Chapter 21

44.9K 928 6
                                    


"SAAN ka pupunta?" si Jaime mula sa likuran niya.

"Hindi ka ba marunong kumatok?" angil niya rito. "Bakit ba mula noon hanggang ngayon ay basta ka na lang pumapasok sa silid ko!"

"Sagutin mo ang tanong ko, Lara," idinidiin ng tinig nito na sumagot siya. Ang mga mata nito'y nasa mga gamit niyang inaayos sa overnight bag.

"Uuwi ako ng Maynila. Kailangang ayusin ko ang showroom at ipagbilin sa assistant ko bago ko iwan," sagot niya na ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Kung ganoon ay sasamahan kita at kasama mo rin akong pabalik."

Mula sa pagkakayuko sa kama'y napatuwid ang dalaga. "Hindi ko kailangan ng bodyguard, Jaime. Marami kang gawain dito sa asyenda. Isa pa'y sasamahan ako ni Emil."

"Don't count on it," mariing sagot nito. "Kung pinagkaabalahan mong basahin ang ibang clause sa testamento'y nakalagay roon na nasa ilalim ka ng aking pangangalaga hanggang sa umabot ka sa edad na beinte uno. And you just turned twenty three months ago. May siyam na buwan pa bago ka—"

"Damn you!" Hiyaw niya. "Sa loob ng tatlong taon ay mag-isa akong namumuhay kasama ng Lola. Ni hindi sinabi sa akin ng Papa ang tungkol sa bagay na iyan!"

"Tama ka," mahinahong wika nito. "Dahil buhay ang papa mo ay hindi ko binibigyang halaga ang clause sa testamento ng Tita Aurora. Pero ngayong wala na si Tito Roberto ay titiyakin kong masusunod ultimong tuldok sa testamento."

Mabalasik siyang lumapit dito at pinagsusuntok sa dibdib. "Damn you, damn you!"

Mahigpit na hinawakan ni Jaime ang dalawang kamay niya. "At wala ka sa sariling katinuan para pangalagaan ang sarili mo, Lara. You are upset."

Naglalagablab na tila apoy ang mga mata niya sa pagkakatingala rito. "Hindi ko alam kung saan ka nanggaling! Basta ka na lang dumating sa buhay namin at nagulo na ang lahat!"

Huminga ng malalim si Jaime at banayad siyang inihakbang patungo sa kama at iniupo roon. "Ikaw ang nagpapagulo sa lahat, Lara. Sinasabi ng Lola Felisa na malaki na ang ipinagbago mo sa Maynila. Independent and matured," umiling ito. "No. You haven't changed at all. Ikaw pa rin ang dating Lara na nakilala ko. Spoiled and selfish little brat!"

Nasaktan siya roon. Hindi niya akalaing pati ang Lola Felisa niya'y nagiging topic siya. At isiping ikinukuwento siya nito sa ampon lamang.

"Maghihintay ako sa ibaba," wika nito sa awtorisadong tinig. "At kung ako sa iyo'y tawagan mo si Emil at sabihing ako ang maghahatid sa iyo sa Maynila. He's welcome though to travel with us." Banayad nitong isinara ang pinto pagkalabas.  

Sweetheart 5 - All My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now