Chapter 22

45.6K 929 13
                                    


NANG hapong iyon ay nakilala ni Mira si Jaime nang sunduin nito si Lara sa showroom.

"Nice to meet you, Jaime," anito at tinitigan ng husto ang lalaki, with a friendly smile on her lips. "You are exactly what Lara told me about." dagdag ni Mira na hindi pinansin ang panlalaki ng mga mata ni Lara.

Tumaas ang sulok ng bibig ni Jaime sa tipid na ngiti. "Really. Then it must be to my disadvantage dahil hindi magsasabi ng magagandang bagay si Lara tungkol sa akin, Mira."

"Then you don't really know my friend here, Jaime," makahulugang sabi nito, sabay sulyap kay Lara na umuusok ang ilong. Dinampot ang bag sa mesa.

"Let's go," padabog niyang sinabi at nagpatiunang lumabas.

Itinaas ni Jaime ang dalawang kamay, in mock frustration.

"Huwag mong intindihin si Lara, Jaime. She's a nice girl despite the thorns..."

"Then I'll have to find that out," makahulugang wika nito at nagpaalam na.

"PUWEDE ko bang malaman kung ano ang sinabi mo kay Mira tungkol sa akin?" tanong nito sa dalaga nang nasa sasakyan niya para lang mabasag ang katahimikang namagitan. "I couldn't believe that you said something in my favor," wika nito sa naa-amuse na tono.

"Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano, Jaime!" angil niya. "I said you're sexy enough para patulan ka ng Mama!"

Iyong biglang preno ni Jaime ay muntik na siyang nasubsob sa dashboard kung hindi siya nakahawak.

"Huwag mong ubusin ang pasensiya ko, Lara," mapanganib nitong sinabi. "Sana'y iyan na ang huling pagkabanggit mo ng nakasisirang bagay tungkol kay Aurora. Bilang anak na dumanas ng pagmamahal mula sa kanya, ikaw dapat ang nagtatanggol sa pangalan niya. Pero tingnan mo ang ginagawa mo. Hindi ko alam kung saan ka kumuha ng pruweba para sa walang kakuwenta-kuwenta mong akusasyon. You're nothing but a judgmental, self righteous and selfish bitch!"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. She was horrified. Sa buong buhay niya'y sa lalaking ito lamang siya nakarinig ng mga ganoong uri ng insulto. At sa kaibuturan ng puso niya'y nakadama siya ng guilt tungkol sa Mama niya. Wala naman talaga siyang nakita kundi ang isang munting eksena sa guest room.

Nang hindi siya kumibo'y tahimik na pinaandar na muli ni Jaime ang sasakyan. 

Sweetheart 5 - All My Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon