Chapter 16

44K 932 13
                                    


PAGKATAPOS ng pangyayaring iyon ay sinikap niyang huwag magtagpo ang landas nila ng binata. Ni hindi rin naman siya pinagtatangkaang kausapin nito. Habang tumatagal ay lumalalim ang galit niya kay Jaime lalo at nakikita niyang masuyo ang ina sa binata. Hindi iilang beses niyang nahuhuli ang dalawang nag-uusap ng sarilinan bagaman hindi niya maulinigan ang sinasabi.

Isang hapon ay patungo siya sa may kamalig nang matanaw ang kabayo ni Lalie. Nagsalubong ang mga kilay niya. Nasa kanila ba ito? Suyang nagbuntong-hininga siya at pinagpatuloy ang paglakad patungo sa kamalig. Mag-iikot siya sa asyenda. Tutal nasa koprahan pa ang papa niya kasama ang ina. Binuksan niya ang pinto papasok nang makarinig ng tinig at malambing na tawa.

Si Lalie!

Dahan-dahan at maingat siyang humakbang patungo sa pinagmulan ng tinig. Walang ingay siyang nakarating sa may dingding na pinagsasabitan ng mga saddle at kung ano-ano pang gamit ng kabayo. Mula sa sala-salabat na siwang ay sumilip siya upang magulat lang sa nakita. Naghahalikan si Jaime at Lalie sa may dayami. Agad niyang tinakpan ang bibig upang huwag kumawala ang singhap pero marahil ay nakagawa na siya ng mahinang ingay dahil nag-angat ng ulo si Jaime at tumingin sa may lugar niya.

Ni hindi niya magawang kumilos, ni hindi niya gustong huminga. Malalaman nitong nanunubok siya. Sandali lang ang ginawang paglingon nito at muling ipinagpatuloy ang naantalang gawin.

No, please, don't do it, pakiusap niya. Kung kanino ay hindi niya matiyak dahil nakita niyang itinaas ni Jaime ang palda ni Lalie habang hinahalikan ito. Nagliliyad at umuungol ang dalaga. Nakita niyang ibinaba nito sa binti ng babae ang panloob.

Gusto niyang tumakbo palabas subalit malalaman ng mga itong naroon siya. Gusto niyang ipikit ang mga mata subalit hindi niya magawa. Sa kaibuturan ng dibdib ay hindi niya gustong ituloy ni Jaime ang anumang balak nitong gawin. Pagkatapos ay nakita niyang bahagyang tumaas ang katawan ng lalaki mula sa babae at sinimulang ibaba ang zipper.

That was it! Maingat siyang umalis mula sa mga siwang ng dingding at dahan-dahang umatras palabas hanggang sa makarating sa may pinto. Walang ingay niya iyong nabuksan at nang makalabas ay halos tumingala upang punuin ng hangin ang dibdib. Hindi niya alam na nagpigil siya ng paghinga at halos lunurin niya ang baga sa hangin. At ang isa pang ipinagtataka niya'y kung bakit siya umiiyak. Patakbong bumalik siya ng bahay patungo sa silid niya.

"W-what's wrong?" Si Lalie nang maramdaman ang paglayo ni Jaime sa katawan niya.

"Hindi tama ang ginagawa nating ito, Lalie," ani Jaime na tumayo at inayos ang sarili. Sinulyapan ang underwear ng babae na nasa kabilang binti pa nito. "Ayusin mo ang sarili mo at baka abutan tayo ng Tito Roberto at Tita Aurora."

"Hindi kita maintindihan!" Galit nitong inayos ang sarili. "You were so hot at hindi ko kayang isipin kung paano mo nakontrol ang sarili mo..."

Nagkibit ng mga balikat ang binata. "Hindi ito ang tamang lugar."

Unti-unting naglaho ang galit sa mukha ni Lalie. Marahil ay tama ito. Tumayo at inayos ang sarili. Pagkatapos ay nilapitan at niyakap ang binata.

"Then name the place, Jaime. Sasama ako sa iyo."

Isang banayad na tango ang isinagot nito. Tinapik sa likod ang dalaga. "Umuwi ka na at baka hinahanap ka na sa inyo."

Sweetheart 5 - All My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now