Chapter 6

48.5K 998 6
                                    


MAY ilang sandali nang pinakawalan ni Jaime ang mga labi niya ay hindi pa rin niya maibalik sa huwisyo ang isip. Nalilitong nanatili siyang nakatingala rito, catching her breath.

"Humawak kang mabuti sa akin," utos nito sa gumagaralgal na tinig at sapilitang inalis ang mga mata sa mukha niya. Nagsimulang humakbang patawid sa ilog. Ang isang kamay ay nakakapit sa baywang niya at ang isa'y sa troso at nangabay roon.

Strange, nawala sa isip niya ang takot na maaari silang malunod at tangayin ng malakas na agos. Nag-aagaw ang lamig at init sa katawan niya. Lamig dahil sa tubig at init dahil sa nangyaring halik.

Her lips throbbed a little from that kiss. While her heart pounded madly na gustong mabiyak ng dibdib niya. Kung paano nila natawid ang mahigit sa sampung metrong tulay na inaapawan ng tubig ay malabo sa kanya.

Nang marating nila ang kabilang pampang ay ibinagsak niya ang sarili sa basang damuhan. Sumunod na umupo sa tabi niya si Jaime. Ilang sandaling walang maririnig kundi ang malakas na agos ng tubig, ang huni ng mga pang-umagang ibon at ihip ng hangin sa mga dahon ng puno.

"I'm sorry, Lara," pabulong nitong basag sa katahimikan. "Hindi ko naisip na naging trauma sa iyo ang pagkamatay ni Tita Aurora sa tulay na ito," she detected bitterness and pain in his voice na ikinalingon niya rito.

So afterall, ay nakadama ng guilt ang lalaki sa nangyari sa mama niya. He should be! And she was so stupid to let her mother's lover kissed her para lang makalma siya. At bagaman hindi siya tumutugon ay hindi rin naman siya tumanggi. And if she was honest, aaminin niyang gusto niya ang ginawa ni Jaime.

Isang buntong-hininga ang narinig niyang pinakawalan nito at pagkatapos ay marahang tumayo. Inabot ang kamay sa kanya.

"Let's go. It's a long walk to the house."  

Sweetheart 5 - All My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now