Chapter 20

45.8K 951 8
                                    


NANG araw ding iyon ay tinawagan niya si Donya Felisa sa Maynila. Kung hindi dahil sa kalusugan ng matanda'y kasama niya itong nagbiyahe pauwi sa San Isidro.

"I'm sorry about your mother's will, Lara," ang matandang babae sa mahinang tinig. Nakikisimpatya. Maliban doon ay wala nang iba pang paliwanag para magkaroon man lamang ng justification ang ginawa ng Mama niya.

"B-but this is my home, Lola," sinikap niyang huwag mabasag ang tinig. "At sa inyo rin. Ipinundar ito ng Lolo para sa inyo, sa atin. Bakit pahihintulutan ninyong mapunta sa isang estranghero?"

Tumikhim ang matandang babae at matagal bago nagsalita. And when she did, it was with pain. "Your parents left you so much, Lara. Kung anuman ang sinasabi ng testamento. Let it be. At si Jaime ay mananatiling enkargado ng buong asyenda..."

Napahikbi na siyang tuluyan. "You all trusted him that much, huh?" nasa tinig niya ang akusasyon at pagdaramdam. "Kung... kung nasa pangalan ng Mama ang buong asyenda'y malamang na ipinamana rin niya ito kay Jaime..." tuluyan na siyang napahagulhol. At hindi na siya magtataka kung pagkamatay ng Lola niya'y pamanahan din nito si Jaime, considering na ampon ng matandang babae ang lalaki.

Nang hapong iyon ay bisita niya si Emil.

"Are you all right?" Banayad nitong tanong kasabay ng paggagap sa mga palad niya. "Namumugto ang mga mata mo."

Tumango siya at pinuno ng hangin ang dibdib. "I'm fine, Emil. I should be," mapait niyang sabi. At sa paputol-putol na salita'y sinabi niya sa kababata ang nilalaman ng testamento.

"Bakit ginawa ng Mama mo iyon?" nagtatakang tanong nito. "This Villa is a generation house, Lara, hindi ba niya naintindihan iyon?"

"That's what I thought," iginala niya ang paningin sa malaking kabahayan. Mayroon iyong anim na malalaking silid sa itaas, dalawang guest rooms sa ibaba. Isang paikot at malaking hagdan na tipikal sa isang lumang buhay-kastila maliban sa hindi ganoon kaluma ang villa dahil na-renovate na ito at nalagyan ng mga makabagong amenities pero ipreneserba ang lumang arkitektura.

The pieces of furniture are priceless. Ang grand piano na ang sabi ng Lola niya'y pamana pa mula sa ama nito. She wouldn't have left her home kung hindi dahil sa natuklasan niya sa pagitan ng ina at ni Jaime. Marami siyang magagandang alaala sa bahay na ito. Dito siya lumaki at nagkaisip.

At lahat ng ito'y mauuwi lang sa isang estranghero ng pamilya. Sa isang lalaking mula't mula pa'y kinasusuklaman niya.

"Hindi mo ba puwedeng ikontesta ang testamento ng Mama mo, Lara?" untag ni Emil. "Baka wala siya sa sariling kaisipan ng panahong gawin niya ang testamento..."

Totoong wala. Ang isip niya. Her mother was seduced. Nakita niya kung paanong mangayupapa kay Jaime ang mga babaing kilala niya. The bastard used his charms on women para sa sarili nitong pakinabang.

"I still have to talk to a lawyer, Emil," wika niya bagaman mabuway ang pag-asang dala noon. "Pero pansamantala ay dito muna ako. This is my inheritance at kailangang ipaglaban ko."

"Paano kung mag-asawa si Jaime bago dumating ang takdang taning?"

Lumipad ang mga mata niya sa kababata. Hindi niya naisip iyon. At sa kasulok-sulukan ng puso niya'y may tinig na tila nagpoprotesta.

At hindi malayong mangyari iyon. If Jaime was that desperate to own the Villa, gasino nang mag-asawa ito. Maraming babaing dalawang palad itong tatanggapin. Isa na rito si... Lalie!

Si Lalie. Noong araw na ilibing ang Papa niya'y naroon ito. Hindi humihiwalay sa tabi ni Jaime na tila ba ito ang namatayan at kailangan ng suporta. At sa tuwing lalapitan siya ni Jaime ay kabuntot nito ang babae.

Hindi niya maintindihan kung saan nanggaling ang hapding tila humihiwa sa dibdib niya sa kaisipang iyon.

Sweetheart 5 - All My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now