Chapter 11

42.5K 884 3
                                    


SI EMIL ay sa tabi ng estranghero sumakay habang nasa likod siya. Napuna niya ang dalawang maleta sa upuan. Nagsalubong ang mga kilay niya roon. Sa likod ng pickup ay bahagya niyang nasulyapan ang dalawang malalaking kahon.

"Komportable ka ba diyan," lingon ng estranghero sa kanya.

Isang tango ang isinagot niya at agad iniwas ang tingin sa lalaki. Sa pagkakaupo sa likod ay komportable siya pero hindi mula sa presensiya at titig nito. At hindi niya iyon maintindihan. Marami nang naging bisita ang mga magulang niya sa asyenda at halos karamihan sa mga iyon ay hindi niya kilalang negosyante pero hindi siya kailanman nailang.

"Mabuti na lang ho at nadaanan ninyo kami," si Emil nang tumatakbo na ang sasakyan. "Kung nagkatao'y baka nilakad namin ni Lara ang pabalik sa bahay nila."

"Sa susunod na gagamit ka ng sasakyan ay tiyakin mong natingnan mong mabuti ang dapat tingnan," wika ng estranghero sa kaswal na tono. Tumaas ang mga mata sa rearview mirror at nagsalubong ang mga mata nila sa salamin. Mabilis niyang iniwas ang paningin. "Lalo kung malayo ang biyahe ninyo."

"I'll remember that next time," nakangiting wika ni Emil.

"Saan mo gusto kitang ihatid?" tanong nito sa binatilyo.

"Ihahatid ko na muna si Lara sa kanila, Mister," sagot nito na nilingon si Lara. "Pagkatapos ay tatawag at magpapasundo na lang ako sa amin."

Tumikhim ang lalaki at muling tumingin sa rearview mirror. "Don't worry about her. Ihahatid ko siya sa Villa matapos kitang ihatid sa inyo."

"No!" Mabilis niyang sagot na may kasamang takot. "I mean—kung maaari'y pareho mo kaming ihatid sa amin." Nagkibit ng mga balikat ang lalaki at nag-concentrate sa pagmamaneho at hindi na muling nagsalita.  

Sweetheart 5 - All My Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now