiyak kong matatagalan kami."

"Oh," usal ng dalaga na ibinaling ang tingin kay Jaime na hinihintay ang sasabihin nito.

"Go home, Lalie," utos ng binata na ang mga mata'y hindi inaalis kay Lara. "I'll see you later. Promise."

"Don't count on it," si Lara.

"Hmp!" Inis nitong buntong-hininga at pinatakbo ng mabilis ang kabayo.

Si Jaime ay mabilis na humakbang papasok ng kabahayan. Nilampasan ang dalaga sa may portico. Sumunod si Lara.

"What do you want?" singhal ng binata na hindi lumingon.

Ang lakas ng loob na taglay niya kanina'y biglang nalusaw sa galit nitong tinig. Sandaling natigilan ang dalaga.

"I-I c-came to say I'm... sorry."

"So you're sorry. What now?" patuloy nito. Hindi nagbago ang tono. Tuloy rin sa paglakad. Sige rin sa pagsunod si Lara.

"Y-you offered to m-marry me..."

"Did I?" tuya nito pero hindi lumingon. Dere-deretso sa kusina.

"Will you please stop and let's talk?" naiiritang pakiusap niya.

"We are talking," huminto ito sa may ref. Binuksan at kumuha ng isang pitsel ng tubig. Lumakad sa may cupboard at kumuha ng baso at nagsalin at uminom.

Sweetheart 5 - All My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now